Doppelgänger

By Djoanne Nicole Tenorio

Hindi ko alam kung minsan nagkakamali lang tayo sa pandinig pero pa’no kaya kung tumutugma ito sa pangyayari?  Nakakagulat, nakakapangilabot at nakakapanindig ng balahibo 👁️😱😂

Hayaan n’yong umpisan ko ang kaganapan kani-kanina lang, oo kanina lang. Kinausap ako ng Auntie kong maganda, itago na lang natin sa pangalang Claire 😂. “Alam mo pumunta ako sa kabilang bahay. Parang walang tao pero may sumagot. May aswang yata doon. Haha..” Biro ng tita ko at tumawa pa. Ganito kasi ‘yan, ang bahay na pinuntahan n’ya ay family din namin bale ate n’ya so tita ko rin yun.  Hinanap n’ya ang anak nito, itago na lang natin sa pangalang Joyjoy😂 . Kasi nga balak nyang kausapin.

Mabalik tayo, ako naman nagmalamatapang sabi ko puntahan natin at tingnan kung may tao nga doon. Kita naman kasi dito sa’min na may ilaw don sa bahay nila. Sabi ng tita Claire ko, “Ayoko. Natatakot na ko. Haha..” Pero pinilit ko s’yang samahan ako kahit sa labas lang s’ya kasi gusto ko ngang malaman kung may tao malay natin may aswang nga talaga Hahahaha..😂.” Pinuntahan namin, si tita nandon lang nakatayo ako naman itong  tawag ng tawag. “Joy! Joy! Joy!” Wala talagang sumasagot. Tapos tinulak ko ang pinto. 

Hala! wala ngang tao. Wala si Joyjoy.😱

So heto na naman ako napatalak, “Ikaw na aswang pumapasok ka sa bahay nang di mo bahay!” (Kaya nga aswang eh. Hahahaha..🤣🤣) Tapos biglang dumating yung isa kong tita galing yata s’ya sa tindahan, tinanong s’ya ni tita Claire. “Ne, wala ba dito si Joyjoy?” 

Ang sagot niya, “Kanina pa nakaalis si Joyjoy.”

“Ibig sabihin wala palang tao sa bahay nyo te?” tanong ko.

Si Tita Claire kaagad tumakbo sa likod ni tita, mangiyak-ngiyak siya. Kaya itong tita Claire ko tumakbong umuwi sa bahay at doon humagulgol, natakot daw sya😂😂 Ako naman maintriga ano ba sinagot sa ‘yo ni Joyjoy, tita Claire? “Teka lang, iinom lang ako ng tubig.” habang mangiyak-ngiyak n’yang kinukuwento sa’min. Ako naman naka-ready as usual ang camera ko para kuhanan siya ng video 😂 (naka-livescreen pa kamo. Hahaha).

“Buti di ka pumasok sa pinto, pa’no kung aswang nga ‘yon tita Claire?” tanong ko rito.  “At ano naman ang gagawin niya sa’kin?”

“Malay ko ba😱😂” At ayun nagsidatingan na sina papa at ang iba pa para umusisa.

At di lang pala si tita claire ang nakaranas ng ganun, naranasan din ito ng ibang nandito pero ibang tao naman ang ginayang boses. 

(Si Joyjoy ay buntis kung mali man ang nasa isip ay  . . . nag-aalala lang ako kasi minsan naikuwento n’ya saming natutulog na s’ya pero bigla-bigla nalang daw sumisikip ang paghinga niya kaya nagigising siya. Baka normal lang daw ‘yun kasi buntis siya.)

Nakakapanindig balahibo ba? Kung hindi, try mong pumunta sa ibang bahay at tawagin ang pangalan nila tapos kinausap ka. At kalauna’y malalaman mong di pala sila ang totoong kausap mo👁️😱

“Kung hindi ‘yun si Joyjoy, eh sino yun?!” ang tangi na lamang naibulalas ko.

Stock Market – Part 14: Importance of Record Keeping in Investing in the Stock Market

Isa sa magandang style din sa pagiinvest sa stock market at magadang ugaliin ay ang record keeping o yung paglilista ng bawat trading transactions na ginagawa mo. Kung seryoso ka na mapalago ang investment mo ay kailangan mo ng mga historical records para mas lalo mong makita ang progress ng iyong investment.

Maganda ito dahil mapag-aaralan mo kung ano ang mga nangyayari sa investment mo simula noong nagumpisa ka hanggang sa kasalukuyan. Importante ito dahil sa bawat records na tinatago mo ay makakabuo ka ng ilang conclusion o masusing pagaaral kung ano ang mga susunod mong hakbang patungkol sa inyong pagiinvest.

Lahat ng malaki o maliit na kumpanya o indibidwal at mga successful na tao ay naglalaan din ng mga oras para sa kanilang records keeping. Sa stock market dapat ganun din ang gawin mo para mamonitor mo ang iyong investment ng maayos para kung sakali sa hinaharap ay kailangin mo ito ay madali mo na itong makikita at mapagaaralan.

Pwede mo itong ilagay sa notebook, isang malinis na papel, trading journal o kaya naman ay sa computer mo o laptop. Sa computer o laptop mas mainam kasi para pwede mo itong iprint kung kailan mo gusto o kailangan. Sa akin ay sa excel sheet ko nilalagay ang mga records ng aking investment sa stock market. Dito ko ito ginawa para na rin mapagaralan ang mga ginawa kong trading transaction at pwede mo rin itong lagyan ng mga automatic na calculation tulad ng ginagawa ko.

Hindi mo naman kailangan i-type lahat isa-isa ang bawat transactions. Ang ginagawa ko ay dina-download ko lang ang buong transaction history ng aking portfolio sa aking account sa aking stock broker’s site. Tapos kina-copy-paste ko na lang ang mga data sa aking excel sheet para sa mas mabilis na paggawa ng mga data records.

Pwede rin na ang maging diskarte mo ay icopy-paste yung mga datas sa mga transaction record na ini-email ng mga brokers sa iyong email sa bawat trading transactions na ginagawa mo. Pwede din ang ganun. Nasa sa inyo kung paano mo mako-collect ang mga data sa mas madali at mabilis na paraan. Ang point dito ay ma-keep natin ang mga records para mapagaralan ang ating mga historical action at ang ating magiging future actions.

Narito ang sample ng aking ginagawang record keeping sa excel sheet para magkaroon kayo ng idea o maging guide n’yo kung sakaling gagawa rin kayo ng inyong sariling data monitoring. Pwede kayong gumawa ng sarili ninyong style sa pagki-keep ng trading records. Gawin ninyo itong basehan at pwede n’yo rin itong dagdagan o bawasan ng naaayon sa inyong kagustuhan o preference. Ginawa ko lang simple for the purpose of explaining para mabigyan ng emphasis ang kahalagahan ng record keeping sa pagiinvest sa stock market.

Gawin ninyo itong guide habang kayo ay nagiinvest sa stock market at sana ay may mga napulot kayong mga idea na makakatulong sa inyo para lalo pang isaayos ang inyong investment plan, investment style at investment journey dito sa mundo ng stock market.

Hunter X Hunter – Episode 4: Pag-asa at Ambisyon

Sa Episode 4 naman na ito ng Hunter X Hunter na pinamagatang Pag-asa at Ambisyon, maguumpisa na ang Phase 1 ng hunter exam at dito susubukin ang resistensya at determinasyon ng bawat kandidato na kalahok sa exam na ito.

Dito na rin makikilala ni Gon si Kilua, ang kanyang bestfriend. Magkasing-edad lang ang dalawang bata at sa episode na ito maguumpisa ang pagiging malapit nila sa isa’t isa at ang kanilang pagkakaibigan.

Sa episode ding ito ilalahad na ni Kurapika ang kwento tungkol sa kanyang angkan, ang angkan ng mga Kuruta at kung bakit gusto n’yang maging isang hunter. Pati si Leorio ay maglalabas na rin ng kanyang emosyon sa mga nangyari sa kanyang buhay dahilan upang

gustuhin n’yang maging isang hunter at abutin ang kanyang ambisyon sa buhay na maging isang doctor.

Video: CTTO

Episode 4 Quote:

“Sa tamang halaga kahit ano mabibili mo, maging pangarap pa yan, puso ng tao at pati na rin buhay nila. Ang mundo natin ay pinapaikot ng pera, kaya gusto ko ng madaming-madaming pera.” – Leorio