Villa Escudero Plantation and Resort

Ang Villa Escudero Plantation and Resort ay isang 800 hectares plantation and hacienda na matatagpuan sa south city ng San Pablo, Laguna Province at border ng Quezon Province. Sa lawak ng haciendang ito ay tatlong munisipalidad ang sumasakop sa kanya sa dalawang probinsya, ang San Pablo City sa Laguna at Tiaong at Dolores naman sa Quezon Province.

Si Don Arsenio Escudero ang nagmamay-ari nito na pamana sa kanya ng magulang na sina Don Plácido Escudero at ng asawa nitong si Doña Claudia Marasigan. Noong una isa itong sugarcane plantation at kalaunan ay ginawang coconut plantation ni Don Escudero.

Church of the Ascension

Una sa mapapasyalan dito ang lumang Church of the Ascension na ngayon nga ay ginawa na ring Museum. Sa loob nito makikita mo ang iba’t-ibang private collection ng pamilyang Escudero.

Garden at Scenery

Sa paglilibot naman madadaanan mo ang napakagandang tanawin na animo ikaw ay nasa lumang panahon. Sobrang relaxing sa katawan ang fresh air sa paligid dahil na rin sa ang lugar ay napakalinis at napalilibutan ng mga halaman at puno. Sa tanawin pa lang ay gagaan na ang loob mo at mawawala ang mga stress mo sa buhay.

Pwede ka rin maglaro at magbalik sa kabataan noong unang panahon na parang nasa kabukiran lang at sumakay sa estatwang kalabaw.

Sa paligid din mapagmamasdan mo ang isang bahay kubo at ang mga gawain ng ating ama’t ina o lolo’t lola noong mga unang panahon.

 Higantes

Sa pamamasyal din sa loob ng hacienda makakasalamuha mo ang mga “Higantes” na nakasuot ng mga Baro’t Saya na lumang kasuotan noong unang panahon na may kasama pang anghel sa lupa.

Hydroelectric Power Plant Labasin Dam

Dito rin tinayo ni Don Arsenio Escudero at ng kanyang asawang si Doña Rosario Adap ang country’s first working hydroelectric power plant at ito ang “Labasin Dam”. Dahil sa lawak ng lugar na ito kinailangan nila ang Dam na ito para suplayan ang kanilang coconut factory at plantation.

 Karo’t Kalabaw

Sa loob din ng hacienda, masasakyan mo ang totoong “Karo’t Kalabaw”. Itong yung means of transportation noong mga unang panahon. Ang karo ang sasakyan ng tao habang hila-hila ito ng kalabaw. Bihira na nating makita ang mga ganitong uri ng sasakyan at halos wala na nga ito sa panahon ngayon. Ito ang magdadala sa mga bisita ng hacienda patungo sa resort area.

Labasin Waterfalls Restaurant
Ito ang pinaka-main attraction ng Villa Escudero, ang “Labasin Waterfalls Restaurant”. Ito rin ang dahilan kung bakit dinarayo ng maraming turista ang hacienda na ito. Matutunghayan mo kasi ang waterfalls habang ikaw ay kumakain ng masasarap na pagkain. Unlimited ang pagkain dito at sa sarap ng mga pagkain dito talaga namang mabubusog ka pagtapos. Lahat ng pagkain dito ay lutong Pinoy na nakalagay sa palayok o sa dahon ng saging. Ganito ang buhay noon na hindi pa uso ang mga mamahaling lutuan at gamit sa kusina.
Ang kagandahan dito habang kumakain ka ay humahampas naman sa paa mo ang running water mula sa waterfalls na para ka lang kumakain sa gitna ng ilog o batis na napapaligiran ng mga punong kahoy. Maaliwalas ang pakiramdam habang kumakain at masaya dahil parang nagbabalik-tanaw ka sa nakaraan.

Theater and Cultural Dance
Pagtapos kumain ay pwede ka naman manood ng Cultural Dance na tampok ng pamunuan ng hacienda para sa mga turista. Tampok dito ang kultura nating mga pilipino noong unang panahon kasabay ng pagsasayaw o yung tinatawag nilang “Tinikling Dance”. Sa mga kasuotan pa lang ng mga nagtatanghal mararamdaman mo kung gaano kaganda at kayaman ang kultura nating mga pilipino.

Slides and Swimming Pool
Meron ding mga slides at swimming pool na pwedeng pagliguan maliban pa doon kanina sa waterfalls. Maganda ito para sa mga gustong mag-overnight at dun sa mga galing pa malalayong lugar.

Labasin Lake
Isa pa sa mga magagandang attraction dito sa Villa Escudero ang pagpa-Paddling sa Labasin Lake. Pwede kang sumakay sa boat na gawa sa kawayan at mag-sagwan sa kahabaan ng lake. Kailangan mo magsuot ng life vest habang nagsasagwan dahil medyo malalim ang lake na ito for safety purposes. Meron namang mga life saving team sa paligid para masiguro ang kaligtasan ng bawat turista na susubok ng ganitong adventure. Nakakatuwang pagmasdan na para kang nasa kanayunan at payapa ang buhay na puno ng saya at katiwasayan kasama pa dyan ang napakagandang kapaligiran.

Pier at Bahay Kubo
Sa pier na ito nagaantay ang mga gustong sumubok para makapag-paddling sa kawayang bangka. Halos lahat ng bumibisita sa hacienda ay hindi pinapalagpas na masubukan ang adventure na ito. Malawak ang lake kaya halos matatagalan ka bago makabalik sa pier pero worth naman ang ride dahil sa ganda ng tanawin at maaliwalas ang paligid.

Kung gusto mo namang mag-overnight stay sa Villa Escudero ay maraming bahay kubo na pwede kang mag-stay at dito mo mae-experience ang manirahan sa isang bahay kubo. Ang kagandahan dito ay pwede ka rin magluto gamit ang mga makalumang paraan ng pagluluto noong unang panahon. Kung ayaw mo naman ay pwede ka na lang magpaluto at ihahatid na lang sa iyo sa loob ng iyong bahay kubo.

Napakasarap ng feeling kapag pumasyal ka sa lugar na ito. Para kang nagbabalik-tanaw o namumuhay noong mga panahon na kay linis ng hangin at maaliwalas ang paligid. Lahat ng makikita mo sa kapaligiran ay puro halaman at puno at ang malawak na magandang tanawin. Sobrang napakasimple ng buhay at nakakawala ng stress sa buhay at ang maganda pa dito ay walang polusyon na nanggagaling sa mga usok ng sasakyan. Maluwag ang paligid at walang masyadong tao at napakatahimik. Tanging huni ng ibon at pagaspas ng mga puno at dahon ang maririnig mo sa paligid. Totoong kay sarap balikan ang nakaraan kahit sa isang saglit lang sa pagpasyal sa Villa Escudero, kaya ‘wag mo ng palampasin na isama ito sa mga listahan ng gusto mong puntahan kapag ikaw ay nagbakasyon.

The Many Faces of SM Mall of Asia’s "Globamaze"

Ang “Globamaze” ay matatagpuan sa gitna ng SM Mall of Asia roundabout sa Pasay City, Philippines. Ito ang kaisa-isang 360 degrees electronic billboard sa harap mismo ng SM Mall of Asia. Isa itong giant globe na kumikinang sa kadiliman ng gabi sa liwanag ng iba’t-ibang kulay nito. Sa dami ng mga nakakabit na LED lights sa kabuuan nito ay nagmistula itong napakalaking ilaw sa daan sa paligid ng roundabout na ito.

Minsan trapik, minsan maluwag at minsan ay puno ng seguridad dahil na rin dito kadalasan dumadaan ang maraming VIP lalo na kapag may okasyon o pagtitipon sa Pinas. Daanan din ito ng iba’t-ibang way patungo sa iba’t-ibang parte ng kamaynilaan. Halos karamihan ng bus at jeep na papuntang Edsa ay dito umiikot sa roundabout dahil ito ang hangganan ng Edsa pa-southbound. Sobrang nakakamangha ang laki nito na gawa sa steel at sa taas at laki nito ay isang naging magandang atraksyon s’ya sa karamihan ng dumadaan dito. Halos araw-araw nga ata ay may nagpapa-picture dito o nagse-selfie.

Nakakatuwang pagmasdan ang iba’t-ibang mukha ng “Globamaze” dahil na rin sa iba’t-ibang figures na lumalabas at pinapakita dito. Sa mga kuha kong pictures ay nagmistulang parang Giant Smiley Emoticons ang bawat figures kung titingnan sa malayo.

Stock Market – Part 1: What is the Stock Market?

Part 1: What is the Stock Market?

Ano nga ba ang Stock Market? Paano ba kumikita dito? Gusto mo bang mag-invest sa Stock Market? Dito ipapaliwanag ko ang tungkol sa Stock Market at paano kumikita dito ang maraming tao. Sa salitang madaling maintindihan ng simpleng tao, ituturo ko kung ano ang mga dapat mong malaman paano ba ginagawa o paano kumikita sa Stock Market.

Isa ito sa mga investments ko kaya gusto ko rin i-share ang tungkol dito at mga natutunan. Hindi kasi ito tinuro nung mga panahon na nagaaral pa ako kaya gusto ko sa aking munting paraan ay mabigyan ko ng konting kaalaman ang mga simpleng tao na gustong matutunan ang tungkol sa pag-iinvest sa Stock Market.

Una sa dapat mong malaman ay ano ba ang “Stocks”? Sa normal na definition o meaning ng “Stocks”, ito yung goods or merchandise na nakatabi sa isang lugar maging ito ay tindahan o warehouse at nakalaan para ibenta, ipamahagi o gamitin.

Sa mundo ng Stock Market, ang ibig sabihin ng “Stocks” ay isang parte o share sa ownership ng isang company. Ito ay nangangahulugan din ng claim o pagmamay-ari sa assets at kita ng isang company. Kumbaga, part owner ka na ng kumpanya kung saan ka nag-invest o bumili ng stocks.

Sa tingin ko medyo nalilito ka pa din sa paliwanag ko kaya hayaan mong ilagay ko sa isang maikling kwento ang tungkol dito.

Si Pedro ay may -ari ng isang company. Maliit pa lang ang kumpanyang ito kaya’t gusto nyang makalikom ng sapat na halaga upang mapalaki at mapalago pang lalo ang company n’ya. Para magawa ito kailangan n’yang magbenta ng shares of stocks ng kanyang company para makalikom ng pera.

Sa bawat shares of stock na bibilhin mo ay nagiging part owner ka na ng company ni Pedro. Sa madaling salita, kapag kumita si Pedro ibig sabihin kumikita ka din. Pero kapag nalugi naman si Pedro syempre malulugi ka din. Dito na pumapasok ang tinatawag nilang “Risk”. Syempre lahat bagay sa negosyo may kaakibat na risk. Maraming tools o paraan para ma-minimize ang mga risk na ito at ito ay ipapaliwag natin sa mga susunod na post.

Ngayon na may idea na tayo kung ano ang “Stocks”. Ano naman ang “Stock Market”? Sa simpleng salita, ang Stock Market ay isang lugar kung saan nagaganap ang kalakalan, ang pagbenta o pagbili (buying and selling) ng mga shares of stocks ng mga publicly listed companies. Isang magandang halimbawa nito ay ang “Palengke” dahil dito nagaganap ang kalakalan ng iba’t ibang produktong may kinalaman sa pagkain at kung anu-ano pa.

Maraming stock market sa buong mundo. Halos bawat bansa ay may kanya-kanyang stock market. Nandyan ang mga sikat na NYSE (New York Stock Exchange) at NASDAQ ng US, JEG (Japan Exchange Group) ng Japan, LSE (London Stock Exchange) ng UK at sa Pinas naman ang PSE (Philippine Stock Exchange).

Ilan sa mga companies sa Philippine Stock Exchange na pwede kang mag-invest ay ang Jollibee, SM, ABS-CBN, BDO at marami pang iba. Ibig sabihin pwede kang maging part owner ng mga kumpanyang ito. Once na bumili ka ng shares of stocks nila isa ka na sa mga tinatawag nilang “Shareholder”.

Isa sa mga pinaka-successful sa buong mundo sa larangan ng pagiinvest sa stock market ay si “Warren Buffet”. S’ya ang chairman at largest shareholder ng sikat na kumpanyang “Berkshire Hathaway”. Bata pa lang mahilig na sa business at investing si Warren. Kaya s’ya ngayon ang third wealthiest person in the world.

Ang networth n’ya at the age of 14 ay 5K dollars, tapos at the age of 30 naging 1M dollars hanggang sa mga oras na ito ang networth n’ya ngayon ay umabot na sa 86.9 billion dollars at isa sa mga dahilan nito ang pagiinvest n’ya sa stock market. Hindi naman nating kailangan maging isang Warren Buffet pero pwede tayong ma-inspire sa kwento ng buhay n’ya at matuto sa mga pinagdaanan n’ya lalo na sa pagiinvest sa stock market.

Sa Part 2, ituturo ko naman kung paano mag-invest sa stock market at ano ang mga kailangan mong gawin para ka makapag-invest dito. Sa next post ko din, malalaman mo kung paano kumikita sa pagiinvest sa stock market at bakit isa ito sa magandang financial investment na dapat mong matutunan. Huwag kang magalala kung wala ka pang alam sa ngayon dahil unti-unti sa pagsubaybay mo mga post ko ay matututunan mo din ang lahat ng dapat mong malaman at masasagot ang lahat mong katanungan.

Photo: CTTO

Hongkong

Isa pa sa mga napuntahan ko ng lugar ay ang Hongkong. Ang kagandahan dito ay hindi mo na kailangan ng visa para makapasok at makapasyal. Passport lang at tiket ayos na. Yung lang medyo saglit lang kami dito dahil biglaan kaya iilan lang sa mga magagandang lugar dito ang napuntahan ko.

Hongkong Airport (Chek Lap Kok Airport)

Sa laki pa lang ng airport nila masasabi kong isa ito sa mga pinakamalalaking airport sa buong mundo. Hindi magkamayaw ang mga tao dito sa dami ng mga flights araw-araw patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa rin ito sa world’s eight busiest airport in terms of total passenger traffic annually. The airport was our first pit stop on my journey to the “Harbour of the Fragrant Aroma”.

On the way to Downtown madadaan mo ang naggagandahang infrastructure sa Hongkong na aakalain mong nasa US ka dahil sa ganda din ng bridge na aming dinaanan.

Downtown Hongkong

Ito ang isa sa mga busiest na lugar dito sa Hongkong. Ang mga tao dito parang laging nagmamadali at may pupuntahan. Nakasakay kami sa doble decker bus kaya kita ko lahat ng nakapaligid sa harap at hindi traffic ng araw na bumabyahe kami. Karaniwan daw traffic sa lugar na ito dahil sa dami ng tao at ang kahabaan nito ay puro commercial establishments.

Harbour City / Ocean Terminal

Ang pinakamalaking daungan ng malalaking cruise ship papunta at paalis ng Hongkong ang tinawag nilang “Ocean Terminal”. Ang ocean terminal ay matatagpuan sa Harbour City. Dahil nga sa daungan ito ng mga naglalakihang cruise ships, ito ang nagiging centro ng turismo sa parteng ito ng Hongkong. Sa Harbour City din kasi matatagpuan ang malalaking mall sa Hongkong kaya isa ito sa mga pinakasikat na puntahan ng mga turista.


Madame Tussauds (Wax Museum)

Isa pa sa magandang puntahan sa Hongkong ay ang Madame Tussauds (Wax Museum). Ito ay isang part ng mga renowned chain of wax museums na tinatag ni Marie Tussaud ng France. Matatagpuan ito sa Peak Tower ng Hongkong Island. Matutuwa ka sa pagpunta dito dahil makikita mo ang mga life size ng mga sikat na artista sa buong mundo na gawa sa wax.

Isa na rito ang sikat na si Mr. 007: Jame Bond. Kuhang-kuha ang itsura at pustura na aakalaing mong parang s’ya ay totoong tao.

Mr. 007 “James Bond”

Syempre mawawala ba dyan ang isa sa mga sikat na artista na sa Hongkong nagmula. Walang iba kundi si Mr. Nice Guy: Jackie Chan. Ang height pati ang kanyang mga ngiti ay gayang-gaya sa pagkakahubog ng wax image ni Jackie Chan.

Mr. Nice Guy “Jackie Chan

Victoria Peak

Ang Victoria Peak ay matatagpuan sa bulubunduking parte sa Western half ng Hongkong Island. Kilala ito sa English name na “Mount Austin” o sa local name nitong “The Peak”. Ito ang isa sa pinakamataas na lugar sa Hongkong. Matatanaw mo mula dito ang kabuuan ng Central, Victoria Harbour, Lamma Island at marami pang lugar sa baba nito.


Isang maganda sa pagpunta sa The Peak ay ang pagsakay ng Peak Tram. Animoy para kang nasa roller coaster sa sobrang tarik ng pagbyahe habang umaakyat ang tram papunta sa pinakatuktok ng bundok. Pagdating mo sa taas, ang ulap ay nahahawakan mo na sa sobrang taas ng elevation. Sa taas parang nanliit ang mga high rise buildings sa ibaba ng Victoria Peak at paligid ng Hongkong.

Isa sa magandang journey ko ang Hongkong travel. Maeenjoy mo ang bawat oras, sayang nga lang at para sa akin ay kulang pa ang stay namin doon. Marami pa kasing magagandang lugar sa Hongkong ang hindi ko napuntahan dahil sa kakulangan ng oras at araw. Next time I will make sure that I have all the time in the world to visit other beautiful places in Hongkong.

Until next time and I hope you enjoy seeing my travel in Hongkong. Make this place as one of the places to visit in your bucket list. Always stay happy ‘coz life is beautiful.

Boracay

Nakapunta ka na ba sa Boracay? Kung hindi pa ay dapat mapuntahan mo ito kung kaya rin naman ng budget mo. Isa ang Boracay sa mga pinakamagagandang lugar sa Pinas. Bukod sa White Sand, marami kang pwedeng gawin o maging adventure sa Boracay na makikita mo sa mga pictures ko sa ibaba. O kaya naman ay gusto mo lang mag-unwind at mag-relax.

Bagay na bagay ang Boracay sa matagal ng bakasyon at pahinga na inaasam-asam mo. Maliban pa sa Night Life na pinakikinang ng mga nagliliwanag na Fire Dance na makikita mo sa paglalakad mo sa ilang kilometrong white sand ng Boracay at ang napakalinaw na beach water.

________________________________________________________________________

White Sand

Isa ang white sand kung bakit sikat na sikat ang Boracay sa maraming turista. Halos kabuuan ng isla ay nababalot ng nagpuputiang buhangin sa beach front.

Wala pa dyan ang naggagandahang tanawin sa paligid at mga turistang gustong nais takasan ang lamig o init ng klima sa kani-kanilang bansa.
________________________________________________________________________
Fly Fish Sailing
Isa pa sa magandang gawin sa Boracay ang Fly Fish Sailling. Katulad din ito ng Banana Boat Sailing na karaniwang makikita sa isla pero ang isang ito ay medyo may pagka-extreme. Dahil talagang itataas ka at halos parang mahuhulog ang puso mo sa takot sa extreme adventure na ito.
________________________________________________________________________
Parasailing
Ito naman ang pinakagusto ko sa lahat ng adventures na nagawa ko na sa Boracay, ang Parasailing. Para kang nakasakay sa eroplano pero upuan lang ang meron at kita mo ang lahat ng tanawin sa paligid at sa ibaba mo. It’s like you’re flying without wings.
________________________________________________________________________
Rock Climbing
Meron din Rock Climbing wall para sa mahihilig sa ganitong extreme sports. Dito talagang pagpapawisan ka kung hindi mo hilig ang ganitong adventure dahil medyo may kataasan ang aakyatin mo pero meron namang safety harness at personnel na magbabantay at sisiguraduhin ang safety ng sinumang susubok nito.
________________________________________________________________________
Go Kart
Sa Boracay pwede ka din sumakay at mag Go Karting. Kasama ng mga friends maganda din itong racing adventure at talaga namang matutuwa ka dahil sa adrenaline na dala nito. Para kang nasa car racing event dahil meron din start and finish line. Hindi lang pambata dahil pwede rin ito sa matanda. Huwag magalala dahil kahit hindi ka marunong ay may magtuturo naman sa ‘yo bago ka sumabak sa adventure na ito.
________________________________________________________________________
Angry Bird
Dito sa Boracay pwede mo rin makita at makalaro ang mga Angry Birds tulad ni “Red” the angriest bird sa grupo. Life size silang lahat kaya matutuwa kang magpakuha ng pictures kasama nila.
________________________________________________________________________
The Food
Itong part na ‘to ang isa din sa pinakagusto ko. Kasi nga you get to choose whatever food you want. Sa dami ng pagpipilian eh magkakanda-duling ka sa pagtingin pa lang sa iba’t ibang pagkain. Marami ng kainan sa buong Boracay at dahil nga sa dami ng mga turistang pumupunta dito, you can have your food in different cuisine like Native, Chinese, Japanese, Korean or even European food.

________________________________________________________________________
Henna Tattoo
Sa Boracay pwede ka rin magpa-henna tattoo. Maraming magagaling magtattoo sa kahabaan ng Station 2 ng Boracay. Marami din design na mapagpipilian at bawat artist may kanya-kanyang compilation ng mga nagawa na nilang tattoo design.
________________________________________________________________________
Fire Dance
Last but not the least, isa din sa mga dahilan kung bakit dinarayo ng maraming turista ang Boracay ay ang “Fire Dance”. Ito ang isa sa mga main attraction sa Boracay tuwing gabi. Kaya sumisigla ang night life sa isla ay dahil sa galing ng mga Fire Dancers. Pakulo din ito ng mga restaurant owner para makaakit ng customer sa kanilang kainan. Syempre masarap kayang manood ng mga ganitong show habang kumakain o nakaupo sa couch at pinapanood kung paano sila sumayaw habang nagpapaikot ng apoy kasabay ng dance music.
Ito ang kabuuan ng aking Boracay Experience at dahil sa ganda nito balak ko ulit pumunta dito sa aking bakasyon. I hope you enjoy reading my Boracay Escapade and try to include this place in one of your Bucket List. Thanks for passing by and enjoy ’cause life is beautiful.

My Comfort Food

Ito ang isa sa mga comfort food ko at masasabing kong kahit ganito lang ang pagkain eh talagang solve na ang buto-buto. Migoreng pancit canton at pritong pusit tapos ang sawsawan mo ay sukang may paminta at konting asin. Wow! Ang sarap!

Sobrang kapag natikman n’yo itong Migoreng na Pancit Canton, ibang-iba s’ya sa normal na pancit canton nating mga Pinoy. Mas malasa s’ya at mas maraming rekado. Tapos kasama ng malutong na pusit at isasawsaw mo sa suka kasabay ng mainit na kanin. Hayyy, masasabi mo na lang ang sarap palang mabuhay dahil ang sarap kumain.