My Love

My Beautiful Wife: Mrs. Claire Tenorio Dabu

Boracay

Nakapunta ka na ba sa Boracay? Kung hindi pa ay dapat mapuntahan mo ito kung kaya rin naman ng budget mo. Isa ang Boracay sa mga pinakamagagandang lugar sa Pinas. Bukod sa White Sand, marami kang pwedeng gawin o maging adventure sa Boracay na makikita mo sa mga pictures ko sa ibaba. O kaya naman ay gusto mo lang mag-unwind at mag-relax.

Bagay na bagay ang Boracay sa matagal ng bakasyon at pahinga na inaasam-asam mo. Maliban pa sa Night Life na pinakikinang ng mga nagliliwanag na Fire Dance na makikita mo sa paglalakad mo sa ilang kilometrong white sand ng Boracay at ang napakalinaw na beach water.

________________________________________________________________________

White Sand

Isa ang white sand kung bakit sikat na sikat ang Boracay sa maraming turista. Halos kabuuan ng isla ay nababalot ng nagpuputiang buhangin sa beach front.

Wala pa dyan ang naggagandahang tanawin sa paligid at mga turistang gustong nais takasan ang lamig o init ng klima sa kani-kanilang bansa.
________________________________________________________________________
Fly Fish Sailing
Isa pa sa magandang gawin sa Boracay ang Fly Fish Sailling. Katulad din ito ng Banana Boat Sailing na karaniwang makikita sa isla pero ang isang ito ay medyo may pagka-extreme. Dahil talagang itataas ka at halos parang mahuhulog ang puso mo sa takot sa extreme adventure na ito.
________________________________________________________________________
Parasailing
Ito naman ang pinakagusto ko sa lahat ng adventures na nagawa ko na sa Boracay, ang Parasailing. Para kang nakasakay sa eroplano pero upuan lang ang meron at kita mo ang lahat ng tanawin sa paligid at sa ibaba mo. It’s like you’re flying without wings.
________________________________________________________________________
Rock Climbing
Meron din Rock Climbing wall para sa mahihilig sa ganitong extreme sports. Dito talagang pagpapawisan ka kung hindi mo hilig ang ganitong adventure dahil medyo may kataasan ang aakyatin mo pero meron namang safety harness at personnel na magbabantay at sisiguraduhin ang safety ng sinumang susubok nito.
________________________________________________________________________
Go Kart
Sa Boracay pwede ka din sumakay at mag Go Karting. Kasama ng mga friends maganda din itong racing adventure at talaga namang matutuwa ka dahil sa adrenaline na dala nito. Para kang nasa car racing event dahil meron din start and finish line. Hindi lang pambata dahil pwede rin ito sa matanda. Huwag magalala dahil kahit hindi ka marunong ay may magtuturo naman sa ‘yo bago ka sumabak sa adventure na ito.
________________________________________________________________________
Angry Bird
Dito sa Boracay pwede mo rin makita at makalaro ang mga Angry Birds tulad ni “Red” the angriest bird sa grupo. Life size silang lahat kaya matutuwa kang magpakuha ng pictures kasama nila.
________________________________________________________________________
The Food
Itong part na ‘to ang isa din sa pinakagusto ko. Kasi nga you get to choose whatever food you want. Sa dami ng pagpipilian eh magkakanda-duling ka sa pagtingin pa lang sa iba’t ibang pagkain. Marami ng kainan sa buong Boracay at dahil nga sa dami ng mga turistang pumupunta dito, you can have your food in different cuisine like Native, Chinese, Japanese, Korean or even European food.

________________________________________________________________________
Henna Tattoo
Sa Boracay pwede ka rin magpa-henna tattoo. Maraming magagaling magtattoo sa kahabaan ng Station 2 ng Boracay. Marami din design na mapagpipilian at bawat artist may kanya-kanyang compilation ng mga nagawa na nilang tattoo design.
________________________________________________________________________
Fire Dance
Last but not the least, isa din sa mga dahilan kung bakit dinarayo ng maraming turista ang Boracay ay ang “Fire Dance”. Ito ang isa sa mga main attraction sa Boracay tuwing gabi. Kaya sumisigla ang night life sa isla ay dahil sa galing ng mga Fire Dancers. Pakulo din ito ng mga restaurant owner para makaakit ng customer sa kanilang kainan. Syempre masarap kayang manood ng mga ganitong show habang kumakain o nakaupo sa couch at pinapanood kung paano sila sumayaw habang nagpapaikot ng apoy kasabay ng dance music.
Ito ang kabuuan ng aking Boracay Experience at dahil sa ganda nito balak ko ulit pumunta dito sa aking bakasyon. I hope you enjoy reading my Boracay Escapade and try to include this place in one of your Bucket List. Thanks for passing by and enjoy ’cause life is beautiful.