Stock Market – Part 2: How to Invest in the Stock Market?

Part 2: How to Invest in the Stock Market?

Paano nga ba mag-invest sa stock market? Ano ang mga kailangan mong malaman para ka magkapag-invest dito. Ano ba ang mga requirements para makapag-umpisang mag-invest sa market na ito.

Bago ang lahat kailangan muna nating i-set ang mind natin sa mga bagay-bagay tungkol sa pagiinvest sa stock market. Una na sa lahat, ang pagiinvest sa stock market ay hindi nangangahulugan ng madaling pagyaman. Although marami ang kumikita dito hindi mo dapat isipin na yayaman ka agad kapag naginvest ka dito. Kailangan mo ng mahabang panahon para magawa ito. Kaya nga ang stock market ay known to be a long term investment vehicle rather than short term.

Isa pa sa dapat mong isaalang-alang sa pag-iinvest sa stock market ay ang “risk factor” na tinatawag. May mga risk din sa pagiinvest sa stock market kaya ang iba ay takot mag-invest dito. Sa susunod kong mga post papaliwanag ko ang mga risk na iyon at ang mga dahilan kung bakit takot mag-invest ang iba sa stock market.

Una sa mga kailangan mo para ka makapag-invest sa stock market ay yung tinatawag nilang “Stock Broker”. Hindi ka kasi makakapag-invest sa stock market kung hindi ka dumadaan sa stock broker. Ang “Stock Broker”, silang yung nangangasiwa o magmamanage ng mga magiging transactions mo tulad ng pagbibili ka o magbebenta ka ng mga stocks na hawak mo o yung nasa “Portfolio” mo. Ang tinatawag na portfolio ay katulad ng isang folder kung saan nakadetalye ang lahat ng mga transaction mo at lahat ng mga galaw mo habang nag-iinvest ka sa stock market.

Narito ang ilang sa mga nangungunang stock broker sa Pinas kung saan pwede kang magumpisang mag-invest. Mayroong 131 accredited stock brokers ang nakalista ngayon sa Philippine Stock Exchange.

Stock Broker
Minimum Initial Deposit
COL Financial
1,000 Pesos (COL Starter)
25,000 Pesos (COL Plus)
1 Million Pesos (COL Premium)
BPI Trade
No Minimum (need to open an account and funds to trade)
FirstMetroSec
25,000 Pesos
Philstocks.ph
5,000 Pesos
BDO Nomura
No Minimum (need to open an account and funds to trade)

Kung mapapansin mo sa listahan sa itaas may mga nakalagay na minimum initial deposit. Ibig sabihin ang ikalawa sa requirement para makapag-invest ka sa stock market ay pera. Normally, 5,000 pesos ang karamihan sa mga initial deposit na perang kailangan mo para makapag-open ka ng account sa mga stock broker company. Pero meron namang walang minimum initial deposit tulad ng BPI Trade o BDO Nomura at ang kailangan mo lang ay mag-open ng bank account sa kanila at popondohan mo na lang kung gusto mo ng bumili ng mga stocks.

Para magkaroon ka ng idea, narito naman ang ilan sa mga presyuhan ng bawat stocks sa bawat company kung saan ka pwede mag-invest at bumili ng stocks. Sa kabuuan merong almost 300 stocks na nirerepresent ng mahigit 250 companies na listed sa Philippine Stock Exchange.

Symbol
Name
Current Price
(in Peso)
2GO
2GO Group, Inc.
12.64
ABS
ABS-CBN Corporation
18.94
ALI
Ayala Land, Inc.
48.95
BDO
BDO Unibank, Inc.
134
FB
San Miguel Food and Beverage, Inc.
116
FEU
Far Eastern University, Inc.
890
GLO
Globe Telecom, Inc.
1780
GMA7
GMA Network, Inc.
5.23
MAXS
Max’s Group, Inc.
15
SM
SM Investments Corporation
950

Ang “Symbol” column ay ang tinatawag na stock code. Noong unang panahon kasi buong pangalan lang ng company ang ginagamit sa stock market at dahil nga sa haba ng mga pangalan ng ibang kumpanya at sa dami na rin ng mga kumpanyang ito minabuti nilang magkaroon ng stock code para mapadali ang proseso sa stock market.

Ang column naman ng “Current Price”, ito yung presyo ng bawat shares of stocks na bibilhin mo para ka makapagumpisa ng investment mo sa stock market. Ang mga presyong yan ay bumababa at tumataas base sa performance ng company at iba pang mga factors tulad ng inflation, exchange rate, etc. Mas makakabuting pag-aralan mo munang maigi ang stock market bago ka sumabak dito.

Maraming mga tools sa internet na makakatulong sa ‘yo upang mas lalo mong maunawaan ang kalakaran dito. Sumubaybay ka lang sa mga updates sa mga posts ko at siguradong kahit papaano ay may mapupulot ka din para magamit mo sa pag-iinvest mo sa stock market.

Sa next post, paguuspan naman natin ang actual na pagoopen ng account sa isa sa mga nangungunang stock broker. Papasukin din natin ang loob ng portfolio ng isang account para malaman nating ang mga nakapaloob dito. Aalamin din natin kung paano bumili ng stocks at paano magbenta ng stocks sa stock market. Ipapakita ko din sa mga susunod na post kung paano kumikita sa stock market at magkano ang pwede mong kitaan dito. Kaya sana ay makasubaybay kayo sa mga susunod kong post para malaman ang mas marami pang information tungkol sa pagiinvest sa stock market.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.