Kingkong vs Godzilla in Jurassic Desert

Nakita ko na mukhang maglalaban sina Kingkong at Godzilla sa di kalayuan habang ako ay papasok sa work sakay ng aming sasakyan sa may disyerto. Kasama pa sa larawan sina Giganotosaurus ng Jurassic Park at nasa tabi naman si Ferdinand.

Naku po! Ito ay isang malaki at magandang labanan ng apat na tauhan ng apat na pelikula. Nakunan ko ito habang tumatakbo ang aming sasakyan ng ako’y papasok sa trabaho. Pagkakita ko ay kinuha ko agad ang celfon ko sabay kuha ng litrato at talaga namang para kang nanonood ng isang Royal Rumble sa isang wresting na labanan.

Sayang nga lang at dahil papasok kami sa work noon at mabilis ang takbo ng aming sasakyan ay hindi ko na nagawang tapusin ang labanan. Sino kaya ang nanalo? Isa sana ito sa pinakamagandang scoop of all time na walang halos nakakita kundi ako lamang. Kauna-unahan sa history of mankind na maglalaban-laban ang apat na ito na nagkita lamang sa tinawag kong Jurassic Desert.

Makikita sa picture na habang nagaambaan sina Kingkong at Godzilla ay parating naman si Giganotosaurus sa di kalayuan. Habang si Ferdinand ay mukhang naghihintay ng pagkakataon na umatake sa sino man sa mga kalaban. Si Kingkong naman ay parang pinapakita ang kanyang muscles kay Godzilla na parang sinasabi na, “hindi mo ako kaya”. Si Godzilla naman, animo’y mananakmal at nagaantay na sugurin s’ya ni Kingkong.
Sobrang ganda ng laban na ito at daig pa ang lahat ng labanan sa mga movies o anime. Pormahan pa lang ay alam mo nang umaatikabo ang magiging sagupaan at walang puknat ang magiging labanan. Napakalawak ng disyerto at tamang-tama ito para sa kanilang labanan. Para kang nanood ng Royal Rumble sa Wrestling na kung saan lahat ng kasali ay lahat magagaling at malalakas. Ewan ko lang kay Ferdinand hahahaha…
Isang malaking pagkakataon para sa akin ang makakuha ng ganitong picture sa ganitong tagpo kaya’t hindi ko pinalagpas na makuhanan ng litrato ang tagpong ito. Napakahalaga ng larawang ito para sa akin dahil minsan lang ako makakuha ng ganitong larawan at ako lang ang meron nito sa buong mundo. Ito ang tinatawag nilang perpektong larawan sa tamang panahon at sa tamang lugar.