Dubai

Isa sa mga lugar sa ibang bansa na napuntahan ko na din ay ang Dubai na matatagpuan sa United Arab Emirates. Ang kagandahan kung bakit ako nakarating dito ay dahil sa trabaho. Maraming magagandang lugar ang matatagpuan sa Dubai kaya marami ang dito’y gustong makapunta. Maswerte ako dahil nga sa trabaho ay pwede kong mapuntahan ang iba’t ibang lugar sa Dubai kapag araw na wala akong pasok.

Dubai International Airport

Isa ang Dubai sa may pinaka-malaki at pinaka-magandang paliparan sa buong mundo. Marami din ang dito’y pansamantalang humihinto papunta sa iba’t ibang dako ng mundo. Sa laki at lawak nito pati mga billboards ay naglalakihan din gaya na lang ng nasa likuran ko sa larawang ito.

Meron ding mga flight information monitor sa maraming lugar para sa lahat ng mga pananakay o turistang dito ay pumupunta.
Sa bawat lugar ng airport at mayroong mga halaman at puno na nagpapaaliwalas at nagbibigay ng magandang hangin sa buong kapaligiran.
Isa rin sa magandang parte ng airport sa Dubai ang Emirates First Class Lounge. Dito pwede kang makapag-relax na para bang ikaw ay isang VIP o yayamaning manlalakbay.
Sa dami ng mga flights at taong paroo’t parito sa airport na ito, aakalain mong ikaw ay parang nasa isang malaking mall lang.
Burj Al Arab

Isa sa pinakamagandang puntahan sa Dubai ay ang Burj Al Arab. Isa sa pinakamamahaling hotel at pang-lima ito sa pinakamataas na hotel sa buong mundo.

Jumeira Beach Park

Sa di kalayuan naman ay naroon ang Jumeira Beach Park na madalas puntahan ng mga tao sa Dubai.

Pagpasok sa beach park sasalubong sa ‘yo ang mga tulad nitong kabayong estatwa at sa laki at ganda ng kulay nito ay talagang pansinin ng tao na magandang kuhanan ng litrato.
Kung ayaw mo naman maglakad ay pwede ka namang umangkas sa mga golf cart na makikita sa paligid, magpaalam ka nga lang para malibre ka.
Jumeira Beach
Sa loob ng Jumeira Beach pwede mong matanaw sa di kalayuan ang Burj Al Arab. Napakaganda at napakalawak ng beach front at ito ay libre sa sino mang gustong mamasyal at maligo sa dagat.
Mall of Emirates
Isa pa sa magandang puntahan sa Dubai ay ang kanilang mga Malls. Isa sa pinakasikat dito ang Mall of Emirates o Emirates Mall. Malawak ang mall na ito at maraming pwedeng gawin at puntahan.
Kapag nagutom ka naman sa pamamasyal sa Emirates Mall ay pwede ka kumain sa malawak na Food Court kasabay ng iba’t ibang lahi na dito’y namamasyal din.
Dubai Mall
Isa pa sa pinakasikat na mall sa Dubai ang kilalang Dubai Mall. Pangalawa sa pinakamalaking mall sa buong mundo na mayroong mahigit 1,200 shops sa loob nito. Ang Dubai Aquarium & Underwater Zoo na nasa loob ng Dubai Mall ang isa sa main attraction nila dito.
Dubai Aquarium and Underwater Zoo
Dubai Creek
Isa rin sa magandang puntahan sa Dubai ay ang Dubai Creek. Dito pwede kang sumakay ng bangka galing ng Deira papuntang Bur Dubai. Sa lawak at haba ng creek na ito kung babaybayin mo ay pwede kang makarating ng Al Ain gamit lang ang bangka.
Ilan lang ito sa mga napuntahan ko na sa Dubai at marami pang mga magagandang lugar ang pwedeng puntahan sa Dubai. Sana mag-enjoy kayo at mapuntahan ang iba pang magagandang lugar sa Dubai kapag kayo naman ang nakarating dito.

One thought on “Dubai

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.