Nilagang Baka (Beef Stew)

I cooked one of my favorite Filipino dishes for dinner…
Nilagang Baka (Beef Stew)

Tibiao Kawa Hot Bath and Eco-Park Adventure

Nakaligo ka na ba sa isang “Kawa” habang ito ay nakasalang sa apoy? Ang “Kawa” ay isang kasangkapan sa pagluluto sa Pilipinas noon unang panahon. Kadalasan ginagamit pa din sa ilang probinsya ang ganitong uri ng kasangkapan sa pagluluto.

Sa Antique, may isang adventure ang pwede mong gawin kung saan pwede kang maligo sa isang kawa habang nakasalang sa apoy. Ito ang Tibiao Kawa Hot Bath na matatagpuan sa Calawag Mountain Resort sa barangay Tuno, Tibiao, Antique. Kasama na sa adventure na ito ang pamamasyal sa napakagandang Eco-Park na nasasakupan ng barangay nito.

Pagpasok mo pa lang bubungad na sa ‘yo ang napakagandang tanawin sa paligid at sariwang hangin. Sobrang tingin mo pa lang ay talagang marerelax ang iyong sarili sa nakikita mo sa paligid.

 

 

Puro puno sa paligid at sa di kalayuan ay matatanaw ang bulubunduking tanawin. Sa harap mo naman pumapagaspas ang tubig sa sapa na animoy nanghihikayat na ikaw ay dapat magtampisaw at maligo dito.

 

 

Sobrang puro kulay berde ang paligid at ang hangin napakasariwa dahil malayo sa mga usok ng sasakyan sa kanayunan.

 

 

Sa mabatong gilid ng sapa ay magandang kumuha ng larawan kung saan ang alon ay banayag, malinaw at napakalinis ng tubig.

 

 

Meron ding slide na gawa sa kawayan para medyo may konting thrill ang pagdausdos mo sa tubig kung ikaw ay maliligo sa sapa.

 

 

Meron din hanging bridge sa di kalayuan na pwede mong gamitin papunta sa kabilang bayan at malibot ang kabuuan ng eco-park.

 

 

Ang pinakapinupuntahan talaga dito ay ang paliligo sa isang kawa kung tawagin nila ay Tibiao Kawa Hot Bath. Bago painitin ang tubig ay lalagyan muna ito ng mga halamang gamot na makakatulong sa iyong balat at pati na sa buong katawan.

 

 

Pagtapos ay aapuyan na ang kawa para uminit ang tubig sa loob nito. Depende na lang sa ‘yo kung gaano kainit ang kaya mong tiisin pero kadalasan ay medyo pinapalamig ito ng kaunti hanggang sa maging maligamgam. Para na rin maenjoy mo ng matagal ang pagbababad sa tubig habang ikaw ay nasa kawa.

 

 

Habang nasa kawa ka naman ay pwede ka mag-meditate kung gusto mo para mas gumaan ang pakiramdam mo at mabawasan ang mga stress mo sa katawan at pagiisip. Maganda ito para marelax ang iyong katawan at para na rin magkaroon ng magandang harmony ang iyong mind and body.

 

 

Kung magutom ka naman ay pwedeng magpaluto ng pagkain at kumain sa isang hapag kainan sa taas ng isang puno at pagmasdan ang ganda ng tanawin. Masasabi kong isang magandang stress reliever ang pagpunta dito dahil maeenjoy mo ang bawat sandali sa maayos, malinis at tahimik na lugar na malayo sa polusyon ng kapatagan.

 

 

Ito ang simpleng adventure namin sa Tibiao, Antique at marami pang pwedeng mapuntahan at gawin dito sa Antique. Kaya isama n’yo na ang Antique sa mga lugar na gusto n’yong puntahan pagdating ng araw.