No Facebook Challenge

Ikapitong araw na ngayon simula ng i-deactivate ko ang Facebook account ko. Sinubukan kong gawin ito para i-challenge ang sarili ko kung kailangan ko ba talaga ang Facebook sa pang-araw-araw kong pamumuhay.

Noon naman ay wala pa ang Facebook pero lumaki tayo at nagkaisip kahit wala ito. Sa ngayon, kahit saan ka magpunta ay may naka-open na Facebook account sa bawat taong nagba-browse na kani-kanilang mga celfone.

Masasabi natin na mahalaga talaga ang naging role ng Facebook simula ng lumabas ito noong 2003. Halos lahat ng tao ay tinangkilik ang apps na ito at sa ngayon nga ay karamihan ng tao sa buong mundo ay may Facebook account.

Maganda naman talaga ang Facebook dahil dito nakikita mo ng madalas ang mga friends mo at relatives mo kahit pa hindi talaga kayo nagkikita ng personal. Nalalaman mo din ang kaganapan sa buhay ng bawat kakilala mo at mga taong gumagamit ng apps na ito.

Halos naging parte na ito ng buhay natin sa araw-araw. Walang araw na lumipas na hindi natin nabubuksan ang ating mga Facebook account. Nagbibigay ito ng kasiyahan na makita ang maraming bagay sa paligid natin lalong-lalo na tungkol sa ating mga malalapit na kaibigan at pamilya.

No Facebook Challenge

Halos buong mundo ang gumagamit ng Facebook sa ngayon. Kahit ako ay matagal na rin akong gumagamit ng apps na ito. Katulad ng karamihan ay naging addict din ako sa paggamit nito at araw-araw nga ay nagbubukas ako ng account ko makita lang ang mga impormasyon at kaganapan sa buong mundo at sa aking paligid lalo na ang mga taong malalapit sa atin.

Last week nga ay sinubukan kong i-deactivate ang aking Facebook account para malaman kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ko. Sa ngayon ay meron pa naman akong Messenger para sa mga taong gustong mag-message sa akin, Instagram para naman sa mga gusto kong ipost sa social media at ang website ko para naman sa pagpost ng mga kaganapan sa araw-araw kong buhay.

Paano kaya kung dumating ang araw na wala na nito at bumalik tayo sa mga panahon noong wala pang Facebook? May mga naging advantage at disadvantage din kasi ang social media sa maraming tao. Kadalasan dahil dito ay nawawala na yung masasayang kwentuhan dahil puro sa Facebook ang usapan at pinaguusapan.

Sa ngayon ay hindi pa naman ako apektado ng kawalan sa paggamit ng Facebook account ko at sa tingin ko naman ay kaya naman na wala nito ngayon pero hindi ko lang alam pagdating ng panahon kaya sinubukang ko kung hanggang kailan ang itatagal ko na hindi gumagamit ng Facebook.

Ilan kaya ang mga tao sa buong mundo ang hindi gumagamit ng Facebook? Doon naman sa mga gumagamit na nito, kayanin kaya nila na hindi mag-Facebook sa buong isang araw?

Ikaw hanggang kailan ang kaya mo na hindi gumagamit ng Facebook? Kaya mo bang i-deactivate ang account mo at gawin ang No Facebook Challenge na ito?