Singapore Tour – Part 1: The Arrival

Isa ang Singapore sa pinuntahan ko kasama ni misis noong nagdaan bakasyon namin. Isa sa pinakamagandang lugar na malapit lang sa Pinas ang Singapore. Sakay ng Cebu Pacific Air ay almost 3 hours lang ang flight from Ninoy Aquino International Airport to Changi Airport ay mararating mo na ang Singapore.

Isa din ang Singapore sa pinakamalinis, pinakamaayos at pinakamagandang lugar sa Asia kaya maraming turista ang dito’y nagpupunta. Karamihan nga sa kanila ay dito na nanirahan dahil sa ganda at linis ng bansang ito. Ito rin ang mga dahilan kung bakit ang Singapore ngayon ay napakaunlad at nasa First World Coutries.

Sa Changi Airport pa lang nila ay magagandahan ka na dahil malinis, maganda ang design ng kabuuan ng kanilang airport, maayos ang lahat at dahil hindi na nga kailangan ng mga Pinoy ang visa pagpunta dito ay mabilis lang din ang proseso ng pagpasok.

Sa airport na kami nagpapalit ng pera from Philippine Peso to Singapore Dollar na ang palitan ng araw na iyon ay 1SGD=38.5PHP. Narito ang ilan sa mga denominations ng kanilang pera.

Sa airport na rin kami bumili ng kakailanganin naming card para sa pagsakay namin ng MRT/LRT o bus pati na ang sim card na gagamitin namin sa kabuuan ng stay namin sa Singapore. Ito ang card para sa MRT/LRT station at pwede rin gamitin kung sasakay ka ng bus. Kumbaga all in one na. Nagkakahalaga ito ng 7 SGD at pwede mong loadan sa mga machine sa kahit saang station ng MRT/LRT kung maubos na.

Ito naman ang sim card na nabili namin na nagkakahalaga ng 18 SGD. Mahalaga ito para sa tour namin dahil kailangan namin ng mobile internet sa aming paggala dito sa bansang Singapore. Ang kagandahan nito ay pwede mo s’yang gamitin sa maraming bansa dito sa Asia na naka-auto roaming, ise-set mo lang sa setting ng mobile at ok na.

Sa airport nila pwede mong makuha ng libre ang mga leaflets o booklets para sa visitor’s o tourist’s guide at map ng singapore para hindi ka maligaw kung sakaling magko-commute ka lang. Malaking tulong ito para sa mga bago pa lang nakapunta sa Singapore.

Paglabas mo ng Changi airport ay may mga libreng bus na papuntang MRT/LRT o kaya naman ay papunta sa kabilang terminal ng airport. Kaya hindi ka na mahihirapan kung saan ka man papunta pagtuntong mo ng Singapore.

Meron na rin kaming ready na train map dahil sa buong tour namin dito ay madalas na MRT/LRT ang sasakyan namin.

From Changi airport ay papunta kami ng Expo Station ng Downtown Line ng MRT/LRT at dun naman kami sasakay ng papuntang Jalan Besar kung nasaan ang hotel na tutuluyan namin. Sa pagdating mo sa station ay malinaw ang mga signs and directions na makikita mo kaya hindi ka maliligaw basta magbasa ka lang. Lahat naman ay in English words kaya hindi ka mahihirapan. Maganda at maayos ang transportation system nila dito sa Singapore at kahit saang lugar ka papunta ay siguradong merong MRT/LRT station na malapit.

Maayos at malinis ang mga MRT/LRT station nila dito sa Singapore at lahat ng tao ay sumusunod at may disiplina, mapa-turista man o lokal. Every 5 minutes din ay meron ng train na dumarating kaya hindi ka maghihintay ng matagal.

Sa loob naman ng train ay napakaluwag at napakalinis. Kumbaga hindi ka makikipagsiksikan at maaliwalas ang pakiramdam mo sa buong byahe mo. In short walang stress sa pagsakay mo sa kanilang MRT/LRT.

Malinaw din ang route directions ng bawat lugar kung saan hihinto ang train na nakailaw sa taas lamang ng train doors. Merong din mga monitors sa loob at voice over na magsasabi kung nasaang station ka na at kung ano ang susunod na train stop.

Mabilis at maaliwalas ang pagbyahe sa MRT/LRT nila kaya madali kang makakarating sa iyong pupuntahan. Sa Jalan Besar malapit ang nakuha naming hotel kaya dito ang final destination namin. Bago pa man kami pumunta dito ay inaral na namin ang lahat patungkol dito, kung saan kami sasakay, saan kami bababa at kung saan kami papunta.

Meron ding mga locality map sa bawat station na makakatulong sa ‘yo para madali mong makita ang eksaktong lugar na pupuntahan mo paglabas mo ng MRT/LRT station.

Sa Hotel 81 Dickson kami nagstay at maganda ang place na napili namin dahil ang hotel ay tapat lang ng istasyon ng MRT/LRT. Dahil dito ay magiging madali para sa amin ang pumunta sa iba’t ibang lugar na pwede naming puntahan.

Mababait din ang mga hotel staff, friendly at very accomodating. Nabasa naman namin ang mga reviews sa hotel na ito bago namin kinuha kaya alam namin na magiging okay ang lugar na ito para sa amin.

Sa baba naman ng hotel ay marami ng makakainan na iba’t ibang putahe. Karamihan ay mga Chinese, Singaporean at Indian food ang mapagpipilian. Mas pinili namin ang Chinese food dahil di naman talaga namin alam ang lasa kung magugustuhan ba o hindi kaya dun na kami sa sigurado.

Ang maganda pa sa hotel na napili namin ay meron ng 7-Eleven na malapit kaya hindi na problema ang mga pagkain, inumin at kung ano pang mga kakailangan mo.

Medyo may kamahalan nga lang ang mga bilihin dito sa Singapore kung iko-convert mo sa Philippine peso. Kaya kung pupunta ka dito ay huwag mo dapat isipin ang money convertion dahil talagang mahal ang mga bilihin dito.

Sundan n’yo lang ang iba pang mga susunod na post ko tungkol sa Singapore Tour naming mag-asawa at siguradong marami pa kayong dapat abangan sa kabuuan ng aming pagpasyal sa bansang Singapore.