5 Tips Para Hindi Ka Mawalan ng Pagasa sa Buhay

Nawawalan ka na ba ng pagasa sa buhay? Feeling mo ba ay wala ng kwenta ang buhay mo? Walang nangyayari at walang pag-angat o walang pagbabago. Pero bago ka mawalan ng pagasa tingnan mo muna baka meron ka lang dapat gawin o baguhin sa mga dati mong ginagawa. Narito ang limang tips na sa tingin ko ay makakatulong sa ‘yo para tuluyan mong makalimutan ang mawalan ng pagasa.

1. Don’t Expect Too Much On Everything

Una dapat wag kang mag-expect ng sobra-sobra sa maraming bagay. Isa kasi ito sa mga dahilan kung bakit tayo nawawalan ng pagasa. Kapag hindi kasi umaayon sa atin ang sitwasyon ay agad tayong nalulungkot at nawawalan ng gana. Subukan mong wag mag-expect ng masyado sa mga bagay na ginagawa mo, maging ito’y para sa sarili mo o sa ibang tao. Makikita mo na kapag yung expectation mo ay hindi nangyari, hindi magiging malaki ang epekto nito sa ‘yo.

2. Be Always Inspired and Make Yourself Busy

Kailangan gawin mong laging inspired ang sarili mo. Pero paano mo ito gagawin? Isa sa magandang paraan ay ang panonood ng mga nakaka-inspire na videos. Sa ngayon ay marami ng videos sa Youtube o Facebook na pwede mong panoorin para magbigay sa ‘yo ng inspiration. Malaki ang maitutulong nito para hindi mo maisip ang mawalan ng pagasa. Lalo kasi tayong ginagahan kapag nakakapanood tayo ng mga feel good videos lalo na kung nakaka-inspire ang napapanood natin. Gawin mo rin busy ang sarili mo sa mga kapaki-pakinabang na mga bagay at gawain. Pwede kang magbasa ng mga nakakaaliw na babasahin tulad ng books, magazines o komiks na paborito mo. O kaya gawin mo yung mga bagay na makapagpapasaya sa ‘yo. Sa ganitong paraan ay makikita mong unti-unting nababago mo ang sarili mula sa pagiging negative into positive one.

3. Always Remember Life Is A Constant Change

Lagi mong tandaan ang buhay ay palaging nagbabago. Kung nasa ibaba ka man ngayon baka bukas makalawa ay nasa itaas ka na. Hindi natin masasabi ang mangyayari sa hinaharap pero isa lang ang totoo, life is a constant change. Kaya hindi ka dapat mawalan ng pagasa. Maaaring ikaw ay dumaraan sa isang pagsubok ngayon pero pasasaan ba at malalampasan mo din yan. Wala namang pagsubok na ibinibigay sa atin na hindi natin kayang lampasan. Kumbaga ang mga pagsubok na ito ay dumaraan lang sa ating buhay hindi upang maging permanente kundi pansamantala lamang. Kaya lagi mong tandaan na ano man ang nangyayaring hindi maganda sa buhay mo ngayon, ito’y lilipas at lilipas din. Tanda mo ba kung ilang pagsubok na ang napagdaan mo noon? Ngayon ka pa ba susuko na alam mong nalampasan mo naman ang lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay mo? Masaya at masarap mabuhay kahit hindi ka mayaman o nakaaangat sa buhay. Hindi mo naman kailangan maging mayaman o magkaroon ng mamahaling bagay para maging masaya. Simpleng buhay lang ay ayos na. Walang masyadong problema at may maayos na kalusugan ang ilan sa mga dapat nating ipagpasalamat.

4. Voice It Out and Tell A Friend/Family/Relatives

Kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, bakit hindi mo subukang mag-open up sa isang kaibigan, sa iyong pamilya o kamag-anak. Baka magiba ang ihip ng hangin kapag may nahingahan ka ng mga bagay na gusto mong ilabas. Kung wala man isa sa mga ito ang gustong makinig sa ‘yo eh nandyan naman si Lord na hinihintay ka lang na tumawag sa Kanya. Ako kung minsan, nagpupunta ako sa simbahan na ako lang magisa. Doon nagdarasal ako at sinasabi ko Kanya ang lahat ng mga gusto kong sabihin tungkol sa buhay ko. Subukan mo ito minsan at tingnan mo paglabas mo magiging ok ka na. Alam mo yung feeling na nawala yung bigat na dinadala mo. Ganun ang mararamdaman mo kapag nakausap mo si Lord. Then at an instant may mangyayaring hindi mo inaasahan. Naranasan mo ba ang ganun?

5. Keep The Faith Alive and Trust in the Lord

Isa sa pinakamabisang paraan para hindi tayo mawalan ng pagasa sa buhay ay ang magtiwala sa Diyos. Subukan mong buhayin ang paniniwala mo sa Kanya kung sakali man na ikaw ay naliligaw ng landas. Pwede kang magsimba kada lingo o anumang araw na pwede ka o umattend ng mga religious missions o kaya naman mga religious works para lalo pang mapagtibay ang paniniwala mo sa Poong Maykapal. Baka ito ang isa sa kailangan mong pagtuunan ng pansin para magkaroon ng kaliwanagan ang iyong pagiisip sa mga bagay na gumugulo sa ‘yo sa ngayon. Napaka-powerful ng mga salita ng Diyos at maaring ito ang makapagpabago sa iyo para hindi ka mawalan ng pagasa. Sumangguni ka lang at magtiwala ka lang sa Kanya sa lahat ng bagay at makikita mo ang magiging resulta nito sa iyong buong pagkatao.

Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pagasa dahil maraming bagay pa ang pwede nating gawin. Napakasarap ang mabuhay. Kailangan lang lagi tayong maging positive sa buhay. Kung sa tingin mo nagiisa ka lang at walang karamay, nandyan ang iyong mga kaibigan at pamilya para damayan ka. Lagi mong tandaan, hindi ka nagiisa. Narito kaming lahat para sa ‘yo lalo na si Lord. God bless and always remember, “There is always a reason for living because life is beautiful”.

Singapore Tour – Part 7: Downtown Singapore

Ang Singapore ang isa sa may pinakamaunlad na business sector sa buong Asya. Isa ang Downtown Singapore na lugar ang magpapatunay dito kung gaano ang naging pagunlad at progreso ng Singapore. Pagbaba mo ng Telok Ayer MRT/LRT train station ay malapit na at pwede na lang lakarin mula dito ang lugar ng Downtown Singapore.

Halos walang masyadong tao ngayon sa kalsada ng magpunta kami sa lugar na ito dahil yun ay araw ng linggo. Mukhang tulog at nagpapahinga pa sa kani-kanilang mga tahanan ang bawat isa.

Sa likod ko makikita ang mga nagtataasang mga buildings na magsasabi kung gaano kaprogresibo ang Singapore sa panahon ngayon.

Kahit saan ka tumingin paitaas ay talaga namang kay gandang pagmasdan ang bawat istraktura ng mga gusali na nagtatayugan sa lugar na ito.

Sa tayog ng bawat building ay aakalain mong ikaw ay parang nasa New York City ng Amerika dahil sunud-sunod ang mga matataas ng gusali sa buong paligid ng Downtown Singapore.

Kay sarap pagmasdan ang kapaligiran sa Downtown Singapore dahil malinis ito at parang wala pa akong nakita ni isang kalat man lang sa paligid ng lugar na ito. Ang mga tao din ay disiplinado at talagang sumusunod sa mga batas trapiko.

Isa sa mga landmark na hindi mo dapat palampasin na mapuntahan sa Downtown Singapore ay ang Lau Pa Sat. Una itong itinayo noon pang 1824 na dati ay isa lamang fish market sa waterfront. Nilipat ito at itinayong muli noong taong 1894 dito nga sa lugar kung saan s’ya ngayon makikita. Ito ang isa sa mga pinakalumang Victorian design structure sa South East Asia. Isa ito sa mga pinakasikat na Hawkers, yun ang tawag nila dito sa mga malalaking food courts.

Dito sa Lau Pa Sat ay medyo mura ang pagkain kumpara sa mga restaurant at ibang kainan sa Singapore. Maraming uri ng pagkain ang makikita mo dito dahil sa dami ng mga stalls na nagsama-sama dito. Merong Chinese, Malay, Indian, Western food at marami pang iba na talaga namang matatakam ka at malilito sa pagpili.

Tulad na lang nitong napili naming pagkain na talaga namang napakasarap at ang lasa ay the best talaga na para ka ding kumain sa isang mamahaling restaurant pero sa murang halaga. Sa itsura pa lang at presentation ng pagkain ay talagang panalo na. Marami pang iba’t-ibang pagkain ang pwede mong pagpilian dito na naaayon sa iyong panlasa.

Sa labas ng Lau Pa Sat ay kita mo na kung gaano talaga ito kalaki kaya naman ito ay dinarayo at kadalasang pinupuntahan ng mga turista dito sa Singapore dahil mura na ang pagkain ay masarap pa.

Ito ang ika-pitong parte ng aming paglilibot dito sa bansang Singapore at talaga naman hahanga ka sa linis at kaayusan ng lugar na ito. Isa ang lugar na Downtown Singapore na dapat mong puntahan kapag ikaw ay namamasyal dito sa bansang ito. Hanggang sa susunod na post ko at sana’y makasubaybay kayo sa marami pang lugar na aming napuntahan dito sa Singapore.