Singapore Tour – Part 7: Downtown Singapore

Ang Singapore ang isa sa may pinakamaunlad na business sector sa buong Asya. Isa ang Downtown Singapore na lugar ang magpapatunay dito kung gaano ang naging pagunlad at progreso ng Singapore. Pagbaba mo ng Telok Ayer MRT/LRT train station ay malapit na at pwede na lang lakarin mula dito ang lugar ng Downtown Singapore.

Halos walang masyadong tao ngayon sa kalsada ng magpunta kami sa lugar na ito dahil yun ay araw ng linggo. Mukhang tulog at nagpapahinga pa sa kani-kanilang mga tahanan ang bawat isa.

Sa likod ko makikita ang mga nagtataasang mga buildings na magsasabi kung gaano kaprogresibo ang Singapore sa panahon ngayon.

Kahit saan ka tumingin paitaas ay talaga namang kay gandang pagmasdan ang bawat istraktura ng mga gusali na nagtatayugan sa lugar na ito.

Sa tayog ng bawat building ay aakalain mong ikaw ay parang nasa New York City ng Amerika dahil sunud-sunod ang mga matataas ng gusali sa buong paligid ng Downtown Singapore.

Kay sarap pagmasdan ang kapaligiran sa Downtown Singapore dahil malinis ito at parang wala pa akong nakita ni isang kalat man lang sa paligid ng lugar na ito. Ang mga tao din ay disiplinado at talagang sumusunod sa mga batas trapiko.

Isa sa mga landmark na hindi mo dapat palampasin na mapuntahan sa Downtown Singapore ay ang Lau Pa Sat. Una itong itinayo noon pang 1824 na dati ay isa lamang fish market sa waterfront. Nilipat ito at itinayong muli noong taong 1894 dito nga sa lugar kung saan s’ya ngayon makikita. Ito ang isa sa mga pinakalumang Victorian design structure sa South East Asia. Isa ito sa mga pinakasikat na Hawkers, yun ang tawag nila dito sa mga malalaking food courts.

Dito sa Lau Pa Sat ay medyo mura ang pagkain kumpara sa mga restaurant at ibang kainan sa Singapore. Maraming uri ng pagkain ang makikita mo dito dahil sa dami ng mga stalls na nagsama-sama dito. Merong Chinese, Malay, Indian, Western food at marami pang iba na talaga namang matatakam ka at malilito sa pagpili.

Tulad na lang nitong napili naming pagkain na talaga namang napakasarap at ang lasa ay the best talaga na para ka ding kumain sa isang mamahaling restaurant pero sa murang halaga. Sa itsura pa lang at presentation ng pagkain ay talagang panalo na. Marami pang iba’t-ibang pagkain ang pwede mong pagpilian dito na naaayon sa iyong panlasa.

Sa labas ng Lau Pa Sat ay kita mo na kung gaano talaga ito kalaki kaya naman ito ay dinarayo at kadalasang pinupuntahan ng mga turista dito sa Singapore dahil mura na ang pagkain ay masarap pa.

Ito ang ika-pitong parte ng aming paglilibot dito sa bansang Singapore at talaga naman hahanga ka sa linis at kaayusan ng lugar na ito. Isa ang lugar na Downtown Singapore na dapat mong puntahan kapag ikaw ay namamasyal dito sa bansang ito. Hanggang sa susunod na post ko at sana’y makasubaybay kayo sa marami pang lugar na aming napuntahan dito sa Singapore.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.