Philippine Stock Market Price as of November 29, 2019

Ayala Land Condominiums & Premier Properties

Ayala Land condo o property ba ang hanap mo? Bukod sa SMDC ay meron din tayo n’yan. Mapa-lupa man yan, bahay o condo laging meron ang mga Ayala.

For those who would like to own an Ayala Land condo unit or property, here is the video for the list of all the Ayala Land condominiums and premier properties with their locations. Just send us a message for inquiries if you are interested.

Singapore Tour – Part 14: Bugis Street

Ang Bugis Street na siguro ang isang lugar sa Singapore na hindi mawawala sa listahan ng mga turistang pumupunta sa bansang ito. Kaya naman isinama namin ito sa mga lugar na dapat naming makita at mapuntahan sa aming paglilibot dito sa Singapore.

Ito ang lugar na kadalasang puntahan ng mga turistang gustong mamili ng samu’t saring mga souvenir item o mga pampasalubong pagbalik sa kani-kanilang mga bansa. Isa itong malaking retail commercial complex na matatagpuan sa pagitan ng mga shopping complex at malls malapit sa Bugis Junction.

Sari-saring paninda ang dito’y makikita kaya naman maraming turista ang laging dumaraan dito, isa o dalawang araw bago ang pagalis nila sa bansang ito dahil na rin sa dami ng mabibili dito sa murang halaga lamang.

Marami kang mapagpipiliang produkto dito gaya na lang sa mga souvenir T-shirt store na ito na aming nabilhan na talaga namang magaganda pati na mga designs at hindi pahuhuli din ang quality.

Iba’t ibang design at style ang pwede mong pagpilian dito at karamihan sa kanila ay mura na at ang iba pa nga ay naka-sale pa. Dito sa tindahan na ito kami nakabili ng mga T-shirt na pampasalubong namin at pati na ang para sa amin.

Sa dami ng mga pagpipilian ay ikaw na lang ang magsasawang tumingin dahil hindi mo naman mabibili lahat sa dami n’ya. Kaya naman kay gandang magpakuha ng picture sa stall na ito dahil na rin dami ng iba’t ibang klase o design ng mga paninda n’yang T-shirt.

Pati nga mga Puti ay makakasabay mo na rin sa pamimili dito dahil alam din nila na mura dito at marami kang mabibiling iba’t ibang klaseng items sa lawak ng lugar na ito.

Merong sapatos, tsinelas, T-shirt, relos, chocolates at iba pa na makikita sa mga tindahan sa loob ng Bugis Street at halos marami kang makakasabay na iba’t ibang lahi na dito ay namimili din.

Kaya nga bawat tindahan ay mapapahinto ka talaga para tumingin at mamili dahil halos lahat ay magaganda basta marunong ka lang pumili at maghanap. Hindi mo na kailangan tumawad dahil nga sa baba ng presyo. Kaya nga siguro puntahan ito at bilihan ito ng mga turista bago sila magsi-uwi sa kani-kanilang mga bansa.

Kung mapagod ka naman at mauhaw sa paglilibot at pamimili dito sa Bugis Street ay meron isang tindahan dito sa bandang gitna na ang tinda ay puro lang inumin. Iba’t ibang juice ng iba’t ibang prutas ang dito ay pwede mong tikman.

Matutuwa ka dahil halos lahat na ata ng klase ng prutas eh meron silang juice nito. Kaya naman marami ang bumibili sa kanila pati na mga Westerners na turista.  Masarap naman kasi at pwede ka ring mamili kung anong prutas ang gusto mo at meron din silang mga combinations ng mga prutas kung gugustuhin mo.

Ito ang napili naming juice combination na binili, ang carrot-orange at pineapple-peach juice. Masarap ang mga juice nila at mura pa. Nagkakahalaga lang ito ng 1 Singapore Dollar ang bawat isa.

Kapag nagutom ka naman ay merong Bugis Food Street silang tinatawag na makikita sa aming likuran sa picture na ito at malapit lang sa juice stand. Sa malayo pa lang ay maaamoy mo na ang iba’t ibang luto ng pagkain sa street na ito.

Samu’t saring pagkain naman ang makikita sa kahabaan ng street na ito na iba’t ibang lutong nagmula pa sa mga bansang China, Malaysia, Indonesia, at marami pang ibang putahe na talaga namang katakamtakam sa iyong panlasa.

Bawat kainan ay may kanya-kanyang specialty ng kanilang mga lutong putahe kaya naman kahit sa tingin pa lang ay talagang matatakam ka na sa sarap ng mga nakikita mo sa picture pa lang ng pagkain.

Wala ka ng hahanapin pa dahil nandito na lahat ng masasarap na pagkain na pwede mong tikman. Mura din ang pagkain dito kumpara sa ibang lugar na masarap pa at dahil nga sa dami ng pagpipilian ay wala kang itulak kabigin sa mga putaheng ito.

Sa tindahan namang ito ay nakapaskil na halos lahat ng mga masasarap na pagkain na pwede mong orderin sa kanila kaya naman hindi ka na mahihirapan pang pumili dahil nasa harapan mo na ang mga best dishes nila.

Sa servings pa lang ng order namin ay talagang maglalaway ka na dahil kumpletos rekados na ang isang bowl pa lang ng menu nila. Combination ng meat at vegetables ang napili namin kaya siguradong yari na naman ang buto-buto.

Simple pero sobrang sarap ng mga pagkain nila dito samahan mo pa ng malasang fruit juices on the side kaya naman kahit pagod ka sa kakalibot sa buong commercial complex na ito ay talagang mawawala ang lahat ng pagod mo pagtapos mong matikman ang mga luto nila.

Sa paglabas mo naman ng Bugis Street ay makikita mo ang Trishaw Uncle. Isa ito sa pinakamatandang transportation service gamit ang makalumang style ng tricycle na kung saan pwede kang ilibot sa malalapit na lugar tulad ng Kampong Glam, Little India o Chinatown.

Ito na ang ika-14 na yugto ng aming paglilibot dito sa bansang Singapore. Sana’y abangan ninyo ang pinakahuling parte na ng aming Singapore Tour dahil iyon sa tingin ko ang pinakamagandang lugar sa lahat na aming napuntahan dito sa bansang ito.

Isa rin ang Bugis Street sa mga hindi mo dapat palampasin na mapuntahan kapag ikaw ay nandito sa Singapore lalo na kung ikaw ay malapit ng umuwi dahil marami kang mabibiling gamit o magagandang bagay dito lalo na mga pampasalubong sa iyong pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Hanggang sa susunod na post ko at sana abangan ninyo ang pinakahuling part ng aming tour dito sa Singapore.

Stock Market – Part 12: The Candlestick

Ano nga ba ang “Candlestick”? Ano ang kahalagahan nito sa ating pagiinvest sa stock market? Bakit natin ito kailangan malaman? Isa sa mga pinaka-importante at pinakagamit na gamit sa mundo ng stock market ang candlestick. Isa itong type ng price chart kung saan ipinapakita ang high, low, open at closing price ng isang security sa isang specific na period.

Ito ang bumubuo sa isang candlestick chart na nagpapakita ng galaw ng mga presyo ng isang stock. Magandang malaman natin ang mga basic na dapat nating malaman para hindi tayo mahirapan pagdating na sa technical at analytical aspect ng pagiinvest sa stock market. Ito rin kasi ang ginagamit para sa techinical analysis ng mga currency o equity price pattern tulad ng stocks. Kadalasan ang isang candlestick ay nangangahulugan ng presyo ng isang stock sa buong isang araw.

Ayon sa history, ipinalalagay na ang Candlestick Chart ay orihinal na na-develop ni Munehisa Homma na isang Japanese rice trader noong pang 18th century. Ipinakilala naman ito ni Steve Nison sa Western world sa kanyang librong Japanese Candlestick Charting Techniques. Simula noon at magpahanggang ngayon ay ito na ang ginagamit para sa stock analysis sa buong mundo gayun din dito sa Pinas.

Narito ang sample ng Candlestick para alam mo kung sakaling gagamit ka ng chart sa stock market.

Open = ito yung price ng stock sa pagbubukas ng market (opening price)
Close = ito yung price ng stock sa pagsasara ng market (closing price)
Low = ito naman yung pinakamababang price na naabot ng stock simula sa pagbubukas hanggang sa pagsasara ng market (lowest price)
High = ito naman yung pinakamataas na price na naabot ng stock simula sa pagbubukas hanggang sa pagsasara ng market (highest price)

Narito naman ang type o klase ng candlestick na makikita mo sa mga chart sa stock market.

Sa traditional na candlestick chart noon, karaniwang ginagamit ang black and white color pero sa ngayon nga mostly red and green colors na ang makikita mo sa mga stock market charts. Ang color kasi nito ang nagsasabi ng paggalaw ng presyo ng isang stock.

Kapag ang price ng stock sa pagsasara ng market ay mas mataas kesa sa price ng pagbubukas nito, ang kulay ng candlestick na makikita mo sa chart ay kulay white o green. Ito ang bullish candlestick na tinatawag na makikita sa picture sa itaas. Ibig sabihin, pataas ang presyo ng stock na ito.

Kapag ang price naman ng stock sa pagsasara ng market ay mas mababa kesa sa price ng pagbubukas nito, ang kulay ng candlestick na makikita mo sa chart ay kulay black o red. Ito ang bearish candlestick na tinatawag na makikita sa picture sa itaas. Ibig sabihin, pababa ang presyo ng stock na ito.

Mahalagang malaman ito dahil dito nagsisimula ang lahat ng patungo sa mas advance na technical analysis na ginagawa ng mga nagiinvest sa stock market. Bago ka magtungo sa mas advance na technical analysis dapat alam mo muna ang mga basics para mas lalo mong maintindihan ang ginagawa ng iba sa pag-analyze ng mga charts.

Sana makatulong ito at magbigay idea sa inyo para lalo n’yo pang pagaralan at matutunan ang pagiinvest sa stock market. Sini-share ko lang kung ano ang mga natutunan ko at mga experience sa pagiinvest sa stock market para maging guide sa iba. Maganda ito para kung meron mang hindi n’yo pa alam sa sinasabi ko ay magkakaroon kayo ng idea na makakatulong sa inyo sa hinaharap.

Singapore Tour – Part 13: Bugis Junction

Isa pa ang Bugis Junction sa magandang puntahan habang ikaw ay nasa Singapore. Isa itong shopping mall na developed ng Parco Holdings na matatagpuan sa Victoria Street, Middle Road at North Bridge Road sa Bugis na Downtown Core ng Singapore.

Narito sa loob nito ang ilan sa mga sikat na kainan at shopping store tulad na lang nitong nasa likod namin na “Awesome Coffee” shop na nagse-serve ng isang Latte made using Ghirardelli White Chocolate.

Ito namang kainan na ito ay talaga namang mapanghalina sa kanyang pangalang “Let’s Eat!” Talaga namang mapapakain ka dahil pagkakita mo pa lang sa pangalan n’ya ay para kang hinihila na sa kanya kumain.

Narito rin ang sikat na bilihan ng iba’t ibang klase ng bread ang “Bread Talk“. Isang Singaporean Multinational Food na founded as a bakery brand noong pang taong 2000. Mayroon itong total na 900 stores sa iba’t ibang bansa tulad ng PRC, Malaysia, Hong Kong and Thailand at isa sa pinakakilalang franchised bakery outlets across Asia and the Middle East.

Narito din ang “Paris Baguette“, na isa ring bakery chain na nagmula naman sa bansang South Korea at pagmamayari ng SPC Group. Ang franchise na ito ang South Korea’s leading bakery franchise dahil na rin sa mahigit kumulang na 3,316 retail stores.

Meron din ditong restaurant ng sikat na American franchise na “Subway“. Isa ito sa fastest growing franchises sa buong mundo at alam n’yo bang meron na itong 41,512 locations sa mahigit 100 na mga bansa.

Ito namang “Kotsujiru Nabe Osaka Ohsho” ay isang Japanese restaurant na mayroong kabuuan na 300 outlets sa Japan, Hong Kong, Thailand, Korea at ngayon nga ay dito sa Singapore.

Kahit saan ka pumunta ay iba’t ibang pagkain ang makikita mo sa loob ng mall na ito na talaga namang nakakatakam sa itsura pa lang. Makikita din ang presyo ng bawat meal sa picture na ito na medyo may kamahalan pero sulit naman dahil sa sarap ng lasa nito.

Ang iba naman ay may mga nakapaskil pang “Best Seller” menu para pangakit sa mga dumaraan kaya hindi mo mapipigilan na huminto at tingnan ang specialty nilang ito na ang itsura ay katakamtakam.

Pero sa lahat ng yan ay wala na yatang tatalo sa pinakamatandang Singaporean chain outlet na “Ya Kun Kaya Toast“. Founded noong pang taong 1944 ni Loi Ah Koon, 75 years in business and counting na ang resto na ito. Meron na itong over 50 outlets in total sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Indonesia, Japan, Myanmar, South Korea, Taiwan, Philippines, United Arab Emirates at dito nga sa Singapore.

Magtataka ka dahil sa umaga pa lang ay mahaba na ang pila dito dahil sa dami ng tumatangkilik. Isa ito sa di mo dapat palampasin na masubukang tikman dito sa Singapore. Kilalang kilala ito dahil sa lasa at linamnam ng pagkaing ito. Soft-boiled eggs at toasted buttered bread with matching delicious coffee ang isang set ng Kaya Toast. First time kong kumain nito at para sa akin ay panalong panalo ang lasa ng Kaya Toast na ito kaya naman pala pinagkakaguluhan.

Sa shopping mall area naman ay naroon ang mga maliit na stalls sa gitna para sa ilang mga souvenir items na nakakaaliw tingnan dahil sa disenyo ng kanilang mga carts o stalls.

Meron ding stall sa gitna ang sikat na Ferrari brand kaya naman nung makita ko ay pwesto na agad para sa isang instagramable picture kahit hindi naman ako bibili.

Ito naman ang “Tuk Tuk Cha” na isang cafe which specializes sa mga Thai beverages at desserts. Sa katabi lang nito ang sikat ding Nando’s na madalas naming kainan nung kami ay nasa Qatar pa. Kumain na kasi kami kaya hindi na namin nagawang kumain pa ulit dito.

Ito naman ang way papuntang Bugis Street at sa labas nito ay naroon pa ang maraming mga outlet na pwede mong pasyalan.

Sa labas ay marami pang ibang outlet na pwede mong makita tulad na lang nitong “BHG” na isang sikat na department store dito sa Singapore. Sa ganda ng istraktura sa paligid ay aakalain mong ikaw ay nasa isang European country.

Meron ding mga street direction na nakatayo sa labas para sa iba pang lugar o kalye na gusto mong puntahan o kung saan ka man patungo tulad ng MRT station.

Sa labas din ay kay gandang pagmasdan ang mga naglalakihang gusali at mall pati na ang malaking pangalan ng Bugis Junction sa itaas.

Sa di kalayuan ay makikita ang office tower at Intercontinental Hotel na nasa paligid lang ng Bugis Junction. Kaya naman isa ang lugar na ito na kasama sa pinapasyalan ng tao kapag sila ay nagbabakasyon sa bansang Singapore.

Nasa labas din ng Bugis Junction at harap lang ng Bugis Plus mall ang malaking Bugis+ signage na ito na magandang background para sa isang memorable na litrato.

Ito ang ika-13 na yugto ng aming paglalakbay dito sa bansang Singapore. Meron pang mga ibang lugar ang makikita n’yo sa mga susunod na post na talaga namang dapat abangan. Kaya sana ay subaybayan n’yo pa ang mga darating na post ko dito sa aking blog patungkol sa aming tour dito sa bansang Singapore.

Hunter X Hunter – Episode 3: Rivals for Survival

Overview

Dito naman sa Episode 3 na may pinamagatang “Rivals for Survival” ay makakarating na sina Gon, Kurapika at Leorio sa Zaban City, ang lugar ng Hunter Exam sa tulong na rin ng kanilang navigator.

Sa unang pagsalta nila sa lugar kung saan gaganapin ang unang bahagi ng hunter exam ay makakasalamuha nila si Tomba, ang taong 35 beses ng sumubok sa hunter exam at ang tagatumba ng mga baguhan.

Dito rin sa episode na ito ipapakita na ang ilan pa sa mga main characters ng Hunter X Hunter tulad ni Hisoka, ang madyikerong payaso at si Killua Zoldyck, ang batang assassin na magiging bestfriend ni Gon. Nandito rin ang kapatid ni Killua na si Illumi pero hindi mo malalaman na s’ya pala si Illumi kung hindi mo pa natatapos mapanood ang kabuaan ng anime na ito.

Video: CTTO

Episode 3 Quote:

“Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo, yun ang gawain ng mga tunay na Hunter.” – Kurapika

Lessons Learned

Dito naman sa sinabi ni Kurapika, maaari nating ihalintulad ang ating sarili bilang isang Hunter. Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo ang isa sa mga kaakibat ng pagiging tao. Kung gusto natin ng mapayapang mundo ay kailangan nating ipairal ang kaayusan gayundin ang pagkakaisa at pagkakaunawaan.

Sa kalikasan naman ay dapat nating panatilihing malinis at kung maari ay walang polusyon sa ating kapaligiran. Tayo ang namumuhay sa mundong ito kaya sa atin din nakaatang ang responsibilidad upang mapanatili natin ang ating malinis ang ating kalikasan at ang kapayapaan sa mundo.

Hunter X Hunter – Episode 2: Pagsubok ng mga Pagsubok

Overview

Dito sa Episode 2 na may pamagat na Pagsubok ng mga Pagsubok ay susubukin sina Gon, Kurapika at Leorio ng isang matandang Examiner para makatuloy sa daan patungo sa puno sa taas ng bundok na sinabi ng Kapitan na dun sila dapat magtungo. 

Si Matthew na isa ring examinee na kanina pa bumubuntot sa kanilang tatlo ang nagpaunang sumagot sa tanong at nasagot naman n’ya ang tanong kaya s’ya ay nakadaan. Pero lingid sa kaalaman ni Matthew ang daan pala na pinuntahan n’ya ay hindi ang tamang daan patungo sa lugar na dapat puntahan ng mga Hunter Examinee. Dito nasubok ang kakayahan nilang tatlo sa pagdedesisyon sa mga sitwasyon na pwede nilang kaharapin sa hinaharap.

Video: CTTO

Episode 2 Quote:

“Yun mismo ang tunay na saysay ng pagsubok na ito. Ang ihanda kayo sa mga alanganing sitwasyon na maaari n’yong harapin sa mga panahon na nakasalalay ang lahat sa magiging pasya ninyo, tama man o mali at iba-iba man ang daan na piliin n’yong tahakin.” – Matandang Examiner

Lessons Learned

Sa sinabi namang ito ng matandang examiner nung mga oras na kailangan magdesisyon nina Gon, Lerio at Kurapika upang masagot ang isang tanong ay talaga namang mapapaisip ka. Totoong ang mga pagsubok ay dumarating sa buhay natin upang ihanda tayo sa mga sitwasyon na kailangan nating magdesisyon at ihanda tayo sa hinaharap saan mang daan ang piliin nating tumungo.

Pero kung natapos mong panoorin ang episode na ito ay magtatanong ka din kung sino nga ba talaga ang dapat mong piliin o sagipin sa dalawa?