Singapore Tour – Part 9: Sentosa Merlion Park

Sa Sentosa Merlion Park makikita ang pinakamalaki at pinakamataas na Merlion statue sa buong Singapore. Dinisenyo ng Australian sculptor na si James Martin at itinayo noong taong 1995. Ang Merlion ang official mascot at simbolo ng Singapore bilang isang bansa.

Ang pangalang Merlion ay combination ng salitang “Mer” na ang ibig sabihin ay “Sea” kung saan nirerepresenta nito ang origin ng bansang Singapore bilang isang fishing village noong unang panahon. Habang ang “Lion” head ay nagrerepresenta sa bansang Singapore bilang isang “Lion City”.

Magandang magpakuha ng picture sa baba nito dahil kitang kita mo ang laki at taas nito na parang katulad ng mga dinosaurs doon sa Jurassic Park, Universal Studios.

Sa malahiganteng taas nito na 37 meters ay talaga namang manliliit ka na parang langgam na lang kapag nagpakuha ka ng litrato sa baba mismo nito. Halos nga hindi na ko makita sa picture na ito dahil sa taas n’ya.

Kahit pa nasa malayo ka na ay malaki pa rin tingnan ang statue ng Merlion sa background picture kong ito kahit pa sobrang layo na nitong lugar na aking kinatatayuan mula sa kanya.

Meron ding magarang fountain na pwede mong pagpahingahan habang ikaw ay naglilibot dito sa Sentosa Merlion Park at sa likod naman ang magandang glass structure.

Kung magutom ka naman ay merong mga coffee shop na pwede mong kainan habang namamasyal ka sa lugar na ito. Kasabay na nito ang pagbili ng mga souvenir items sa shop na ito.

Meron ding KFC food chain sa tabi na madalas na kainan ng maraming turista o mga namamasyal dito dahil sa pagiging sikat nito. Medyo may kamahalan lang ang presyo ng mga meals nila na kitang-kita naman ang presyo sa picture na ito.

May mga monorail train ka din na pwedeng sakyan kung pupunta ka dito sa Sentosa. Ito ay ang Sentosa Express na nagkokonekta sa Harbour Front at Sentosa Island. Walang bayad ang pagsakay sa mga train na ito kung within Sentosa lang naman o papuntang Mainland pero kung manggagaling ka ng  Mainland papuntang Sentosa ay meron na itong bayad.

Katulad sa Universal Studios, isa din ang Merlion park na dinarayo ng mga turista pati na ng mga lokal dahil na rin sa ganda ng lugar at para na rin makita ang pinakamalaking Merlion statue sa buong Singapore. Sa picture na ito ay talaga namang hindi magkamayaw ang mga tao kung saan kukuha ng litrato o kani-kanilang mga selfie pictures.

Ito ang ikasiyam na parte ng aming paglalakbay dito sa bansang Singapore. Hinati-hati ko ang lahat ng mga napuntahan namin para na rin magbigay gabay sa mga gustong pumasyal sa bansang ito at makita kung anu-anong mga lugar ang magandang puntahan pati na ang mga dapat gawin. Abangan n’yo pa ang mga susunod kong post dahil meron pang mga ilang lugar na dapat n’yong mapuntahan kung kayo ay magtu-tour sa bansang Singapore.