Singapore Tour – Part 11: Marina Bay Sands

Isa pa sa mga lugar na dapat mong mapuntahan habang ikaw ay nasa Singapore ay ang paligid ng Marina Bay Sands. Sa paikot ng lugar na ito ng Marina Bay ay maraming magagandang lugar at tanawin na pwede mong sadyain lang sa iyong paglalakad. Sunud-sunod lang ang mga magagandang lugar na ito habang ikaw ay naglalakad sa kahabaan ng Marina Bay.

1. The Shoppes at Marina Bay Sands

Isa na nga sa mga magagandang lugar na ito ay ang The Shoppes. Isa itong mall sa Singapore na mayroong mahigit 100 shops sa loob at world-class restaurants at sophisticated cafes and bars.

Sa spectacular architectural pa lang nito mula sa labas ay talagang maaaliw ka na lalo na kapag pumasok ka pa sa loob. Sa taas naman nito ang casino at ang sikat na SkyBar observation deck.

2. Bay Front

Sa tapat naman nito ang malawak na Bay Front at kilalang tambayan ng maraming tao dahil na rin sa ganda ng tanawin sa paligid. Lalo na sa gabi dahil meron sila ditong tinatawag na Spectra – A Light and Water Show kung saan mamamalas mo ang napakagandang symphony of dancing fountain jets, colourful visual projections, advanced lasers, lava and mist effects na sinasabayan ng isang orchestral soundtrack.

Sa Bay Front mo rin makikita ang nagtataasang mga gusali ng mga business establishments dito sa Singapore. Ito ang nagsisilbing sentro ng kalakalan sa buong Singapore na kung saan nagoopisina ang ilan sa mga malalaking kumpanya na nagnenegosyo sa bansang ito.

3. Louis Vuitton

Una sa mga makikita mo habang ikaw ay naglalakad o namamasyal dito sa Marina Bay ay ang malaking gusali ng isa sa mga pinakasikat at pinakamahal na signature brand ng bag sa buong mundo at ito ay ang Louis Vuitton.

Sa pagkakagawa pa lang ng building na ito ay talaga namang dala-dala n’ya ang pagiging elegante at signature brand sa architectural design ng building na ito. Kaya naman takaw pansin talaga at hindi mo pwedeng palampasin na magpakuha ng picture na ito ang iyong background.

4. Artscience Museum

Sunod naman ang isa pang magandang architecural design ng building na Artscience Museum. Sa hugis nitong mukhang Lotus flower ay mamamangha kang talaga sa pagkakagawa nito na dinisenyo ni Architect Moshe Safdie.

Binuksan ito sa publiko noong February 17, 2011 ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong para maging isang permanent exhibition center at alam n’yo ba na ito ang world’s first Artscience Museum.

5. The Helix Bridge

Hindi rin pahuhuli ang sumunod na walkway spot pagdating sa mga architecural o structural design nito, ang Helix Bridge.Sa malayo pa lang ay talaga namang makatawag pansin ang disenyo ng bridge na ito at madalas na pag-jogging-an ng mga tao dito sa Singapore.

Ang spiral bridge na ito ay disenyo at gawa ng Australian architects na Cox Architecture, Arup engineers at ilang Singapore base architects. Maganda ang bridge na ito lalo na sa gabi dahil sa mga nakakabit na mga ilaw sa palibot ng canopies nito na nagsisilbi ding shades sa mga pedestrians.

Sa hangganan naman ng Helix Bridge ay mayroong elavated flatform na pwede kang magpa-picture kung saan ang magiging background mo ay ang Marina Bay Hotel, Helix Bridge at pati na ang Artscience Museum. Kaya naman makikita sa picture na ito na talagang ang dami kang makakasabay na dito ay napapakuha din ng litrato.

6. The Float & Bay Grandstand

Sa patuloy mong palalakad ay madadaanan mo naman ang Bay Grandstand at sa harap naman nito ang The Float. Ito yung world’s largest floating stage sa water reservoir ng Marina Bay. Medyo ginagawa s’ya para sa F1 race nung time na nagpunta kami kaya hindi na kami nakapasok sa loob.

7. Esplanade Bridge

Sa dami ng pwede mapuntahan sa paglalakad mo lang dito sa palibot ng Marina Bay ay inabot na kami ng gabi para marating ang isa pa sa magandang spot dito, ito ay ang Explanade Bridge. Makikita mo dito ang magandang scenic view ng lugar kung saan kami nagumpisa ng paglalakad. Lalo pa itong pinagaganda sa gabi ng mga makukulay na ilaw na matatanaw sa aking likuran lalo na ang view ng Marina Bay Hotel at Artscience Museum na kahit sa malayo ay kay gandang pagmasdan.

8. Merlion Park

Ito naman ang pinaka-main event ng pagpapasyal dito sa Marina Bay dahil nandito sa bandang dulo ang Merlion park kung saan nakatayo ang isang Merlion statue. Ito talaga ang pinakapinupuntahan ng mga tao dito lalo na sa gabi dahil sa ganda ng view.

9. The Fullerton

Sa likod ng Merlion statue ang The Fullerton na isa mga sikat na hotel dito sa Central Business District ng Singapore. Ang kahabaan nito ang nagsisilbing tambayan ng mga tao lalong-lalo na yung mga galing sa trabaho dahil na rin sa ganda ng view sa paligid nito.

Ito ang ika-labing isang parte ng pamamasyal namin dito sa bansang Singapore at sa dami ng aming napuntahan na ay isa ito sa mga masarap puntahan dahil na rin sa pagiging isang one stop-shop nito o yung bang sa isang lugar lang ay marami pang iba’t ibang lugar ang nakapaloob dito. Kumbaga sulit ang bawat lakad mo dahil parang hindi ka mapapagod dahil nga sa dami ng pwedeng puntahan at magagandang tanawin na pwede mong makita at maging bahagi ng isang magandang alaala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.