Stock Market – Part 8: How to Sell Stocks in the Stock Market?

Maraming ways para makapagbenta ka ng mga stocks na meron ka sa iyong portfolio. Noong nakaraang post natin ay natalakay na natin kung paano nga ba bumili ng stocks sa stock market. Almost pareho din naman ang ilang mga prosesong gagawin mo maliban na lang sa ilang mga pagkakaiba. Uulitin lang natin yung ibang mga parehong proseso para sa mas malinaw na pagpapaliwanag at simula sa umpisa. Gaya ng sabi ko ilan sa mga proseso ay pareho lang kaya naman makikita n’yong muli ang mga nakita n’yo ng proseso noon tayo ay bumibili ng stocks.

COL Financial Website

Una kailangan mong puntahan ang website ng stock broker mo kung saan ka nagiinvest. Dahil dito gagamitin natin ang COL Financial website. Puntahan lang ang site nila sa link na ito sa ibaba.

https://www.colfinancial.com

Once na i-click mo ang link na ito ay dadalhin ka nito sa isang log-in pagena website ng COL Financial.

Log-in Page

Enter mo lang ang binigay sa ‘yong user ID at password  noong nagapply ka ng account sa kanila at pindutin ang log-in button para makapasok at makapag-umpisa sa pagbenta mo ng stocks.

Portfolio Page

Pagpasok mo sa flatform ng COL Financial ay pwede kang pumunta sa iyong Portfolio Page para makita mo ang mga details ng stocks na meron ka at kung ano ang mga stocks na gusto mong ibenta. Sa gilid ng bawat stock code ay makikita mo ang Sell Button na binilugan ko para sa pagbenta ng stocks.

Quotes Tab

Sa pagbenta ng stock pwede ka rin pumunta sa Quotes Tab at type mo lang yung stock code na gusto mong ibenta at lalabas na ang mga details ng stock code na ito tulad ng Bid and Ask Price at Last 5 Trades para sa stock na ibebenta mo. Maganda ito para magkaroon ka ng ideya sa mga nangyaring last 5 transactions at makita mo kung magkano nabenta ng iba ang kani-kanilang mga stocks sa mga oras na iyon. Dito sa post na ito ay magko-concentrate lang muna tayo sa proseso ng pagbenta ng stocks. Click mo lang yung Sell Button na binilugan ko para mabenta mo ang stocks na gusto mo ng ibenta.

Sell Order

Pagkapindot mo ng Sell Button ay mapupunta ka naman sa Order Details kung saan dapat mong ilagay kung ilang shares ang gusto mo ng ibenta at sa magkanong price mo s’ya gustong mabenta. Kung may mga nakalimutan kang details ay pwede mong pindutin ang Quote Button para makitang muli ang mga detalye na kailangan mo para sa pagbenta mo ng stocks. Pagkatapos mong ma-fill lahat ng kailangang detalye ay pindutin mo lang ang Preview Order Button.

Preview Order

Sa Preview Order naman ay makikita mo ang detalye ng binebenta mong stocks pati na ang mga commission, fees o tax na kasama sa pagbenta mo. Pinapakita ito para ma-check mo kung tama ba ang mga nailagay mong detalye kanina sa Sell Order tab. Kung tama naman lahat ay pwede mo ng ilagay ang password mo sa ibaba at pindutin ang Place Sell Order button.

Order Confirmation

Pag-place mo ng sell order o pagpindot mo ng Place Sell Order button ay magkakaroon ka ng Order Confirmation kung saan ang pagbili mo ay pinadala na for execution. Nakalagay dito sa order confirmation ang mga final details ng pagbili mo ng stocks. Pwede mo itong ma-check kung pumasok na sa pamamagitan ng Trading History o dun mismo sa iyong portfolio.

Trading History

Dito sa Trading History malalaman mo ang status ng binili mong stocks kung ito ay pumasok na pati na ang mga detalye nito at makikita mo rin ito sa iyong sariling portfolio.

Transaction Confirmation

Makakatanggap ka rin ng Transaction Confirmation sa account mo sa iyong broker para patunay sa pagbili mo ng stocks. Kailangan mo lang i-type ang iyong password para sa acknowledgement nito.

Email Confirmation

Magse-send din ang broker mo ng confirmation email sa ‘yo sa bawat pagbili mo ng stocks at nakapaloob dito ang detalye ng mga transactions na ginawa mo sa pagbili ng stocks.

Nawa’y makatulong ito sa inyong paguumpisa sa mundo ng stock market at patuloy na aralin ang pagiinvest dito para sa dagdag kaalaman para mapalago ang inyong investment.

Photo: CTTO