Singapore Tour – Part 12: Kampong Glam (Heritage Trail)

Heritage Trail

Ang Kampong Glam ay matatapuan sa northern part ng Singapore River sa area ng Rochor na kilala bilang isang Malay-Muslim quarter. Isa ito sa mga lugar o komunidad na kung saan napapanatili pa rin ang samahan at pagiging malapit o pagkakaibigan ng mga Native-Malay at Muslim community.

Isa rin ito sa pinakalumang lugar sa Singapore kaya naman maraming turista ang dito’y naglilibot sa paligid-ligid dahil na rin sa mga na-preserve nilang heritage sa lugar na ito. Sa larawan namang ito ay makikita ang maraming turista na nagiikot sa paligid ng Kampong Glam.

Pagkatapos ng kolonisasyon ng mga British noong taong 1819, ang lugar na ito ay naging tahanan na ng Malay aristocracy o yung mga matataas ang antas o mga royalty sa society dito sa Singapore.

Kilala bilang isang Heritage Trail, ang pangalan na Kampong Glam ay hango sa pangalan ng isang puno na Cajeput Tree na ang tawag ay “Gelam” sa salitang Malay. Habang ang “Kampong” naman ay hango din sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay “Village”.

Masjid Sultan

Isa sa masasabing landmark ng Kampong Glam ay ang sikat na Masjid Sultan. Isa itong malaking mosque na itinayo at nakumpleto noong pang taong 1928 at nagkaroon lang ng kaunting pagsasaayos para mapanatili ito sa kanyang origihinal na disenyo.

Gawa ng arkitektong si Denis Santry ng Swan and Maclaren na ipinangalan kay Sultan Hussain Shah, ang 18th Ruler at naging Sultan ng Johor at Singapore noong taong 1819.

Sa labas pa lang ay makikita mo na kung gaano kaganda ang buong Masjid Sultan kaya naman isa rin ito sa mga pinupuntahan ng mga turista kapag namamasyal dito sa Singapore.

Sa paglilibot mo sa Kampong Glam ay makikita mo kung paano nila nai-restore at nabigyang buhay o ginawang makulay ang mga lumang shop houses tulad na lang sa larawang ito.

Sa kabila ng pagiging luma ang disenyo ng mga bahay dito ay nagawa nilang mabigyang kulay at maging maayos ang lugar na ito at ito ang dahilan kung bakit maraming turista ang dito’y naggagala.

Sa di kalayuan at malapit sa Kampong Glam ay makikita mo din ang mataas at matayog na Raffles Hospital. Isa ito sa mga sikat at kilala or one of the best hospital dito sa Singapore. Sa taas at hugis ng building nitong mala-L shape ay talaga namang kay gandang pagmasdan kahit pa sa malayo.

Ito ang ika-12 part ng aming pamamasyal dito sa bansang Singapore at nalalapit na ang pagtatapos pero meron pang dapat abangan sa mga huling post dahil siguradong may kaabang-abang na lugar ang hindi n’yo dapat palampasin na makita. Kaya sana ay makasubaybay kayo sa mga susunod kong mga post patungkol sa aming tour dito sa Singapore.