Stock Market – Part 11: History Repeats Itself

Sa mga nagiinvest sa stock market, alam n’yo ba na sa stock market ay napakahalaga ng history ng isang stock? Dito kadalasan nakabase ang mga future na magiging galaw n’ya. Kaya mainam talaga na alam mo ang history para mapaghandaan o ma-anticipate mo ang mga magiging galaw n’ya at malaking tulong ito dahil dito kadalasan kumikita ang mga nagiinvest sa stock market.

Sa simpleng “Buy at Low” and “Sell at High” principle pa lang ng stock market ay maari ka ng kumita kung magagawa mo ito ng maayos at tama. Ang kailangan mo na lang alamin ay kung kailan ka papasok at kailan ka mage-exit. Ito ang aalamin natin sa mga darating na post ko sa susunod na mga araw.

Sa picture na ito ay makikita kung paanong ang history is just repeating itself. Medyo sinama ko lang yung mga ibang technical parameters na ginagamit ko para magkaroon ng idea o makatulong sa iba kung anu-anong mga technical chart analysis style ang pwede mong pagbasehan. Ang bawat technical parameters na yan ay ipapaliwanag din natin isa-isa para sa masusing paghimay kung paano ba ito ginagawa at paano ito pwedeng maging basehan ng magiging future na galaw ng isang stock.

Click image to enlarge

Narito ang listed table para sa mas malinaw na gabay kung anong nangyari sa presyo ni Jollibee at kung paano tayo magkakaroon ng gain sa pamamagitan ng mga nagdaang presyo na kung saan nakita naman natin na halos inuulit lang ang history. Ginawa ko lang sample si Jollibee pero actually applicable ito sa lahat ng stocks. So kailangan mo na lang malaman ay kung kailan ka papasok sa pagbili at kailan ka lalabas sa pagbenta naman ng stocks. Yan ang ipapaliwanag ko at ibabahagi sa mga susunod na mga posts.

Buy and Sell History of JFC that Gained Profit

DateActionPrice
25-Jul-2019Buy236
02-Aug-2019Sell258
13-Aug-2019Buy217.4
03-Sep-2019Sell231
24-Sep-2019Buy220
15-Oct-2019Sell233.4
28-Oct-2019Buy223
05-Nov-2019Sell233

Gaya ng iba dumaan at nag-umpisa din ako sa pagiging “Newbie” o baguhan kung tawagin. Dati ay hindi ko rin alam ang lahat ng ito pero dahil sa mtyagang pagaaral at sa tagal ng experience sa pagiinvest sa stock market ay unti-unti kong natutunan ang karamihan sa dapat kong malaman. Kaya ang payo ko sa mga naguumpisa pa lang, mag-aral muna bago sumabak at kung ikaw naman ay nagiinvest na ay matuto sa magiging experience mo at sa experience ng iba. Paalala ko lang hindi madali ang pagiinvest sa stock market at marami na ang dito’y nasusunog ang pera kaya napaka-importante na alam mo ang ginagawa mo at ang dahilan kung bakit ka ba talaga nagiinvest sa market na ito pati na ang goal mo at kung anong klaseng investor ka.

Kaya lagi n’yong tandaan,

“Experience is the best teacher, and the worst experience teaches the best lesson.”

Isang paraan ko ito para makatulong sa iba at sana kahit papano sa munting paraan ko ay may mapulot kayong aral o idea na makakatulong para lalo n’yo pang mapagaralan ang pagiinvest sa stock market at mapalago pang lalo ang mga investments n’yo sa hinaharap. Mas masarap kumita habang nakakatulong sa iba.

2 thoughts on “Stock Market – Part 11: History Repeats Itself

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.