True Color

Positive Words of Wisdom by Simpleman

Hunter X Hunter – Episode 3: Rivals for Survival

Overview

Dito naman sa Episode 3 na may pinamagatang “Rivals for Survival” ay makakarating na sina Gon, Kurapika at Leorio sa Zaban City, ang lugar ng Hunter Exam sa tulong na rin ng kanilang navigator.

Sa unang pagsalta nila sa lugar kung saan gaganapin ang unang bahagi ng hunter exam ay makakasalamuha nila si Tomba, ang taong 35 beses ng sumubok sa hunter exam at ang tagatumba ng mga baguhan.

Dito rin sa episode na ito ipapakita na ang ilan pa sa mga main characters ng Hunter X Hunter tulad ni Hisoka, ang madyikerong payaso at si Killua Zoldyck, ang batang assassin na magiging bestfriend ni Gon. Nandito rin ang kapatid ni Killua na si Illumi pero hindi mo malalaman na s’ya pala si Illumi kung hindi mo pa natatapos mapanood ang kabuaan ng anime na ito.

Video: CTTO

Episode 3 Quote:

“Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo, yun ang gawain ng mga tunay na Hunter.” – Kurapika

Lessons Learned

Dito naman sa sinabi ni Kurapika, maaari nating ihalintulad ang ating sarili bilang isang Hunter. Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo ang isa sa mga kaakibat ng pagiging tao. Kung gusto natin ng mapayapang mundo ay kailangan nating ipairal ang kaayusan gayundin ang pagkakaisa at pagkakaunawaan.

Sa kalikasan naman ay dapat nating panatilihing malinis at kung maari ay walang polusyon sa ating kapaligiran. Tayo ang namumuhay sa mundong ito kaya sa atin din nakaatang ang responsibilidad upang mapanatili natin ang ating malinis ang ating kalikasan at ang kapayapaan sa mundo.