Singapore Tour – Part 13: Bugis Junction

Isa pa ang Bugis Junction sa magandang puntahan habang ikaw ay nasa Singapore. Isa itong shopping mall na developed ng Parco Holdings na matatagpuan sa Victoria Street, Middle Road at North Bridge Road sa Bugis na Downtown Core ng Singapore.

Narito sa loob nito ang ilan sa mga sikat na kainan at shopping store tulad na lang nitong nasa likod namin na “Awesome Coffee” shop na nagse-serve ng isang Latte made using Ghirardelli White Chocolate.

Ito namang kainan na ito ay talaga namang mapanghalina sa kanyang pangalang “Let’s Eat!” Talaga namang mapapakain ka dahil pagkakita mo pa lang sa pangalan n’ya ay para kang hinihila na sa kanya kumain.

Narito rin ang sikat na bilihan ng iba’t ibang klase ng bread ang “Bread Talk“. Isang Singaporean Multinational Food na founded as a bakery brand noong pang taong 2000. Mayroon itong total na 900 stores sa iba’t ibang bansa tulad ng PRC, Malaysia, Hong Kong and Thailand at isa sa pinakakilalang franchised bakery outlets across Asia and the Middle East.

Narito din ang “Paris Baguette“, na isa ring bakery chain na nagmula naman sa bansang South Korea at pagmamayari ng SPC Group. Ang franchise na ito ang South Korea’s leading bakery franchise dahil na rin sa mahigit kumulang na 3,316 retail stores.

Meron din ditong restaurant ng sikat na American franchise na “Subway“. Isa ito sa fastest growing franchises sa buong mundo at alam n’yo bang meron na itong 41,512 locations sa mahigit 100 na mga bansa.

Ito namang “Kotsujiru Nabe Osaka Ohsho” ay isang Japanese restaurant na mayroong kabuuan na 300 outlets sa Japan, Hong Kong, Thailand, Korea at ngayon nga ay dito sa Singapore.

Kahit saan ka pumunta ay iba’t ibang pagkain ang makikita mo sa loob ng mall na ito na talaga namang nakakatakam sa itsura pa lang. Makikita din ang presyo ng bawat meal sa picture na ito na medyo may kamahalan pero sulit naman dahil sa sarap ng lasa nito.

Ang iba naman ay may mga nakapaskil pang “Best Seller” menu para pangakit sa mga dumaraan kaya hindi mo mapipigilan na huminto at tingnan ang specialty nilang ito na ang itsura ay katakamtakam.

Pero sa lahat ng yan ay wala na yatang tatalo sa pinakamatandang Singaporean chain outlet na “Ya Kun Kaya Toast“. Founded noong pang taong 1944 ni Loi Ah Koon, 75 years in business and counting na ang resto na ito. Meron na itong over 50 outlets in total sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Indonesia, Japan, Myanmar, South Korea, Taiwan, Philippines, United Arab Emirates at dito nga sa Singapore.

Magtataka ka dahil sa umaga pa lang ay mahaba na ang pila dito dahil sa dami ng tumatangkilik. Isa ito sa di mo dapat palampasin na masubukang tikman dito sa Singapore. Kilalang kilala ito dahil sa lasa at linamnam ng pagkaing ito. Soft-boiled eggs at toasted buttered bread with matching delicious coffee ang isang set ng Kaya Toast. First time kong kumain nito at para sa akin ay panalong panalo ang lasa ng Kaya Toast na ito kaya naman pala pinagkakaguluhan.

Sa shopping mall area naman ay naroon ang mga maliit na stalls sa gitna para sa ilang mga souvenir items na nakakaaliw tingnan dahil sa disenyo ng kanilang mga carts o stalls.

Meron ding stall sa gitna ang sikat na Ferrari brand kaya naman nung makita ko ay pwesto na agad para sa isang instagramable picture kahit hindi naman ako bibili.

Ito naman ang “Tuk Tuk Cha” na isang cafe which specializes sa mga Thai beverages at desserts. Sa katabi lang nito ang sikat ding Nando’s na madalas naming kainan nung kami ay nasa Qatar pa. Kumain na kasi kami kaya hindi na namin nagawang kumain pa ulit dito.

Ito naman ang way papuntang Bugis Street at sa labas nito ay naroon pa ang maraming mga outlet na pwede mong pasyalan.

Sa labas ay marami pang ibang outlet na pwede mong makita tulad na lang nitong “BHG” na isang sikat na department store dito sa Singapore. Sa ganda ng istraktura sa paligid ay aakalain mong ikaw ay nasa isang European country.

Meron ding mga street direction na nakatayo sa labas para sa iba pang lugar o kalye na gusto mong puntahan o kung saan ka man patungo tulad ng MRT station.

Sa labas din ay kay gandang pagmasdan ang mga naglalakihang gusali at mall pati na ang malaking pangalan ng Bugis Junction sa itaas.

Sa di kalayuan ay makikita ang office tower at Intercontinental Hotel na nasa paligid lang ng Bugis Junction. Kaya naman isa ang lugar na ito na kasama sa pinapasyalan ng tao kapag sila ay nagbabakasyon sa bansang Singapore.

Nasa labas din ng Bugis Junction at harap lang ng Bugis Plus mall ang malaking Bugis+ signage na ito na magandang background para sa isang memorable na litrato.

Ito ang ika-13 na yugto ng aming paglalakbay dito sa bansang Singapore. Meron pang mga ibang lugar ang makikita n’yo sa mga susunod na post na talaga namang dapat abangan. Kaya sana ay subaybayan n’yo pa ang mga darating na post ko dito sa aking blog patungkol sa aming tour dito sa bansang Singapore.

3 thoughts on “Singapore Tour – Part 13: Bugis Junction

  1. This design is wicked! You definitely know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almost…HaHa!) Fantastic job. I really loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.