Ayala Land Condominiums & Premier Properties

Ayala Land condo o property ba ang hanap mo? Bukod sa SMDC ay meron din tayo n’yan. Mapa-lupa man yan, bahay o condo laging meron ang mga Ayala.

For those who would like to own an Ayala Land condo unit or property, here is the video for the list of all the Ayala Land condominiums and premier properties with their locations. Just send us a message for inquiries if you are interested.

Singapore Tour – Part 14: Bugis Street

Ang Bugis Street na siguro ang isang lugar sa Singapore na hindi mawawala sa listahan ng mga turistang pumupunta sa bansang ito. Kaya naman isinama namin ito sa mga lugar na dapat naming makita at mapuntahan sa aming paglilibot dito sa Singapore.

Ito ang lugar na kadalasang puntahan ng mga turistang gustong mamili ng samu’t saring mga souvenir item o mga pampasalubong pagbalik sa kani-kanilang mga bansa. Isa itong malaking retail commercial complex na matatagpuan sa pagitan ng mga shopping complex at malls malapit sa Bugis Junction.

Sari-saring paninda ang dito’y makikita kaya naman maraming turista ang laging dumaraan dito, isa o dalawang araw bago ang pagalis nila sa bansang ito dahil na rin sa dami ng mabibili dito sa murang halaga lamang.

Marami kang mapagpipiliang produkto dito gaya na lang sa mga souvenir T-shirt store na ito na aming nabilhan na talaga namang magaganda pati na mga designs at hindi pahuhuli din ang quality.

Iba’t ibang design at style ang pwede mong pagpilian dito at karamihan sa kanila ay mura na at ang iba pa nga ay naka-sale pa. Dito sa tindahan na ito kami nakabili ng mga T-shirt na pampasalubong namin at pati na ang para sa amin.

Sa dami ng mga pagpipilian ay ikaw na lang ang magsasawang tumingin dahil hindi mo naman mabibili lahat sa dami n’ya. Kaya naman kay gandang magpakuha ng picture sa stall na ito dahil na rin dami ng iba’t ibang klase o design ng mga paninda n’yang T-shirt.

Pati nga mga Puti ay makakasabay mo na rin sa pamimili dito dahil alam din nila na mura dito at marami kang mabibiling iba’t ibang klaseng items sa lawak ng lugar na ito.

Merong sapatos, tsinelas, T-shirt, relos, chocolates at iba pa na makikita sa mga tindahan sa loob ng Bugis Street at halos marami kang makakasabay na iba’t ibang lahi na dito ay namimili din.

Kaya nga bawat tindahan ay mapapahinto ka talaga para tumingin at mamili dahil halos lahat ay magaganda basta marunong ka lang pumili at maghanap. Hindi mo na kailangan tumawad dahil nga sa baba ng presyo. Kaya nga siguro puntahan ito at bilihan ito ng mga turista bago sila magsi-uwi sa kani-kanilang mga bansa.

Kung mapagod ka naman at mauhaw sa paglilibot at pamimili dito sa Bugis Street ay meron isang tindahan dito sa bandang gitna na ang tinda ay puro lang inumin. Iba’t ibang juice ng iba’t ibang prutas ang dito ay pwede mong tikman.

Matutuwa ka dahil halos lahat na ata ng klase ng prutas eh meron silang juice nito. Kaya naman marami ang bumibili sa kanila pati na mga Westerners na turista.  Masarap naman kasi at pwede ka ring mamili kung anong prutas ang gusto mo at meron din silang mga combinations ng mga prutas kung gugustuhin mo.

Ito ang napili naming juice combination na binili, ang carrot-orange at pineapple-peach juice. Masarap ang mga juice nila at mura pa. Nagkakahalaga lang ito ng 1 Singapore Dollar ang bawat isa.

Kapag nagutom ka naman ay merong Bugis Food Street silang tinatawag na makikita sa aming likuran sa picture na ito at malapit lang sa juice stand. Sa malayo pa lang ay maaamoy mo na ang iba’t ibang luto ng pagkain sa street na ito.

Samu’t saring pagkain naman ang makikita sa kahabaan ng street na ito na iba’t ibang lutong nagmula pa sa mga bansang China, Malaysia, Indonesia, at marami pang ibang putahe na talaga namang katakamtakam sa iyong panlasa.

Bawat kainan ay may kanya-kanyang specialty ng kanilang mga lutong putahe kaya naman kahit sa tingin pa lang ay talagang matatakam ka na sa sarap ng mga nakikita mo sa picture pa lang ng pagkain.

Wala ka ng hahanapin pa dahil nandito na lahat ng masasarap na pagkain na pwede mong tikman. Mura din ang pagkain dito kumpara sa ibang lugar na masarap pa at dahil nga sa dami ng pagpipilian ay wala kang itulak kabigin sa mga putaheng ito.

Sa tindahan namang ito ay nakapaskil na halos lahat ng mga masasarap na pagkain na pwede mong orderin sa kanila kaya naman hindi ka na mahihirapan pang pumili dahil nasa harapan mo na ang mga best dishes nila.

Sa servings pa lang ng order namin ay talagang maglalaway ka na dahil kumpletos rekados na ang isang bowl pa lang ng menu nila. Combination ng meat at vegetables ang napili namin kaya siguradong yari na naman ang buto-buto.

Simple pero sobrang sarap ng mga pagkain nila dito samahan mo pa ng malasang fruit juices on the side kaya naman kahit pagod ka sa kakalibot sa buong commercial complex na ito ay talagang mawawala ang lahat ng pagod mo pagtapos mong matikman ang mga luto nila.

Sa paglabas mo naman ng Bugis Street ay makikita mo ang Trishaw Uncle. Isa ito sa pinakamatandang transportation service gamit ang makalumang style ng tricycle na kung saan pwede kang ilibot sa malalapit na lugar tulad ng Kampong Glam, Little India o Chinatown.

Ito na ang ika-14 na yugto ng aming paglilibot dito sa bansang Singapore. Sana’y abangan ninyo ang pinakahuling parte na ng aming Singapore Tour dahil iyon sa tingin ko ang pinakamagandang lugar sa lahat na aming napuntahan dito sa bansang ito.

Isa rin ang Bugis Street sa mga hindi mo dapat palampasin na mapuntahan kapag ikaw ay nandito sa Singapore lalo na kung ikaw ay malapit ng umuwi dahil marami kang mabibiling gamit o magagandang bagay dito lalo na mga pampasalubong sa iyong pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Hanggang sa susunod na post ko at sana abangan ninyo ang pinakahuling part ng aming tour dito sa Singapore.