Singapore Tour – Part 15D: Madame Tussauds Wax Museum (TV & Movie/Film Stars)

Narito naman ang ika-apat at huling yugto ng paglilibot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum sa bansang Singapore. Sa part na ito makikita ang mga sikat na TV personalities at Movie/Film Stars wax figures sa mundo ng Showbiz.

Oprah Winfrey (The Oprah Winfrey Show)

Si Oprah Gail Winfrey na ipinanganak noong January 29, 1954 sa Mississippi, USA, ay isang American media executive, actress, talk show host, television producer, at philanthropist. Kilala ng maraming tao sa buong mundo sa kanyang talk show na, The Oprah Winfrey Show, isang broadcast TV talk show sa Chicago, USA na isang highest-rated television program sa history na tumagal ng 25 years mula 1986 hanggang 2011.

Nabansagang “Queen of All Media”, si Oprah ang richest African-American ng 20th Century at itinuturing na most influential woman in the world. S’ya rin ang North America’s first black multi-billionaire at greatest black philanthropist sa history ng America.

Arnold Schwarzenegger (Terminator)

Si Arnold Alois Schwarzenegger na ipinanganak noong July 30, 1947 sa Thal, Allied-occupied Austria, ay isang Austrian-American actor, filmmaker, businessman, author at former professional bodybuilder at politician na nagsilbi bilang 38th Governor ng California mula 2003 hanggang 2011.

Bata pa lang ay nagumpisa na sa lifting weights at body building sa edad na 15 years old si Arnold at sa edad na 20 years old ay napanalunan na n’ya ang titulong Mr. Universe. Nanalo din s’ya sa Mr. Olympia contest ng pitong beses daan para kilalanin s’ya sa mundo ng body building bilang isa sa greatest body builders of all time.

Sumikat din s’ya at nakilala sa buong mundo na isang Hollywood action film icon dahil sa mga box-office hit na pelikula tulad ng Terminator at mga franchises nito. Una naman s’yang na-elect noong October 7, 2003 bilang Governor at nagpatuloy sa kanyang termino hanggang taong 2011.

Audrey Hepburn (Breakfast at Tiffany’s)

Si Audrey Hepburn o Audrey Kathleen Ruston sa totong buhay na ipinanganak noong May 4, 1929 sa Brussels, Belgium, ay isang Bristish actress at humanitarian. Nakilala bilang film at fashion icon, si Audrey ay kinilala bilang third-greatest female screen legend ng Golden Age Hollywood at napasama sa listahan ng International Best Dressed List Hall of Fame.

Sumikat si Audrey Hepburn ng manalo s’ya ng Oscar Award, Golden Globe Award at BAFTA Award for a single performance para sa comedy film na Roman Holiday noong 1953 at sa parehong taon ay napanalunan din n’ya ang Tony Awards para sa Best Lead Actress in a Play para sa pagganap n’ya sa Ondine.

Bruce Lee (Enter the Dragon)

Si Lee Jun-fan o mas kilala sa pangalang Bruce Lee na ipinanganak noong November 27, 1940 sa California, USA ay isang Hong Kong-American actor, director, martial artist, martial arts instructor, at philosopher. S’ya ang kinikilalang most influential martial artist of all time at isang pop culture icon ng 20th century.

Ang pilosopiya n’ya sa iba’t ibang combat discipline at tradisyonal na martial arts ang nagbigay daan upang makilala sa buong mundo ang modernong mixed martial art o MMA sa ngayon. Lumabas din s’ya sa ilang sikat na martial arts films tulad ng Fist of Fury (1972), Way of the Dragon (1972), Enter the Dragon (1973) at The Game of Death (1978).

Daniel Craig (James Bond)

Si Daniel Wroughton Craig naman na ipinanganak noong March 2, 1968 sa Cheshire, England ay isang English actor na nakilala bilang ika-anim na actor na gumanap bilang British Secret Agent 007 sa sikat na pelikulang James Bond at mga film series nito. Tumabo sa takilya ang lahat halos ng James Bond movies na pinagbidahan n’ya kung kaya’t s’ya ang nagkamit ng highest-grossing filmsa buong series ng film na ito.

Bukod sa mga James Bond movies ay lumabas din s’ya sa mga pelikula tulad ng fantasy film na The Golden Compass (2007), historical film na Defiance (2008) at marami pang iba kung saan nakakuha s’ya ng Golden Globe Award nomination para sa  Best Actor ng Motion Picture na Musical or Comedy.

E.T. (Extra-Terrestrial)

Si E.T. naman ay isang character sa isang American science fiction film na ipinalabas noong June 11, 1982 at directed ng sikat na direktor na si Steven Spielberg. Isa itong movie tungkol sa pakikipagsapalaran ni E.T. dito sa earth.

Nabuo si E.T. sa konsepto at malikhaing kaisipan o imahinasyon ni Steven Spielberg pagkatapos na maghiwalay ang kanyang mga magulang noong 1960. Agad itong tumabo sa takilya at naging highest-grossing film of all time na record na kanyang hinawakang sa loob ng 11 years. Ang E.T. ay kinokonsidera bilang one of the greatest films of all time.

Jackie Chan (Drunken Master)

Si Chan Kong-sang o mas kilala sa pangalang Jackie Chan na ipinanganak noong April 7, 1954 ay isang Hong Kong martial artist, actor, film director, producer, stuntman, at singer. Nakilala s’ya sa mundo ng pelikula dahil sa kanyang mala-acrobatic fighting style, comic timing, use of improvised weapons, innovative at dangerous stunt-driven style of martial arts kung saan s’ya mismo ang gumagawa at hindi kumukuha ng ka-double.

Si Jacky Chan ang isa sa most recognisable at influential cinematic personalities sa buong mundo at nakatala ang kanyang pangalan sa sikat na Hollywood Walk of Fame. Isa rin s’yang philanthropist at pinangalanang one of the top 10 most charitable celebrities ng Forbes magazine.

Ilang sa mga sikat na movies na pinagbidahan ni Jackie Chan ay ang Snake in the Eagle’s Shadow (1978), Drunken Master (1978), Rumble in the Bronx (1995), Rush Hour (1998) at marami pang iba na naglagay sa kanya bilang second-highest paid actor in the world noong 2016 na kumita ng US$350 million dollars ayon sa Forbes magazine.

Johnny Depp (Pirates of the Caribbean)

Si John Christopher Depp II na mas kilala bilang Johnny Depp na ipinanganak noong June 9, 1963 ay isang American actor, producer at musician. Isa sa world’s biggest film star sa ngayon, si Johnny Depp ay na-nominate sa 10 Golden Globe Awards, 3 Academy Awards for Best Actor at isa dito ay nanalo s’ya bilang Best Actor sa pagganap n’ya sa pelikulang Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street noong 2008.

Mas lalo s’yang nakilala sa pagganap n’ya sa mga pelikulang Pirates of the Caribbean film series na tumabo sa takilya at kumita ng halos US$4.5 billion dollars. Nakalista din ang pangalan n’ya sa 2012 Guinness World Records bilang world’s highest paid actor. Tumugtog din s’ya ng gitara para sa sikat na bandang Oasis sa kantang Fade In-Out sa album nilang Be Here Now noong 1997.

Leonardo DiCaprio (Titanic)

Si Leonardo Wilhelm DiCaprio na ipinanganak noong November 11, 1974 sa California, USA ay isang American actor, producer at environmentalist na sumikat sa pelikulang Titanic noong 1997, ang highest-grossing film ng mga panahong iyon.

Nakuha ang pangalan n’ya kay Leonardo da Vinci ng minsang sumipa s’ya sa loob ng tyan ng kanyang buntis na ina habang ito ay nakatingin sa mga paintings ni Leonardo da Vinci sa Uffizi museum sa Florence, Italy.

Nanalo ng isang Academy Award at tatlong Golden Globe Awards ang ilan sa kanyang mga karangalan. Sa ngayon nga, ang kanyang mga pelikula ay kumita na ng halos US$ 7.2 billion dollars worldwide, daan upang maluklok s’ya ng walong beses sa annual rankings ng world’s highest-paid actors.

Madame Marie Tussaud (Wax Museum)

Syempre hindi mawawala ang founder ng Madame Tussauds Wax Museum na si Madame Marie Tussaud. Si Anna Maria “Marie” Tussaud na ipinanganak noong December 1, 1761 sa Strasbourg, France ay isang French artist na nakilala sa kanyang mga wax sculptures at wax museum na nagumpisa sa London.

Si Philippe Curtuis na isang doctor at bihasa sa wax modelling, kung saan sila nakitira ng kanyang ina noong mga panahong iyon ang nagturo kay Marie ng art of wax modelling. Dahil sa kanyang ipinamalas na talento at technique ay nakapagtrabaho na s’ya bilang isang artist at yun ang simula para makilala si Madame Tussauds sa buong mundo.

Sa ngayon nga ay sikat at naging popular na itong tourist attraction hindi lang sa London kundi maging sa buong mundo na dinarayo ng maraming turista saan mang panig ng mundo.

Michelle Yeoh (Crouching Tiger, Hidden Dragon)

Si Michelle Yeoh Choo-Kheng na ipinanganak noong August 6, 1962 sa Ipoh, Malaysia ay isang Malaysian actress na nakilala sa kanyang pagganap sa ilan sa mga sikat na pelikula tulad ng James Bond film na Tomorrow Never Dies noong 1997 at martial arts film Crouching Tiger, Hidden Dragon noong 2000 kung saan ipinamalas n’ya ang kayang galing sa sariling mga stunts.

Nanalo din s’ya sa Miss Malaysia pageant noong 1983 sa edad lamang na 20 year old. Kasama din s’ya sa American romantic comedy-drama film na Crazy Rich Asians. Sa isang film-review ng isang website na Rotten Tomatoes ay hinirang s’ya bilang greatest action heroine of all time noong taong 2008. Isa rin s’ya 50 Most Beautiful People in the World na napili ng sikat na magazine na People noong 1997 at nakalista din ang pangalan n’ya sa 35 All-Time Screen Beauties noong 2009, ang natatanging Asian actress na nakapasok na listahan na iyon ng parehong magazine.

Nicole Kidman (Batman Forever)

Si Nicole Mary Kidman naman na ipinanganak noong June 20, 1967 sa Hawaii, USA ay isang Australian-American actress at producer. S’ya ang dating asawa ni Tom Cruise simula noong maghiwalay sila noong taong 2001. Nanalo ng isang Academy Award, dalawang Primetime Emmy Awards at limang Golden Globe Awards, si Nicole Kidman ang isa sa mga highest-paid actresses sa buong mundo noong taong 2006, 2018 at 2019.

Dalawang beses din s’yang pinangalanan ng sikat na Time Magazine bilang isa sa 100 most influential people in the world noong taong 2008 at 2018. Lumabas na s’ya sa napakaraming pelikula tulad ng The Others (2001), Far and Away (1992), Batman Forever (1995), To Die For (1995), Eyes Wide Shut (1999), Cold Mountain (2003), Paddington (2014) at Aquaman (2018).

S’ya rin ay nakilala sa pagiging Goodwill ambasador para sa UNICEF simula pa noong taong 1994 at UNIFEM noon pang taong 2006 pati na ang pag-appoint sa kanya bilang Companion of the Order of Australia.

Tom Cruise (Mission Impossible)

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa gwapong-gwapong si Tom Cruise. Si Thomas Cruise Mapother IV na ipinanganak noong July 3, 1962 sa New York, USA ay isang American actor and film producer. Si Tom Cruise ang isa sa best-paid actors sa buong mundo at isa sa highest-grossing box-office stars of all time.

Sa dami ng kinita n’ya at sa dami ng mga di mabilang na pelikula na nagawa n’ya ay umabot na sa US$10.1 billion dollars ang kinita ng kanyang mga pelikula. Ilan sa kanyang mga sikat na movies ay ang Top Gun (1986), A Few Good Men (1992), Jerry Maguire (1996), The Color of Money (1986), Rain Man (1988), Born on the Fourth of July (1989), Vanilla Sky (2001), Minority Report (2002), The Last Samurai (2003), Collateral (2004), War of the Worlds (2005), Knight and Day (2010), Jack Reacher (2012), Oblivion (2013), Edge of Tomorrow (2014) at ang Mission: Impossible film series mula 1996 hanggang 2018.

Isa si Tom Cruise sa kinilala ng Premiere magazine bilang Hollywood’s most powerful actor at kinilala din ng Forbes magazine bilang world’s most powerful celebrity sa kani-kanilang ranking noong taong 2006. Alam n’yo rin ba na sa Japan ay dineklara ang tinatawag na “Tom Cruise Day” na award ng Japan Memorial Day Association bilang isang special day dahil si Tom Cruise ang nagkamit ng pinaka-maraming pagbisita sa bansang ito sa lahat ng mga Hollywood stars.

Ito na ang huling yugto ng paglilibot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum at ang huling parte ng aming pagbisita dito sa bansang Singapore. Nawa’y naibigan ninyo ang 15 parts ng aming tour dito sa Singapore.

Pinost ko lahat ng mga ito hindi upang ipagyabang bagkus ay magbigay ng kaalaman kung anu-anong mga lugar ang mga magagandang puntahan sa bansang Singapore. Kung nasubaybayan n’yo lahat ng parte ng aming paglalakbay dito ay para ka na rin nakarating sa bansang ito dahil sa dami ng iyong makikita sa aming mga napuntahan.

Sana’y nakatulong itong mga post ko patungkol sa aming tour dito sa Singapore para mabigyan kayo ng idea kung saan dapat pumunta, kung ano ang dapat gawin at kung paano makakapunta sa mga magagandang lugar dito sa bansang Singapore. Muli maraming salamat sa lahat ng nag-like, sumubaybay, tumingin at nagkagusto sa mga posts ko about sa kabuuan ng aming tour dito sa Singapore.

Stock Market – Part 17: The Relative Strength Index (RSI)

Ang “Relative Strength Index” o RSI in short sa mundo ng stock market ay isang technical indicator na sumusukat sa lakas ng pagbabago sa mga recent prices ng isang stock o ibang asset para makita natin kung nagiging overbought o oversold na ba ang kanyang kundisyon sa ngayon.

Ito ay original na binuo ni J. Welles Wilder Jr. at ipinakilala noong pang 1978 sa kanyang libro na pinamagatang “New Concepts in Technical Trading Systems”. Lumabas din ito sa isang sikat na magazine na “Commodities” noong June 1978 issue. Sa ngayon nga ay isa ito sa mga pinakasikat at pinakagamiting indicators sa mga technical analysis sa pagiinvest sa stock market.

Kina-classify na isang momentum oscillator (ang oscillator ay isang line graph na gumagalaw sa pagitan ng dalawang hangganan), sinusukat ng RSI ang bilis at lakas ng direksyon ng paggalaw ng mga presyo ng isang stock sa stock market. Ang hangganan na ginagamit sa RSI ay sa pagitan ng 0 to 100 at kadalasang ginagamit ang 14-day timeframe para sa pag-compute nito.

Narito ang formula kung paano nakukuha ang value ng RSI para maging guide ninyo para na rin malaman kung paano ba ito kino-compute o nakukuha.

Relative Strength Index (RSI)

          RSI (n) = 100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

          where

          n = number of days (standard is 14 days period)

          AoG = average of gains for nth period

          AoL = average of losses for nth period

Pero paano ba natin makukuha ang AoG o Average of Gains at AoL o Average of Losses na ito para makuha natin ang RSI? Merong tatlong popular na method ang ginagamit sa stock market sa pagkuha ng RSI, ito ay ang Simple Moving Average (SMA RSI), Exponential Moving Average (EMA RSI) at ang Wilder’s Smoothing Method (WIL RSI). Tingnan nating ang table sa ibaba para makita natin ang isang sample kung paano nakukuha ang RSI gamit ang iba’t-ibang method na ito.

RSI (SMA) – Simple Moving Average Method

Gamit ang simple moving average method, kinukuha lang natin ang average ng gains sa loob ng 14 days period para maging AoG at ang average naman ng losses sa loob ng 14 days period para maging AoL. Yung iba tinatawag itong average up at average down pero pareho din ang ibig sabihin. Narito ang computation kung paano nakuha ang simple moving average RSI.

RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1 + (2.75 / 7.14) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1  + 0.3851540616)]

                        =  100 – [100 / 1.3851540616]

                        =  100 – 72.20

                        =  27.80

RSI (EMA) – Exponential Moving Average Method

Sa exponential moving average RSI naman ay tulad din sa pagko-compute sa EMA ang sistema nito. Ang formula para sa RSI nito ay di rin nalalayo sa SMA ang kaibahan lang ay gumagamit ito ng smoothing at exponential moving average ang gamit at hindi ang simpleng moving average lang. Narito ang formula para sa pagkuha ng smoothing pati na ang formula para sa Average of Gains at Average of Losses gamit ang exponential moving average.

              RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG(t) / AoL(t)) ) ]

             Smoothing (s) = 2 / ( n + 1 )

             AoG(t) = s x G(t) + ( 1 – s ) x AoG(y)

             AoL(t) = s x L(t) + ( 1 – s ) x AoL(y)

where:

               s  = smoothing

               n = number of days (standard is 14 days period)

              AoG(t) = average of gains today      

              AoL(t) = average of losses today

              G(t) = gain today

              L(t) = loss today

              AoG(y) = average of gains yesterday/previous trading day

              AoL(y) = average of losse yesterday/previous trading day

RSI (WIL) – Wilder’s Smoothing Method

Hango sa pangalan ng bumuo ng RSI na si J. Welles Wilder Jr., ang Wilder’s Smoothing Method ay parehong formula din and ginagamit kung paano nakukuha ang EMA RSI. Ang tanging kaibahan lang ay ang smoothing formula na ginagamit. Narito naman ang smoothing formula para sa WIL RSI.

Smoothing (s) = 1 / n

Overbought / Overvalued

Ipinalalagay na kapag ang values ng RSI ay 70 or above, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging overbought o overvalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagbaba ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang overbought ay isang implikasyon na sa dami ng bumibili ng stock na iyon ay naitulak o naiangat na ang presyo nito sa napakataas n’yang limit dahilan upang magkaroon ng price pullback.

Photo: CTTO

Oversold / Undervalued

Sa kabilang banda, kapag ang values ng RSI ay 30 or below, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging oversold o undervalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagtaas ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang oversold ay isang implikasyon na sa dami ng nagbebenta ng stock na iyon ay naitulak o naibaba na ang presyo nito sa napakababang limit dahilan upang magkaroon ng price bounce.

Narito ang sample ng RSI kapag nai-plot s’ya sa isang chart.

Isa sa mga importanteng indicators pagdating sa pag-iinvest sa stock market ang RSI, kaya naman isa ito sa pinakasikat at pinakagamitin ng mga nagiinvest pati na ng mga market analyst para sa technical analysis. Malaking tulong na malaman natin ito at malaman ang gamit nito para na rin mapalago ang ating mga investments sa stock market.

Nawa’y may natutunan kayo sa aking munting paliwag patungkol sa Relative Strength Index. Gamitin ninyo itong guide para mas lalo pang pagaralan ang tungkol sa pagiinvest sa stock market. Ang tungkol sa RSI ay makikita din sa internet o mapapanood din sa youtube at mababasa din sa maraming libro.

Ginagawa ko lang ito para sa mga hindi pa nakakaalam at dun sa mga napapadaan sa aking blogsite na gustong malaman ang ganitong mga uri ng kaalaman. Pinapaliwanag ko din ito sa simpleng salita na madaling maintindihan kahit na ng simpleng tao para mas lalong maintindihan at sinusulat ko sa sarili nating wika para naman sa mga kapwa ko Pinoy na gustong matutunan ang pagiinvest sa stock market.

Sana’y makatulong ang blogsite kong ito sa mga kapwa ko at kababayan na gustong pasukin ang pagiinvest sa stock market. Umasa kayo na isi-share ko sa abot ng aking makakaya ang lahat ng aking nalalaman, karanasan at natutunan sa pagiinvest sa stock market. Muli maraming salamat sa pagdaan dito sa aking blogsite.

Nangyari Ba Ang Mga Nakasulat Sa Iyong 2019 Zodiac Signs?

Nangyari ba ang mga nakalagay at nakasulat sa iyong Zodiac signs ngayong taong 2019? Ngayon nga na parating na ang year 2020 at patapos na ang year 2019, ilan kaya sa mga nakasulat sa iyong zodiac signs ang totoong nangyari ngayong taong 2019.

Base sa Chinese Astrology, ang popular na Chinese Zodiac signs ay isang klasipikasyon ng pamamaraan ng pagtatalaga sa mga hayop at ng kanilang mga katangian sa bawat taon ayon sa tinatawag na paulit-ulit na 12-year cycle. Ang 12-year cycle naman na sinasabi ay base sa pagtatantya sa 11.85-year orbital period ng Jupiter.

Pinaniniwalaan sa Chinese Astrology na ang mga animal signs na nakatalaga sa bawat taon kung kailan ipinanganak ang isang tao ay kumakatawan sa kung ano ang tingin o pakiramdam ng tao sa iyo o kung paano mo ipinakikilala ang iyong sarili base sa iyong paguugali at pagkatao.

Noon ngang nagbakasyon ako sa Manila ay nakapamasyal kami sa Lucky Chinatown Mall at dito nakita ko ang mga Zodiac signs na ito kaya naman kinuhanan ko lahat ng pictures para gawan ng blog para makita ng karamihan na wala sa Pinas o hindi pa nakita ang part o area na ito ng Lucky Chinatown Mall.

Narito at ating balikan ang mga nilalaman ng ating mga zodiac signs bago pa man mag-umpisa ang taon na base sa taon ng ating kapanganakan.

1. Year of the Rat

(1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)

2. Year of the Ox

(1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

3. Year of the Tiger

(1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

4. Year of the Rabbit

(1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)

5. Year of the Dragon

(1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)

6. Year of the Snake

(1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

7. Year of the Horse

(1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

8. Year of the Sheep

(1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)

9. Year of the Monkey

(1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

10. Year of the Rooster

(1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)

11. Year of the Dog

(1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018)

12. Year of the Pig

(1924, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)

So, pagkatapos mabasa ang inyong mga zodiac signs, masasabi n’yo ba na may mga nangyari sa mga ito sa tunay na buhay ngayon taong 2019? Nakatulong ba ang pagkakaroon ng mga ganitong signs para lalo natin pagisipan ang tungkol sa ating buhay, kalusugan, pagibig, kayamanan, edukasyon at karera?

Nawa’y nakatulong ang post na ito sa pagbabalik tanaw ninyo sa nakaraan kung ano ang mga nangyari patungkol sa inyong buhay, kalusugan, pagibig, kayamanan, edukasyon at karera. Kung ito ba ay umaakma sa mga sinasabi ng inyong Zodiac signs.

Christmas and Birth Day of an OFW in Kuwait

Ngayon ay araw ng Pasko at the same time ay birthday ko rin. Ipinanganak ako noong December 25, ang araw ng kapanganakan din ng ating Poong Maykapal na si Jesus. Kaya ang pangalan ko ay kinuha sa bible na si Saint Ezekiel. Medyo iniba lang ng konti at medyo ginawang modern kaya ang pinangalan sa akin ay Exequiel.

Ngayon nga ay nandito ako at nagtatrabaho sa bansang Kuwait. Walang pasko dito dahil nga ito ay isang Muslim country at wala ding off para sa birthday mo maliban na lang kung mag-file ka ng leave. Malungkot ang pasko dito ng mga OFW dahil nga malayo sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Kaya ang pasko dito o birthday ay parang karaniwang araw lang.

Ito ang sakripisyo naming mga OFW para mabigyan ng magandang future ang mga mahal namin sa buhay. Kaya nga ngayong pasko ay nandito pa rin ako sa work at tuloy lang ang trabaho na parang isang ordinaryong araw lang. Malungkot pero masaya na kaming makita na ang aming mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay masaya sa pagsalubong at pagse-celebrate ng Pasko.

Kaya mapapansin mo na yung ibang OFW ay gustong-gusto na umuuwi ng pasko at bagong taon sa atin sa Pinas dahil alam nila kung gaano kasaya ang pasko sa sarili mong bansa na kasama ang mga mahal mo sa buhay. Yung iba naman na hindi makakauwi ay magtitiis na lamang sa araw ng pasko malayo sa nakasanayang okasyon.

Sa atin kasi sa Pinas ay talaga namang Ber month pa lang ay akala mo malapit na ang pasko dahil na rin sa simoy ng hangin at mga naggagandahang palamuti lalo na ang mga christmas lights. Isama mo pa dyan ang mga puto bumbong, bibingka at ibang pang masasarap na kakanin pati na ang mainit na chaa kapag simbang gabi.

Puto Bumbong at Bibingka

Photo: CTTO

Sobrang napakasaya ng pasko sa atin sa Pinas kaya naman halos karamihan ng mga Filipino sa ibang bansa ay gustong-gustong mag-pasko sa atin. Kahit pa sila ay galing sa napaka-lalayong bansa tulad na lang dito sa Kuwait o saan mang dako ng mundo.

Dito naman sa Kuwait dahil nga regular na araw lang ito para sa lahat ng mga OFW dito ay patuloy pa din ang trabaho at walang off o pahinga. Ito ang aking almusal ngayong araw ng aking kaarawan at pagsalubong sa araw ng kapaskukhan kasama ng mga papers works sa trabaho.

Masaya na kung mabigyan ka ng half-day pero kadalasan ay hindi ito nangyayari. Pero ok lang dahil alam namin na ang bawat paghihirap namin dito sa abroad ay para sa future ng mga mahal namin sa buhay. Ito na lang ang magandang pakunswelo sa amin, ang malaman naming marami kaming natutulungan sa kabila ng aming mga pagtitiis, pagpapakahirap at pagpapakasakit.

Ito naman ang christmas at birthday treat ko sa sarili ko for a job well done ngayong taong 2019 at pasasalamat na din sa dami ng blessings na aking natanggap ngayon taon. Ganito lang ang pasko at birthday ko dito sa bansang Kuwait. Simpleng buhay na kahit medyo malungkot dahil malayo sa mga mahal sa buhay sa araw ng pasko ay handang magtiis para sa future ng aking pamilya o mga mahal sa buhay.

Jollibee Chickenjoy Meal

Muli mabuhay ang lahat ng mga bayaning OFW sa buong mundo na nagpapakahirap at nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat at Happy Birthday sa akin ngayong araw na ito December 25, 2019.

Hunter X Hunter – Episode 6: Nakakagulat na Pagsubok

Overview

Sa episode 6 ng Hunter X Hunter na pinamagatang “Nakakagulat na Pagsubok” magtatapos ang phase 1 ng hunter exam at ihahatid ni ginoong Satotz ang natirang 50 aplikante sa phase 2 ng exam. Dito na magsisimula ang phase 2 ng exam at sina Menchie at Buhara ang magsisilbing mga examiner sa phase na ito na gaganapin sa Biska Forest Park.

Dito susubukin ang kaalaman nila sa pagluluto gamit ang baboy bilang pangunahing sangkap na kanila pang huhulihin sa kagubatan. Dito na rin unang lalabas ang katauhan ni Chairman Netero, ang chairman ng selection committee para sa hunter exam. Napilitang magpakita si Netero dahil binagsak ni Mechie ang lahat ng mga aplikante dahilan upang ulitin sa ibang paraan ang exam.

Ang paglaga ng itlog ng spider eagles na makikita lamang sa split mountain ang naisip ni Menchie na magiging kapalit na pagsubok para sa mga aplikante. Sa pagkakataong ito ay kasama na si Mechie sa mga susubok sa exam na ito para maging patas ang lahat. Nang makita at malaman ni Gon kung paano nakuha ni Menchi ang itlog ay pinangunahan n’ya ang karamihan ng mga kandidato para sa matagumpay na pagpasa sa exam na ito.

Video: CTTO

Episode 6 Quote:

“Kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo.” – Chairman Netero

Lessons Learned

Sa episode 6 na ito nasabi ni Chairman Netero ang katagang, “kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo”. Maaari tayong makakuha ng aral sa mga sinabi n’yang ito. Kung minsan talaga hindi naman lagi tayong nananalo lalo na sa mga labanan, pa-contest, o maging sa hamon ng buhay.

Minsan nakakatanggap din tayo ng pagkatalo. Kaya’t masasabi natin na tama si Chairman Netero na kung minsan talaga ay kailangan nating tanggapin ang ating pagkatalo. Pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan na nating sumuko. Ibig sabihin lang nito na mayroon pang ibang pagkakataon.

Ang pagtanggap kasi ng pagkatalo ay hindi nangangahulugan na dapat na tayong sumuko. Dapat nga ay gawin natin itong inspirasyon para lalo pa nating paghusayan sa susunod at magsanay o mag-aral. Dahil kapag handa na tayo ay darating at darating ang panahon na ang pagtanggap natin sa ating pagkatalo sa ngayon ay masusukliin ng tagumpay sa darating na panahon.

Stock Market – Part 16: The Grading System

Isa rin sa magandang style na pwede nating gawin habang tayo ay nagiinvest sa stock market ay ang “Grading System“. Ito yung sistemang natutunan natin sa school lalo na sa ating mga teachers na sistema kung saan ay binibigyan ka ng grades sa performance mo sa klase.

Photo: CTTO

Sa stock market pwede din nating i-apply ang ganitong sistema. Pwede nating i-grade ang sarili natin sa bawat trading transactions na ginagawa natin sa stock market o yung pagbili at pagbenta natin ng mga stocks. Magandang style din ito kasi nakikita mo ang bawat performance mo sa pagiinvest mo sa stock market.

Pwede mo rin itong maging basehan sa mga susunod mo pang trading trasaction sa hinaharap o kaya naman ay makabuo ka ng sarili mong trading style na aakma sa pagiinvest mo sa stock market. Ang kainaman nito nakikita mo kung pasado ka ba o bagsak para kung sakali sa susunod ay maipasa mo na at makita mo rin kung saan ka nagkamali para sa susunod hindi mo na ulitin ang parehong pagkakamali.

Hindi ba maganda kung nakikita mong nagi-improve ang performance mo at dumating ang time na maging consistent na ang ginagawa mo gamit ang grading system. Makikita mo rin kung kumikita ka ba o nalulugi base sa mga grades na nakukuha mo sa grading system na ito.

Eh paano ba ito ginagawa at paano mo bibigyan ng grade ang sarili mong performance sa pagiinvest mo sa stock market? Maraming style ang ginagamit ng karamihan para sa grading system na ginagawa nila. Dito sisimplehan lang natin para hindi maging kumplikado ang lahat at hindi nakakalito. May mga advance grading system kasi na ginagamit sa pagiinvest sa stock market at yun ay hihimayin na lang natin sa mga susunod na post.

Gawin n’yo lang itong guide kung gusto n’yo at kung makakatulong sa pagiinvest n’yo sa stock market ay pwede din na subukan pero kung hindi naman ay least may mapulot kayong idea na baka magamit n’yo sa inyong sariling style ng pagiinvest sa stock market.

Narito ang sample table para makita natin kung paano nga ba ginagawa ang grading system na ito. Medyo maliit lang ang picture na ito dahil sa haba ng table format pero nilagyan ko ng link para sa mas larger image at para mas makita ng malinaw ang bawat detalye.

Click here to view a larger image

Buy Grade

Ang buy grade ay yung grado o percentage na binibigay natin base sa performance ng pagbili natin ng stocks sa stock market ng specified na araw. Sa pagbili kasi ng stocks mas maganda kung makakabili tayo ng mas malayo sa highest price at mas malapit sa lowest price. Kung makakabili ka kasi sa lower half ng daily trading bar, ang magiging rating mo sa pagbili o yung magiging grade mo ay over 50% which is considered excellent.

Narito ang formula para sa Buy Grade kung paano mako-compute at kung paano natin mabibigyan ng grado ang performance natin sa pagbili ng stocks.

Buy Grade = (B-High – Buy) / (B-High – B-Low)

where: 

Buy Grade = grade/percentage how far you buy from high and near to low

B-High = highest price on the day you bought

Buy = price you bought on that day

B-Low =lowest price on the day you bought

Sell Grade

Ang sell grade naman ay yung grado o percentage na binibigay natin base sa performance ng pagbenta natin ng stocks sa stock market ng specified na araw. Sa pagbenta naman ng stocks mas maganda kung maibebenta natin ito ng mas malayo sa lowest price at mas malapit sa highest price. Kung maibebenta mo kasi ang mga stocks mo sa upper half ng daily trading bar, ang magiging rating mo sa pagbenta o yung magiging grade mo ay over 50% which is considered excellent.

Narito ang formula para sa Sell Grade kung paano mako-compute at kung paano natin mabibigyan ng grado ang performance natin sa pagbenta ng stocks.

Sell Grade = (Sell – S-Low) / (S-High – S-Low)

where: 

Sell Grade = grade/percentage how far you sell from low and near to high

S-High = highest price on the day you sold

Sell = price you sold on that day

S-Low =lowest price on the day you sold

Trade Grade

Ang trade grade naman ay yung kabuuang grado na nakuha natin sa pagbili o pagbenta ng stocks sa stock market o sa madaling salita ang final grade ng ating naging trading trasactions simula sa pagbili ng stocks hanggang sa pagbenta nito.

Dito kinukumpara ang profit/loss mo sa isang trade sa lawak at spread sa pagitan ng mga channel lines sa araw na pumasok ka sa trade. Ang grade above 30% ay masasabi nating isang A-quality grade, kapag 20-30% ay Grade-B, kapag 10-20% ay Grade-C, below 10% naman ay Grade-D at below 0% ay Grade-D.

Narito naman ang formula para sa Trade Grade kung paano mako-compute at kung paano natin mabibigyan ng grado ang performance natin sa kabuuan ng naging trading trasactions natin simula sa pabili hanggang sa pagbenta ng ating stocks.

Trade Grade = (Sell – Buy) / (Up Channel – Down Channel)

where: 

Trade Garde = overall performance/grade for buying and selling

Sell = price you sold on that day

Buy = price you bought on that day

Up / Down Channel = upper / lower daily channel lines on the day you bought

Maraming methods para makabuo ng Up at Down Channel lines at ang pinaka-basic na paggawa nito ay paglalagay ng two lines parallel sa slow moving EMA. Kadalasan ginagamit para sa Up Channel at Down Channel ay ang ±5% ng slow moving EMA. Yung iba ginagawang ±10% para mas malawak ang sakop sa pagitang ng mga channels. Meron naman na gumagamit lang ng simpleng Support at Resistance levels lang para gawing up at down channels nila.

Pero ang pinaka-gamitin sa lahat ay ang Keltner Channels dahil ito ay base sa konsepto ng ATR o Average True Range na sumusukat ng sensitiveness ng stock’s volatility. Ang mga channels na ito ay mas ipapaliwanag natin ng maigi sa mga susunod na post para sa mas malinaw na pagunawa.

Sa table kanina ay makikita ninyo ang grade na 78% para sa Buy Grade na ang ibig sabihin ay nakabili s’ya ng mas malapit sa lowest price ng araw na iyon. Sa Sell Grade naman ay nakakuha s’ya ng markang 60% which mean na malapit din sa highest price ang pagbenta. Sa kabuuan, lumabas na 42% ang naging Trade Grade which is equivalent para sa isang Grade-A o excellent.

Sana’y makatulong ang grading system na ito para mas lalo n’yo pang pagaralan ang pagiinvest sa mundo ng stock market. Gawin n’yo lang itong guide kasama ng iba pang parameters at kung sakaling makakatulong sa sariling style n’yo ay mas maganda kung maiimprove n’yo pa ang sistemang ito.

Nawa’y may nakuha kayong idea at may natutunan sa pagbahagi ko ng aking kaalaman, mga natutunan o experience sa pagiinvest sa stock market. Malaking tulong ito para lalo pa nating ma-improve ang sarili nating sistema at mapalago pang lalo ang ating mga investment sa hinaharap.

Hunter X Hunter – Episode 5: Hisoka – Ang Tuso

Overview

Sa Episode 5 namang ito ng Hunter X Hunter na may pinamagatang Hisoka – Ang Tuso, ipagpapatuloy ang Phase 1 ng Hunter exam. Pagtapos nila sa mahaba at makitid na yungib ay 368 na lang ang natira mula sa 405 na aplikante.

Dito sa Numere Wetlands o kilala sa pangalang Swindlers’ Swamp naman ang susunod na lugar sa pagpapatuloy ng phase 1 hunter exam kung saan ang lugar na puno ng mga kakaibang nilikha at mababangis na hayop.

Dito rin ipapakita ang katauhan ni Hisoka lalo na ang kakayahan n’ya sa pakikipaglaban. Magsasagupa din sa unang pagkakataon sina Gon at Hisoka kasama sina Leorio at Kurapika. Ipapamalas ni Gon kung gaano n’ya pinapahalagahan ang kanyang mga matatalik na kaibigan sa pagsagip n’ya kay Leorio laban sa tusong si Hisoka.

Video: CTTO

Episode 5 Quote:

“Ang saya talaga kapag may mga kaibigan ka.” – Hisoka

Lessons Learned

Ano nga ba ang pwede nating matutunan sa sinabi ni Hisoka at ang mga pangyayari kung bakit n’ya nasabi ang mga katagang iyon. Kung napanood mo ang kabuuan ng episode na ito ay masasabi mo kung gaano kahalaga kay Gon ang isang kaibigan ng sagipin n’ya si Leorio mula sa kamay ni Hisoka.

Binalikan n’ya ang kanyang mga kaibigan dahil alam n’ya na kailangan s’ya ng mga ito. Dito ay may mapupulot tayong aral kung paano natin dapat pahalagahan ang ating mga kaibigan pati ang pagkakaibigan. Kaya naman nakuha n’ya ang paghanga ni Hisoka at nasabi nitong pasado silang dalawa para maging Hunter para sa kanya.

Totoong napakasarap magkaroon ng mga kaibigan lalo na’t may mga kulitan at saya na dulot ng inyong pagkakaibigan. Kadalasan sa mga kaibigan tayo humuhugot ng lakas dahil kadalasan sila ang madalas nating kasama sa araw-araw. Sila rin ang nagpapasaya sa atin kaya naman sila rin ang pinagkakatiwalaan natin.