Singapore Tour – Part 15A: Madame Tussauds Wax Museum (World Leaders)

Ang Madame Tussauds na siguro ang pinaka-dinarayo ng karamihan ng mga turista sa Singapore. Kahit pa medyo may kamahalan ang bayad dito ay parang hindi ito mahulugang karayom sa dami ng mga nagpupunta dito mapa-turista man o lokal.

Likha ito ni Anna Maria “Marie” Tussauds, isang French artist na kilala sa kanyang mga wax sculptures noon pang taong 1835 sa London. Sa ngayon meron ng 21 Madame Tussauds wax museum sa buong mundo at anim sa mga ito ang nasa USA.

Inagahan namin ang pagpunta dito para wala pang masyadong maraming tao kaya nakakapagpa-picture kami ng maayos sa bawat life size wax figures sa part na ito ng aming tour dito sa Singapore kung saan makikita n’yo ang mga World Leaders ng iba’t ibang bansa sa unang bahagi nito.

Prime Minister of Singapore

Lee Hsien Loong

Ipinanganak noong February 10, 1952, si Lee Hsien Loong ang Prime Minister ng Singapore ngayon simula nung manalo s’ya ng tatlong beses ng taong 2006, 2011 at 2015 election. Alam n’yo ba na s’ya pala ang panganay na anak ng unang Prime Minister ng Singapore na si Lee Kuan Yew? Nasa dugo pala talaga nila ang pagiging isang pulitiko.

First President of the Republic of Singapore

Yusof Ishak

Si Yusof Ishak naman na ipinanganak noong August 12, 1910 ang kauna-unahang President ng Singapore at nagsilbi mula taong 1965 hanggang 1970. S’ya ang masigasig na nagsulong ng multiculturalism at naghikayat sa iba’t ibang lahi para mapanumbalik ang tiwala at kumpiyansa noong panahon na ang bansang Singapore ay nagkakawatak-watak dahil sa racial conflicts.

First President of Indonesia

Sukarno

Si Sikarno naman ang kauna-unahang President ng Indonesia na ipinanganak noong June 6, 1901 at nagsilbi sa kanyang bansa simula 1945 hanggang 1967. Si Sukarno ang isa sa mga namuno para makamit ng Indonesia ang kanilang independence mula sa Dutch Empire noong August 17, 1945 at s’ya nga ang nai-appoint bilang kanilang presidente.

Founding Father of the People’s Republic of China (PRC)

Mao Zedong

Ipinanganak noong December 26, 1893, si Mao Zedong na kilala bilang isang Chinese communist revolutionary na naging founding father ng People’s Republic of China o PRC. Namuno bilang isang chairman ng Communist Party of China simula noong taong 1949 hanggang sa kanyang pagkamatay noong taong 1976. S’ya ang isa sa pinaka-importante at influencialna tao sa modern world history dahil sa dami ng mga labanang kayang napagtagumpayan tulad ng Korean War, the Sino-Soviet split, the Vietnam War, at ang rise of Khmer Rouge.

44th President of United States of America (USA)

Barack Hussein Obama II

Si Barack Obama na ipinanganak naman noong August 4, 1961 na isang American attorney ay naging 44th Presideng ng United States of America at nanungkulan noong taong 2009 hanggang 2017. S’ya ang kauna-unahang African American na nanalo bilang isang presidente.

President of Indonesia

Joko Widodo

Si Joko Widodo naman na ipinanganak noong June 21, 1961 ang naging 7th President ng Indonesia na nagsimulang manungkulan simula pa noong 2014 at magpahanggang ngayon. S’ya ang kauna-unahang presidente na na-elect na hindi nagmula sa mga elite political clan o kaya naman ay yung may mga military background.

First Prime Minister of Singapore

Lee Kuan Yew and wife Kwa Geok Choo

Si Lee Kuan Yew naman na ipinanganak noong September 16, 1923 ang kauna-unahang Prime Minister ng Singapore na nanungkulan sa loob ng tatlong dekada. Kinilala s’ya bilang Nation’s Founding Father dahil sa pagdadala n’yasa bansang Singapore from 3rd World Country patungo sa 1st World Country dahil sa kanyang matagumpay na panunungkulan.

Indian Lawyer who lead India’s Independence from British Rule

Mahatma Gandhi

Si Mohandas Karamchand Gandhio mas kilala sa pangalang Mahatma Gandhi ay ipinanganak noong October 2, 1869 ay isang Indian lawyer na nakilala sa buong mundo sa matagumpay na nonviolent resistance para makamit ng India ang kanilang independence mula sa pamumuno ng mga Briton.

Prime Minister of India

Narendra Modi

Si Narendra Modi naman na ipinanganak noong September 17, 1950 ang ika-14 at kasalukuyang Prime Minister ng India simula pa noong 2014. S’ya ang kauna-unahang prime minister outside ng Indian National Congress na nanalo ng dalawang magkasunod na termino ng full majority at ikalawa sa nakakumpleto ng limang taong termino sa posisyon.

Former President of South Africa

Nelson Mandela

Ito naman si Nelson Mandela na isang South African anti-apartheid revolutionary, political leader at philanthropist na nagsilbi bilang President ng South Africa mula taong 1994 hangang 1999. Ipinanganak noong July 18, 1918, si Nelson Mandela ang kauna-unahang Black President ng South Africa at nanalo ng Nobel Peace Prize Award noong 1993.

President of the People’s Republic of China (PRC)

Xi Jinping and First Lady Peng Liyuan

Si Xi Jinping naman ang kasalukuyang President ng People’s Republic of China na ipinanganak noong June 15, 1953. Kilala si Xi Jinping bilang isang most powerful Chinese leader since Chairman Mao Zedong pero alam n’yo bang s’ya ay nakatira lamang sa cave sa isang village sa Liangjiahe noong s’ya ay teenager pa at nagtrabaho bilang isang party secretary.

Queen of the United Kingdom

Queen Elizabeth II

Si Queen Elizabeth II o Elizabeth Alexandra Mary Windsor sa tunay na pangalan ay ipinanganak noong April 21, 1926 na ngayon ay reyna ng United Kingdom at iba pang Commonwealth realms. S’ya ang longest reigning monarch in British history na naging reyna for the past 67 years at magpahanggang ngayon.

Magandang pumunta dito dahil para mo na ring nakita at nakasama ang mga World Leaders dahil kamukhang-kamukha nila ang kanilang mga life size wax figures at dahil nilagyan nila ng magagandang background scene ay maaaliw ka sa pagpunta at papamamasyal mo dito sa Madame Tussauds.

Ito ang unang bahagi sa apat na parte ng pasyal namin dito sa Madame Tussauds at marami pang mga susunod na wax figures kayong makikita sa mga darating na posts.

Sana’y masubaybayan ninyo ang mga susunod na post dahil marami pang sikat na taong gawa sa wax ang makakasama ko sa mga pictures. Ito na ang mga huling parte ng aming tour dito sa bansang Singapore at nalalapit na ang pagtatapos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.