Stock Market – Part 15: The Moving Average

Ano nga ba itong “Moving Average” na tinatawag sa mundo ng stock market? Bakit kailangan natin itong matutunan, alamin at gamitin habang nagiinvest tayo sa market na ito. Ano ba ang gamit nito at paano ito makakatulong sa atin sa pagiinvest natin sa stock market?

Ang Moving Average ay isa sa mga importanteng indicator o tagapahiwatig na ginagamit sa pag-analyze o pagaaral sa magiging galaw ng isang stock. Maraming klase ng moving average ang ginagamit sa stock market pero dito ay magpo-focus lang muna tayo sa dalawa sa pinaka-gamitin ng maraming nag-iinvest sa market na ito. Yung ibang klase ng moving average ay tatalakayin natin sa mga susunod na post sa mas advance na technical analysis na ating gagawin sa mga darating na araw.

Mahalagang malaman natin ito dahil isa sa mga gamit ng moving average ay para malaman natin kung saang direction patungo ang magiging price ng isang stock at ang magiging galaw sa market ng binabantayan nating stocks o kung anong stocks meron tayo sa ating portfolio.

Nakakatulong din ito para malaman natin ang support and resistance levels ng isang stock. Isa rin sa malaking maitutulong nito sa atin ay ang tamang pagpasok at paglabas sa isang stock o sabihin na nating ang tamang timing ng pagbili at pagbenta ng mga stocks.

Simple Moving Average (SMA)

Una at ang pinaka-simpleng uri ng moving average ay ang tinatawag na “Simple Moving Average (SMA)”. Sa pagiging simple nito kadalasan ay tinatawag na lang itong moving average (MA). Kaya ang madalas na makikita mo sa mga technical data ay (MA) na lang. Ito yung simpleng pagko-compute ng average gamit ang closing price ng stock sa loob ng specified na mga araw. Narito ang formula para sa simple moving average para sa inyong guide:

Narito ang sample computation para maging guide kung paano ito nakukuha:

Sample Computation for SMA5 or MA5:

Closing Prices: 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27

First day of SMA5: (21 + 22 + 23 + 24 + 25) / 5 = 23

Second day of SMA5: (22 + 23 + 24 + 25 + 26) / 5 = 24

Third day of SMA5: (23 + 24 + 25 + 26 + 27) / 5 = 25

Exponential Moving Average (EMA)

Ang Exponential Moving Average o yung tinatawag na EMA ay yung mas matimbang na moving average kung saan mas binibigyang halaga at importansya ang mas latest na paggalaw ng presyo ng isang stock. Kasabay ng MA, ang EMA ang isa din sa mga mahahalagang indicators na ginagamit para sa technical analysis sa pagiinvest sa stock market. Ang kaibahan lang mas nagiging mas accurate ang EMA kesa sa MA dahil sa mas nire-represent ng EMA ang mga recent price action o movement. Narito ang formula para sa exponential moving average para sa inyong guide:

Ang smoothing naman na makikita sa computation ng EMA sa simpleng salita ay ang nagkikinis at nagpupulido para mabawasan ang epekto ng volatility sa presyo o galaw ng isang stock at ito rin ang dahilan kung bakit ang tawag sa kanya ay smoothing. Ang idea kung bakit ginagamit ang smoothing ay para mas ma-identify ang simpleng pagbabago para mas lalong makita ang trend o pattern na susundan n’ya. Kadalasan sa paguumpisa ay ginagamit muna ang previous simple moving average para maging starting point para sa EMA value kung wala ka pang data at ang iba naman ay ang previous closing price ang ginagamit.Narito ang sample computation para maging guide kung paano ito nakukuha:

Sample Computation for EMA5:

Closing Prices: 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27

SMA5 = 23 (use for EMA5 yesterday)

Vt = 26 (value on 06-Dec-2019)

smoothing (s) = [2/(5+1)] =  0.3333

EMA5 = 26 x [0.3333/(5+1)]+23x[1-(0.3333/(5+1))] = 23.17

DatePriceSMA5SmoothingEMA5
01-Dec-201821   
02-Dec-201822   
03-Dec-201823   
04-Dec-201824   
05-Dec-20182523.00 23.00
06-Dec-20182624.000.333323.17

Ngayong alam na natin ang Simple Moving Average at Exponential Moving Average, paano ba natin ito maia-apply o magagamit at makakatulong sa ating pagiinvest sa stock market ang mga moving average na ito? Kapag ang moving average ay nai-plot sa isang candlestick chart, ganito kadalasan ang nagiging itsura n’ya na parang sumasabay sa agos o direksyon ng mga presyo ng isang stock.

Sa chart na ito makikita natin na kapag ang presyo ng stock ay nasa uptrend condition, ang mga candlesticks o presyo nito ay nasa ibabaw ng moving average line. Kapag naman ang presyo ng stock ay nasa downtrend condition, ang mga candlesticks o presyo nito ay nasa ilalim naman ng moving average line.

Pansinin n’yo din yung price cross the EMA na from below to above at yung from above to below. Makikita mo na ang moving average ay nagsisignify din o nagpapakita kung kelan ka dapat pumasok o sa simpleng salita ay bumili ng isang stock at kung kelan ka dapat mag-exit o magbenta ng stock.

Ibig sabihin nito, kung bumili ka at ginawa mong entry point ang price cross the EMA na from below to above na isang signal of rise at nagbenta ka o ginawa mo namang exit point ang price cross the EMA na from above to below na isang signal of decline ay kumita ka na. Nauulit lang naman talaga ang ganitong senaryo kaya kailangan mo lang talagang magantay sa right timing gamit ang mga indicators. Kaya nga sa stock market ay applicable ang kasabihang:

Gaya din ng nasabi natin kanina, ang moving average ay nakakatulong din para makita mo ang support at resistance level ng isang stock. Makikita sa chart na during downtrend, ang moving average ay nagagamit as resistance at kung uptrend condition naman ay nagagamit bilang support. Ganito kahalaga ang mga moving average kaya naman halos lahat ay gumagamit nito para maging indicators sa magiging galaw at trend ng stocks sa stock market.

Ngayon subukan nating i-apply ito sa isa sa mga stocks sa Philipppine Stock Market tulad ng Jolllibee Foods Corp o JFC. Makikita na halos pareho din ang sitwasyon. Kapag downtrend ang mga presyo ay nasa ibaba ng moving average line at kapag uptrend naman ay nasa ibabaw ng moving average line. Ang ganitong senaryo ay applicable sa halos lahat ng mga stocks kaya naman gamit na gamit ang moving average para maging indicators para malaman ang magiging galaw at trending ng isang stock.

Sana’y nakatulong ang topic na ito para mas lalo n’yo pang maintindihan ang tungkol sa moving average. Gawin ninyo itong guide sa inyong pagiinvest sa stock market at kasabay ng iba pang mga indicators at siguradong malaki ang magiging improvement ng inyong mga investment sa tulong ng moving average.

Sana’y may napulot kayong mga idea sa pagdaan ninyo dito sa aking blog at nawa’y magamit ninyo ang ibang natutunan para mas lalo pang pagaralan ang pagiinvest sa stock market.

Singapore Tour – Part 15B: Madame Tussauds Wax Museum (Sports Celebrities)

Narito ang ikalawang yugto ng pagiikot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum sa Singapore. Sa parteng ito naman ay makikita natin ang mga wax figures ng ilan sa mga sikat sa larangan ng sports sa buong mundo.

Cristiano Ronaldo

Unahin na natin syempre ang gwapong-gwapong si Cristiano Ronaldo. Ipinanganak noong February 5, 1985 sa Madeira, Portugal, si Cristiano Ronaldo ay isang professional football player na naglalaro sa koponang Juventus.

Sumikat s’ya at nakilala bilang isang best player in the world at one of the greatest players of all time sa larangan ng football. Isang magaling na goal scorer, siya ang may hawak ng record for most goals scored sa UEFA Champions League na may 127 goals.

David Beckham

Ito naman si David Robert Joseph Beckham o David Beckham ay ipinanganak noong May 2, 1975 sa London, England at isang rin sa mga sikat ng football player sa kanyang kapanahunan.

Naglaro s’ya sa mga koponan na tulad ng Manchester United, Preston North End, Real Madrid, Milan, LA Galaxy, Paris Saint-Germain at sa England national team. Si David Beckham ang kauna-unahang English player na nanalo ng mga league titles para sa apat na iba’t ibang bansa tulad ng England, Spain, United States at France.

Muhammad Ali

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa taong ito na katabi ko. Walang iba kundi si Cassius Marcellus Clay Jr. o mas kilala sa pangalang Muhammad Ali. Ipinanganak noong January 17, 1942 sa Louisville, Kentucky, USA, si Muhammad Ali ay isang American professional boxer, activist at philanthropist.

S’ya na ata ang pinaka-popular na sport figures sa buong mundo at isa sa mga greatest boxers of all time. Mula sa pangalang Cassius Marcellus Clay Jr. ay naging Muhammad Ali ang kanyang pangalan simula ng mag-convert s’ya into Islam religion at maging Muslim.

Sachin Tendulkar

Ito naman si Sachin Ramesh Tendulkar, isang Indian international cricket player na ipinanganak noong April 24, 1973 sa Mumbai, India. S’ya ang tinaguriang one of the greatest batsmen in the history of cricket at s’ya rin ang highest run scorer of all time sa international cricket.

Nakilala din s’ya bilang kaisa-isang player na naka-kumpleto ng mahigit 30,000 runs sa international cricket.

Serena Williams

Si Serena Jameka Williams naman ay isang American professional tennis player na ipinanganak noong September 26, 1981 sa Palm Beach Gardens, Florida, USA. S’ya ang former world No. 1 player at ay hawak ng most Grand Slam titles in singles, doubles at mixed doubles combined. S’ya rin ang highest paid female athlete noong taong 2016 na may kinitang almost $29 million in price money at endorsements.

Tiger Woods

Wala na yatang sisikat pa sa one of the greatest American golfers at one of the most famous athletes of all time na si Eldrick Tont Woods o mas kilala sa nickname na Tiger Woods. S’ya ay ipinanganak noong December 30, 1975 sa Cypress, California, USA.

Noong taong 1996, sa edad na 20 years old ay naging professional golfer na si Tiger Woods at hindi pa man lumalagpas ang isang taon mula ng maging pro s’ya ay naabot n’ya na ang number one in the world rankings noong June 1997. Pinarangalan din s’ya bilang PGA Player of the Year sa record na labing-isang beses.

Yao Ming

Si Yao Ming na isa na ngayong Chinese basketball executive at retired professional basketball player ay ipinanganak noong September 12, 1980 sa Shanghai, China. Naglaro s’ya para sa koponan ng Shanghai Sharks sa Chinese Basketball Association o CBA at sa Houston Rockets naman ng sikat na National Basketball Association o NBA.

Sa taas n’yang 7 feet 6 inches, s’ya ang pinakamataas na manlalaro noong panahon ng kanyang final season. Si Yao Ming ang kaisa-isang international player na first overall pick sa NBA draft na hindi naglaro sa alin mang college basketball team sa US.

Ito ang ikalawang yugto sa part 15 ng aming paggala dito sa Madame Tussauds Wax Museum sa bansang Singapore. Sobrang kay gandang pagmasdan ang mga sikat na manlalaro sa larangan ng sports kahit pa sila ay mga wax figures lamang.

Sana’y subaybayan n’yo pa ang aming pagiikot dito sa loob ng Madame Tussauds dahil marami pang mga sikat na wax figures ang makikita sa mga susunod na yugto na aking ipopost sa mga susunod na araw.