Singapore Tour – Part 15C: Madame Tussauds Wax Museum (Music Icons)

Narito naman ang ikatlong yugto ng aming paglilibot dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum sa bansang Singapore. Sa part na ito makikita ang iba’t ibang Music Icon wax figures ng mga sikat at kilalang tao sa mundo ng musika.

Beyoncé

Unahin na natin si Beyoncé o Beyoncé Giselle Knowles-Carter sa buong pangalan. Ipinanganak noong September 4, 1981 sa Houston, Texas, USA na isang American singer, songwriter at actress. Sumikat si Beyoncé noong late 1990 bilang lead singer ng grupong Destiny’s Child na isa sa mga best-selling girl group of all time.

Lumabas din s’ya sa mga pelikula tulad ng US box-office number one film noong 2002 na Austin Powers in Goldmember, The Pink Panther, Dreamgirls noong 2006 at Obsessed noong 2009. Si Beyoncé ang isa sa world’s best selling music artist na nakapagbenta ng 100 million records worldwide.

DJ Armin Van Buuren

Si Armin Jozef Jacobus Daniël van Buuren o mas kilala sa pangalang DJ Armin Van Buuren ay ipinanganak noong December 25, 1976 sa Leiden, Netherlands. S’ya ay isang Dutch DJ, record producer at remixer na host ng weekly radio show na A State of Trance kung saan mayroong 40 million listeners sa 84 countries na may 100 FM radio stations.

Sumikat noong 2014 ng ma-nominate s’ya sa Grammy Award for Best Dance Recording para sa kanyang single na “This Is What It Feels Like”. S’ya rin ang may hawak ng record for most entries na may kabuuang 21 entries sa Billboard Dance/Electronic Albums chart.

K-Pop Nichkhun

Si Nichkhun Buck Horvejkul ay isang Thai American singer, songwriter, rapper, actor at model na ipinanganak noong June 24, 1988 sa California, USA. Nakabase ngayon si Nichkhun sa South Korea at miyembro ng South Korean boyband na 2PM.

Galing sa may kayang pamilya kaya nabansagang “Thai Prince in South Korea”, si Nichkhun ay nasimulang makilala bilang miyembro ng sikat na grupong 2PM noong taong 2008.

Suzy

Si Bae Su-ji o Bae Suzy naman ay isang South Korean actress at singer ng sikat na girl group na Miss A. Ipinanganak noong October 10, 1994 sa Gwangju, South Korea, si Suzy ay nakilala rin at sumikat sa pagganap n’ya sa television series na Dream High noong 2011 at Gu Family Book noong 2013.

S’ya rin ay naging host ng mga events tulad ng Seoul Music Awards, Golden Disc Awards, at Mnet 20’s Choice Awards kung saan nanalo s’ya ng award under the category na “Hot New Star of 2011”.

Katy Perry and Tailor Swift

Katy Perry

Si Katy Perry naman o Katheryn Elizabeth Hudson sa tunay na buhay ay ipinanganak noong October 25, 1984 sa California, USA. Isang American singer, song writer at television personality, si Katy Perry ay sumikat at nakilala noong 2008 sa kanyang album na “One of the Boys” kung saan lumikha ng kontrobersiya dahil sa tema nitong lesbianism.

Isa s’ya sa highest-earning women in music ng sikat na Forbes list simula taong 2011 hanggang 2018. Marami din s’yang natanggap na mga awards at ang ilan sa mga ito ay mula sa Guiness World Records, lima sa American Music Awards, sa Brit Awards at sa Juno Awards. Nakasama din s’ya sa mga pelikula tulad ng The Smurfs noong 2011 at mga sequel nito noong 2013. Ngayon nga ay isa rin s’ya sa mga judge ng sikat na music talent show na American Idol.

Tailor Swift

Si Taylor Alison Swift na ipinanganak noong December 13, 1989 sa Pennsylvania, USA ay isang American singer-songwriter at nakilala sa kanyang mga narrative songs patungkol sa kanyang buhay. S’ya ang pinakabatang artist sa edad na 14 years old na pumirma ng kontrata sa Sony/ATV Music publishing house.

Isa si Taylor Swift sa best-selling music artist of all time na nakapag-benta ng mahigit 50 million albums at 150 million singles. Nanalo din s’ya ng 10 Grammy Awards, isang Emmy Awards, at 6 na Guinness World Records.

Lady Gaga

Si Lady Gaga o Stefani Joanne Angelina Germanotta sa totoong buhay ay ipinanganak noong March 28, 1986 sa New York, USA. S’ya ay isang American singer, songwriter at actress na nakilala sa kanyang unconventionality, provocative work at visual experimentation. S’ya ang kumanta ng chart-topping single na “Poker Face” na nagpasikat sa kanya sa larangan ng musika.

Nakilala din s’ya sa kanyang pagiging philanthropy at social activism kung saan ang isa sa mga pinaglaban n’ya ay ang LGBT rights. Humakot din ng maraming awards at nakabenta ng 27 million albums at 146 million singles. Isa rin s’ya sa world’s best-selling music artist.

One Direction

Ang One Direction na kinabibilangan nina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles, Louis Tomlinson at former member Zayn Malik ay isang English-Irish pop boy band group na nabuo sa England noong taong 2010. Sila ang grupong nabuo at unang pumirma ng kontrata sa Syco Records na record company ni Simon Cowell.

Ang grupo ay nagwagi ng halos 200 awards kasama na ang 7 Brit Awards, 4 MTV Video Music Awards, 6 Billboard Music Awards, 7 Ameican Music Awards at 28 Teen Choice Awards. Sila rin ang second highest-earning  celebrities under 30 ayon sa Forbes na kumita ng halos 75 million dollars noong 2013.

Madonna

Si Madonna Louise Cicconeo mas kilala bilang Madonna ay ipinanganak noong August 16, 1958 sa Michigan, USA. Isang American singer, song-writer, actress at businesswoman si Madonna ang binansagang “Queen of Pop” dahil sa kakaibang image na pinapakita niya onstage at sa mga music videos n’ya .

Lumabas din s’ya sa maraming pelikula tulad ng Evita na nagpanalo sa kanya bilang best actress sa Golden Globe Awards. S’ya rin ang best-selling female recording artist of all time ng Guinness World Records na nakapagbenta ng mahigit 300 million records worldwide. Ang kanya namang mga concerts ay kumita ng pinagsamang halaga na aabot sa 1.4 Billion US dollars at dahil dito s’ya ang naging highest-grossing solo touring artist of all time.

Elvis Presley

Ang legendary namang si Elvis Aaron Presley ay ipinanganak noong January 8, 1935 sa Mississippi, USA. Kilala bilang “King of Rock and Roll”, si Elvis na siguro ang isa sa most significant culture icon ng 20th century. Ang kanyang energized interpretation ng kanyang mga kanta at sexually provocative style ang nagpasikat sa kanya at makilala ang country music at rhythm and blues sa buong mundo.

S’ya ang best-selling solo artist sa history ng recorded music at naging matagumpay sa maraming genres tulad ng pop, country, blues, at gospel music. S’ya rin ang may hawak ng mga records for most gold albums na 117, most platinum albums na 67 at most multi-platinum albums na 27.

Michael Jackson

Isa na siguro sa di malilimutang music icon si Michael Joseph Jackson na ipinanganak noong August 29, 1958 sa Indiana, USA. Si Michael Jackson ay isang American singer, songwriter at dancer na kilala bilang “King of Pop”. S’ya na ata ang isa sa most significant cultural figures ng 20th century at one of the greatest entertainer in the history of music.

Bata pa lang ay sikat na si Michael Jackson na kilalang miyembro ng sikat na grupong Jackson 5 na kinabibilangan ng kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Jackie, Tito, Jermaine at Marlon. S’ya ang isa sa best-selling music artist of all time at humakot ng di na mabilang na mga awards noong panahon n’ya. Dahil nga sa pagiging total performer ni Michael Jackson ay malaki ang naging impluwensya n’ya sa music industry magpahanggang ngayon kahit na s’ya ay pumanaw na. Alam n’yo rin ba na kahit ngayong taong 2019, ang Forbes ay kinikilala si Michael Jackson bilang top-earning dead celebrity kada taon simula nung mamatay s’ya maliban noong 2012.

Ito ang ikatlong yugto ng pagiikot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum sa bansang Singapore at sobrang nakatutuwang pagmasdan ang mga wax figures ng ilan sa mga sikat na music icon sa buong mundo.

Sana’y naaliw kayo sa mga nakita ninyo kahit sa litrato man lang at subaybayan n’yo sa mga susunod kong post ang pinakahuling yugto ng aming tour dito sa Singapore, ang huli at ikaapat na bahagi ng aming paglilibot dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.