Hunter X Hunter – Episode 6: Nakakagulat na Pagsubok

Overview

Sa episode 6 ng Hunter X Hunter na pinamagatang “Nakakagulat na Pagsubok” magtatapos ang phase 1 ng hunter exam at ihahatid ni ginoong Satotz ang natirang 50 aplikante sa phase 2 ng exam. Dito na magsisimula ang phase 2 ng exam at sina Menchie at Buhara ang magsisilbing mga examiner sa phase na ito na gaganapin sa Biska Forest Park.

Dito susubukin ang kaalaman nila sa pagluluto gamit ang baboy bilang pangunahing sangkap na kanila pang huhulihin sa kagubatan. Dito na rin unang lalabas ang katauhan ni Chairman Netero, ang chairman ng selection committee para sa hunter exam. Napilitang magpakita si Netero dahil binagsak ni Mechie ang lahat ng mga aplikante dahilan upang ulitin sa ibang paraan ang exam.

Ang paglaga ng itlog ng spider eagles na makikita lamang sa split mountain ang naisip ni Menchie na magiging kapalit na pagsubok para sa mga aplikante. Sa pagkakataong ito ay kasama na si Mechie sa mga susubok sa exam na ito para maging patas ang lahat. Nang makita at malaman ni Gon kung paano nakuha ni Menchi ang itlog ay pinangunahan n’ya ang karamihan ng mga kandidato para sa matagumpay na pagpasa sa exam na ito.

Video: CTTO

Episode 6 Quote:

“Kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo.” – Chairman Netero

Lessons Learned

Sa episode 6 na ito nasabi ni Chairman Netero ang katagang, “kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo”. Maaari tayong makakuha ng aral sa mga sinabi n’yang ito. Kung minsan talaga hindi naman lagi tayong nananalo lalo na sa mga labanan, pa-contest, o maging sa hamon ng buhay.

Minsan nakakatanggap din tayo ng pagkatalo. Kaya’t masasabi natin na tama si Chairman Netero na kung minsan talaga ay kailangan nating tanggapin ang ating pagkatalo. Pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan na nating sumuko. Ibig sabihin lang nito na mayroon pang ibang pagkakataon.

Ang pagtanggap kasi ng pagkatalo ay hindi nangangahulugan na dapat na tayong sumuko. Dapat nga ay gawin natin itong inspirasyon para lalo pa nating paghusayan sa susunod at magsanay o mag-aral. Dahil kapag handa na tayo ay darating at darating ang panahon na ang pagtanggap natin sa ating pagkatalo sa ngayon ay masusukliin ng tagumpay sa darating na panahon.