Vlog1 – Singapore Tour: Departure from Manila

Stock Market – Part 17: The Relative Strength Index (RSI)

Ang “Relative Strength Index” o RSI in short sa mundo ng stock market ay isang technical indicator na sumusukat sa lakas ng pagbabago sa mga recent prices ng isang stock o ibang asset para makita natin kung nagiging overbought o oversold na ba ang kanyang kundisyon sa ngayon.

Ito ay original na binuo ni J. Welles Wilder Jr. at ipinakilala noong pang 1978 sa kanyang libro na pinamagatang “New Concepts in Technical Trading Systems”. Lumabas din ito sa isang sikat na magazine na “Commodities” noong June 1978 issue. Sa ngayon nga ay isa ito sa mga pinakasikat at pinakagamiting indicators sa mga technical analysis sa pagiinvest sa stock market.

Kina-classify na isang momentum oscillator (ang oscillator ay isang line graph na gumagalaw sa pagitan ng dalawang hangganan), sinusukat ng RSI ang bilis at lakas ng direksyon ng paggalaw ng mga presyo ng isang stock sa stock market. Ang hangganan na ginagamit sa RSI ay sa pagitan ng 0 to 100 at kadalasang ginagamit ang 14-day timeframe para sa pag-compute nito.

Narito ang formula kung paano nakukuha ang value ng RSI para maging guide ninyo para na rin malaman kung paano ba ito kino-compute o nakukuha.

Relative Strength Index (RSI)

          RSI (n) = 100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

          where

          n = number of days (standard is 14 days period)

          AoG = average of gains for nth period

          AoL = average of losses for nth period

Pero paano ba natin makukuha ang AoG o Average of Gains at AoL o Average of Losses na ito para makuha natin ang RSI? Merong tatlong popular na method ang ginagamit sa stock market sa pagkuha ng RSI, ito ay ang Simple Moving Average (SMA RSI), Exponential Moving Average (EMA RSI) at ang Wilder’s Smoothing Method (WIL RSI). Tingnan nating ang table sa ibaba para makita natin ang isang sample kung paano nakukuha ang RSI gamit ang iba’t-ibang method na ito.

RSI (SMA) – Simple Moving Average Method

Gamit ang simple moving average method, kinukuha lang natin ang average ng gains sa loob ng 14 days period para maging AoG at ang average naman ng losses sa loob ng 14 days period para maging AoL. Yung iba tinatawag itong average up at average down pero pareho din ang ibig sabihin. Narito ang computation kung paano nakuha ang simple moving average RSI.

RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1 + (2.75 / 7.14) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1  + 0.3851540616)]

                        =  100 – [100 / 1.3851540616]

                        =  100 – 72.20

                        =  27.80

RSI (EMA) – Exponential Moving Average Method

Sa exponential moving average RSI naman ay tulad din sa pagko-compute sa EMA ang sistema nito. Ang formula para sa RSI nito ay di rin nalalayo sa SMA ang kaibahan lang ay gumagamit ito ng smoothing at exponential moving average ang gamit at hindi ang simpleng moving average lang. Narito ang formula para sa pagkuha ng smoothing pati na ang formula para sa Average of Gains at Average of Losses gamit ang exponential moving average.

              RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG(t) / AoL(t)) ) ]

             Smoothing (s) = 2 / ( n + 1 )

             AoG(t) = s x G(t) + ( 1 – s ) x AoG(y)

             AoL(t) = s x L(t) + ( 1 – s ) x AoL(y)

where:

               s  = smoothing

               n = number of days (standard is 14 days period)

              AoG(t) = average of gains today      

              AoL(t) = average of losses today

              G(t) = gain today

              L(t) = loss today

              AoG(y) = average of gains yesterday/previous trading day

              AoL(y) = average of losse yesterday/previous trading day

RSI (WIL) – Wilder’s Smoothing Method

Hango sa pangalan ng bumuo ng RSI na si J. Welles Wilder Jr., ang Wilder’s Smoothing Method ay parehong formula din and ginagamit kung paano nakukuha ang EMA RSI. Ang tanging kaibahan lang ay ang smoothing formula na ginagamit. Narito naman ang smoothing formula para sa WIL RSI.

Smoothing (s) = 1 / n

Overbought / Overvalued

Ipinalalagay na kapag ang values ng RSI ay 70 or above, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging overbought o overvalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagbaba ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang overbought ay isang implikasyon na sa dami ng bumibili ng stock na iyon ay naitulak o naiangat na ang presyo nito sa napakataas n’yang limit dahilan upang magkaroon ng price pullback.

Photo: CTTO

Oversold / Undervalued

Sa kabilang banda, kapag ang values ng RSI ay 30 or below, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging oversold o undervalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagtaas ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang oversold ay isang implikasyon na sa dami ng nagbebenta ng stock na iyon ay naitulak o naibaba na ang presyo nito sa napakababang limit dahilan upang magkaroon ng price bounce.

Narito ang sample ng RSI kapag nai-plot s’ya sa isang chart.

Isa sa mga importanteng indicators pagdating sa pag-iinvest sa stock market ang RSI, kaya naman isa ito sa pinakasikat at pinakagamitin ng mga nagiinvest pati na ng mga market analyst para sa technical analysis. Malaking tulong na malaman natin ito at malaman ang gamit nito para na rin mapalago ang ating mga investments sa stock market.

Nawa’y may natutunan kayo sa aking munting paliwag patungkol sa Relative Strength Index. Gamitin ninyo itong guide para mas lalo pang pagaralan ang tungkol sa pagiinvest sa stock market. Ang tungkol sa RSI ay makikita din sa internet o mapapanood din sa youtube at mababasa din sa maraming libro.

Ginagawa ko lang ito para sa mga hindi pa nakakaalam at dun sa mga napapadaan sa aking blogsite na gustong malaman ang ganitong mga uri ng kaalaman. Pinapaliwanag ko din ito sa simpleng salita na madaling maintindihan kahit na ng simpleng tao para mas lalong maintindihan at sinusulat ko sa sarili nating wika para naman sa mga kapwa ko Pinoy na gustong matutunan ang pagiinvest sa stock market.

Sana’y makatulong ang blogsite kong ito sa mga kapwa ko at kababayan na gustong pasukin ang pagiinvest sa stock market. Umasa kayo na isi-share ko sa abot ng aking makakaya ang lahat ng aking nalalaman, karanasan at natutunan sa pagiinvest sa stock market. Muli maraming salamat sa pagdaan dito sa aking blogsite.