Singapore Tour – Part 15D: Madame Tussauds Wax Museum (TV & Movie/Film Stars)

Narito naman ang ika-apat at huling yugto ng paglilibot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum sa bansang Singapore. Sa part na ito makikita ang mga sikat na TV personalities at Movie/Film Stars wax figures sa mundo ng Showbiz.

Oprah Winfrey (The Oprah Winfrey Show)

Si Oprah Gail Winfrey na ipinanganak noong January 29, 1954 sa Mississippi, USA, ay isang American media executive, actress, talk show host, television producer, at philanthropist. Kilala ng maraming tao sa buong mundo sa kanyang talk show na, The Oprah Winfrey Show, isang broadcast TV talk show sa Chicago, USA na isang highest-rated television program sa history na tumagal ng 25 years mula 1986 hanggang 2011.

Nabansagang “Queen of All Media”, si Oprah ang richest African-American ng 20th Century at itinuturing na most influential woman in the world. S’ya rin ang North America’s first black multi-billionaire at greatest black philanthropist sa history ng America.

Arnold Schwarzenegger (Terminator)

Si Arnold Alois Schwarzenegger na ipinanganak noong July 30, 1947 sa Thal, Allied-occupied Austria, ay isang Austrian-American actor, filmmaker, businessman, author at former professional bodybuilder at politician na nagsilbi bilang 38th Governor ng California mula 2003 hanggang 2011.

Bata pa lang ay nagumpisa na sa lifting weights at body building sa edad na 15 years old si Arnold at sa edad na 20 years old ay napanalunan na n’ya ang titulong Mr. Universe. Nanalo din s’ya sa Mr. Olympia contest ng pitong beses daan para kilalanin s’ya sa mundo ng body building bilang isa sa greatest body builders of all time.

Sumikat din s’ya at nakilala sa buong mundo na isang Hollywood action film icon dahil sa mga box-office hit na pelikula tulad ng Terminator at mga franchises nito. Una naman s’yang na-elect noong October 7, 2003 bilang Governor at nagpatuloy sa kanyang termino hanggang taong 2011.

Audrey Hepburn (Breakfast at Tiffany’s)

Si Audrey Hepburn o Audrey Kathleen Ruston sa totong buhay na ipinanganak noong May 4, 1929 sa Brussels, Belgium, ay isang Bristish actress at humanitarian. Nakilala bilang film at fashion icon, si Audrey ay kinilala bilang third-greatest female screen legend ng Golden Age Hollywood at napasama sa listahan ng International Best Dressed List Hall of Fame.

Sumikat si Audrey Hepburn ng manalo s’ya ng Oscar Award, Golden Globe Award at BAFTA Award for a single performance para sa comedy film na Roman Holiday noong 1953 at sa parehong taon ay napanalunan din n’ya ang Tony Awards para sa Best Lead Actress in a Play para sa pagganap n’ya sa Ondine.

Bruce Lee (Enter the Dragon)

Si Lee Jun-fan o mas kilala sa pangalang Bruce Lee na ipinanganak noong November 27, 1940 sa California, USA ay isang Hong Kong-American actor, director, martial artist, martial arts instructor, at philosopher. S’ya ang kinikilalang most influential martial artist of all time at isang pop culture icon ng 20th century.

Ang pilosopiya n’ya sa iba’t ibang combat discipline at tradisyonal na martial arts ang nagbigay daan upang makilala sa buong mundo ang modernong mixed martial art o MMA sa ngayon. Lumabas din s’ya sa ilang sikat na martial arts films tulad ng Fist of Fury (1972), Way of the Dragon (1972), Enter the Dragon (1973) at The Game of Death (1978).

Daniel Craig (James Bond)

Si Daniel Wroughton Craig naman na ipinanganak noong March 2, 1968 sa Cheshire, England ay isang English actor na nakilala bilang ika-anim na actor na gumanap bilang British Secret Agent 007 sa sikat na pelikulang James Bond at mga film series nito. Tumabo sa takilya ang lahat halos ng James Bond movies na pinagbidahan n’ya kung kaya’t s’ya ang nagkamit ng highest-grossing filmsa buong series ng film na ito.

Bukod sa mga James Bond movies ay lumabas din s’ya sa mga pelikula tulad ng fantasy film na The Golden Compass (2007), historical film na Defiance (2008) at marami pang iba kung saan nakakuha s’ya ng Golden Globe Award nomination para sa  Best Actor ng Motion Picture na Musical or Comedy.

E.T. (Extra-Terrestrial)

Si E.T. naman ay isang character sa isang American science fiction film na ipinalabas noong June 11, 1982 at directed ng sikat na direktor na si Steven Spielberg. Isa itong movie tungkol sa pakikipagsapalaran ni E.T. dito sa earth.

Nabuo si E.T. sa konsepto at malikhaing kaisipan o imahinasyon ni Steven Spielberg pagkatapos na maghiwalay ang kanyang mga magulang noong 1960. Agad itong tumabo sa takilya at naging highest-grossing film of all time na record na kanyang hinawakang sa loob ng 11 years. Ang E.T. ay kinokonsidera bilang one of the greatest films of all time.

Jackie Chan (Drunken Master)

Si Chan Kong-sang o mas kilala sa pangalang Jackie Chan na ipinanganak noong April 7, 1954 ay isang Hong Kong martial artist, actor, film director, producer, stuntman, at singer. Nakilala s’ya sa mundo ng pelikula dahil sa kanyang mala-acrobatic fighting style, comic timing, use of improvised weapons, innovative at dangerous stunt-driven style of martial arts kung saan s’ya mismo ang gumagawa at hindi kumukuha ng ka-double.

Si Jacky Chan ang isa sa most recognisable at influential cinematic personalities sa buong mundo at nakatala ang kanyang pangalan sa sikat na Hollywood Walk of Fame. Isa rin s’yang philanthropist at pinangalanang one of the top 10 most charitable celebrities ng Forbes magazine.

Ilang sa mga sikat na movies na pinagbidahan ni Jackie Chan ay ang Snake in the Eagle’s Shadow (1978), Drunken Master (1978), Rumble in the Bronx (1995), Rush Hour (1998) at marami pang iba na naglagay sa kanya bilang second-highest paid actor in the world noong 2016 na kumita ng US$350 million dollars ayon sa Forbes magazine.

Johnny Depp (Pirates of the Caribbean)

Si John Christopher Depp II na mas kilala bilang Johnny Depp na ipinanganak noong June 9, 1963 ay isang American actor, producer at musician. Isa sa world’s biggest film star sa ngayon, si Johnny Depp ay na-nominate sa 10 Golden Globe Awards, 3 Academy Awards for Best Actor at isa dito ay nanalo s’ya bilang Best Actor sa pagganap n’ya sa pelikulang Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street noong 2008.

Mas lalo s’yang nakilala sa pagganap n’ya sa mga pelikulang Pirates of the Caribbean film series na tumabo sa takilya at kumita ng halos US$4.5 billion dollars. Nakalista din ang pangalan n’ya sa 2012 Guinness World Records bilang world’s highest paid actor. Tumugtog din s’ya ng gitara para sa sikat na bandang Oasis sa kantang Fade In-Out sa album nilang Be Here Now noong 1997.

Leonardo DiCaprio (Titanic)

Si Leonardo Wilhelm DiCaprio na ipinanganak noong November 11, 1974 sa California, USA ay isang American actor, producer at environmentalist na sumikat sa pelikulang Titanic noong 1997, ang highest-grossing film ng mga panahong iyon.

Nakuha ang pangalan n’ya kay Leonardo da Vinci ng minsang sumipa s’ya sa loob ng tyan ng kanyang buntis na ina habang ito ay nakatingin sa mga paintings ni Leonardo da Vinci sa Uffizi museum sa Florence, Italy.

Nanalo ng isang Academy Award at tatlong Golden Globe Awards ang ilan sa kanyang mga karangalan. Sa ngayon nga, ang kanyang mga pelikula ay kumita na ng halos US$ 7.2 billion dollars worldwide, daan upang maluklok s’ya ng walong beses sa annual rankings ng world’s highest-paid actors.

Madame Marie Tussaud (Wax Museum)

Syempre hindi mawawala ang founder ng Madame Tussauds Wax Museum na si Madame Marie Tussaud. Si Anna Maria “Marie” Tussaud na ipinanganak noong December 1, 1761 sa Strasbourg, France ay isang French artist na nakilala sa kanyang mga wax sculptures at wax museum na nagumpisa sa London.

Si Philippe Curtuis na isang doctor at bihasa sa wax modelling, kung saan sila nakitira ng kanyang ina noong mga panahong iyon ang nagturo kay Marie ng art of wax modelling. Dahil sa kanyang ipinamalas na talento at technique ay nakapagtrabaho na s’ya bilang isang artist at yun ang simula para makilala si Madame Tussauds sa buong mundo.

Sa ngayon nga ay sikat at naging popular na itong tourist attraction hindi lang sa London kundi maging sa buong mundo na dinarayo ng maraming turista saan mang panig ng mundo.

Michelle Yeoh (Crouching Tiger, Hidden Dragon)

Si Michelle Yeoh Choo-Kheng na ipinanganak noong August 6, 1962 sa Ipoh, Malaysia ay isang Malaysian actress na nakilala sa kanyang pagganap sa ilan sa mga sikat na pelikula tulad ng James Bond film na Tomorrow Never Dies noong 1997 at martial arts film Crouching Tiger, Hidden Dragon noong 2000 kung saan ipinamalas n’ya ang kayang galing sa sariling mga stunts.

Nanalo din s’ya sa Miss Malaysia pageant noong 1983 sa edad lamang na 20 year old. Kasama din s’ya sa American romantic comedy-drama film na Crazy Rich Asians. Sa isang film-review ng isang website na Rotten Tomatoes ay hinirang s’ya bilang greatest action heroine of all time noong taong 2008. Isa rin s’ya 50 Most Beautiful People in the World na napili ng sikat na magazine na People noong 1997 at nakalista din ang pangalan n’ya sa 35 All-Time Screen Beauties noong 2009, ang natatanging Asian actress na nakapasok na listahan na iyon ng parehong magazine.

Nicole Kidman (Batman Forever)

Si Nicole Mary Kidman naman na ipinanganak noong June 20, 1967 sa Hawaii, USA ay isang Australian-American actress at producer. S’ya ang dating asawa ni Tom Cruise simula noong maghiwalay sila noong taong 2001. Nanalo ng isang Academy Award, dalawang Primetime Emmy Awards at limang Golden Globe Awards, si Nicole Kidman ang isa sa mga highest-paid actresses sa buong mundo noong taong 2006, 2018 at 2019.

Dalawang beses din s’yang pinangalanan ng sikat na Time Magazine bilang isa sa 100 most influential people in the world noong taong 2008 at 2018. Lumabas na s’ya sa napakaraming pelikula tulad ng The Others (2001), Far and Away (1992), Batman Forever (1995), To Die For (1995), Eyes Wide Shut (1999), Cold Mountain (2003), Paddington (2014) at Aquaman (2018).

S’ya rin ay nakilala sa pagiging Goodwill ambasador para sa UNICEF simula pa noong taong 1994 at UNIFEM noon pang taong 2006 pati na ang pag-appoint sa kanya bilang Companion of the Order of Australia.

Tom Cruise (Mission Impossible)

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa gwapong-gwapong si Tom Cruise. Si Thomas Cruise Mapother IV na ipinanganak noong July 3, 1962 sa New York, USA ay isang American actor and film producer. Si Tom Cruise ang isa sa best-paid actors sa buong mundo at isa sa highest-grossing box-office stars of all time.

Sa dami ng kinita n’ya at sa dami ng mga di mabilang na pelikula na nagawa n’ya ay umabot na sa US$10.1 billion dollars ang kinita ng kanyang mga pelikula. Ilan sa kanyang mga sikat na movies ay ang Top Gun (1986), A Few Good Men (1992), Jerry Maguire (1996), The Color of Money (1986), Rain Man (1988), Born on the Fourth of July (1989), Vanilla Sky (2001), Minority Report (2002), The Last Samurai (2003), Collateral (2004), War of the Worlds (2005), Knight and Day (2010), Jack Reacher (2012), Oblivion (2013), Edge of Tomorrow (2014) at ang Mission: Impossible film series mula 1996 hanggang 2018.

Isa si Tom Cruise sa kinilala ng Premiere magazine bilang Hollywood’s most powerful actor at kinilala din ng Forbes magazine bilang world’s most powerful celebrity sa kani-kanilang ranking noong taong 2006. Alam n’yo rin ba na sa Japan ay dineklara ang tinatawag na “Tom Cruise Day” na award ng Japan Memorial Day Association bilang isang special day dahil si Tom Cruise ang nagkamit ng pinaka-maraming pagbisita sa bansang ito sa lahat ng mga Hollywood stars.

Ito na ang huling yugto ng paglilibot namin dito sa loob ng Madame Tussauds Wax Museum at ang huling parte ng aming pagbisita dito sa bansang Singapore. Nawa’y naibigan ninyo ang 15 parts ng aming tour dito sa Singapore.

Pinost ko lahat ng mga ito hindi upang ipagyabang bagkus ay magbigay ng kaalaman kung anu-anong mga lugar ang mga magagandang puntahan sa bansang Singapore. Kung nasubaybayan n’yo lahat ng parte ng aming paglalakbay dito ay para ka na rin nakarating sa bansang ito dahil sa dami ng iyong makikita sa aming mga napuntahan.

Sana’y nakatulong itong mga post ko patungkol sa aming tour dito sa Singapore para mabigyan kayo ng idea kung saan dapat pumunta, kung ano ang dapat gawin at kung paano makakapunta sa mga magagandang lugar dito sa bansang Singapore. Muli maraming salamat sa lahat ng nag-like, sumubaybay, tumingin at nagkagusto sa mga posts ko about sa kabuuan ng aming tour dito sa Singapore.