Stock Market – Part 18: The 2 Percent and 6 Percent Rule

Ano ba itong “2 Percent at 6 Percent Rule” na sinasabi? Ano ba ang kahalagahan nito at paano ito makakatulong para sa ating pagiinvest sa stock market? Bakit ba natin ito kailangan malaman at alamin?

Ang dalawang rule na ito ay uri ng risk management na ginagamit ng maraming nagiinvest sa stock market para ma-minimize ang mga losses sa ating mga investment kung saan pera natin ang nakataya. Isang paraan ito para ma-control natin ang mga risks habang tayo ay nagiinvest sa market na ito.

Lahat ng nagsisimula sa stock market at kung minsan nga kahit yung matatagal na kahit gaano pa sila kagaling ay nagkakamali din at kailangang mag-take ng mga losses. Kung minsan kasi kahit pumapabor sa atin ang sitwasyon, hindi rin advisable na i-risk natin ang malaking parte ng ating investment sa ilang trading trasactions na ginagawa natin.

2 Percent Rule

Photo: CTTO

Ang 2 Percent Rule ay isang rule kung saan sinasabi na hindi ka dapat mag-risk ng higit sa 2% ng iyong buong kapital o account equity sa bawat trading na gagawin mo. Pero paano ba natin maia-apply ang 2 Percent Rule sa ating pag-iinvest sa stock market?

Una sa kailangan mong gawin ay dapat magkaroon ka ng tinatawag na “Entry“, “Target” at “Stoploss“. Ang tatlong yan ay ipapaliwanag natin ng mas detalyado sa mga susunod na posts at kung paano sila sine-set. Sa ngayon ay lalagyan lang muna natin sila ng sample value at mag-focus sa dalawang rules sa topic na ito.

Kung wala ka kasi ng tatlong ito ang trading ay nagiging gamble na kapag ganun ang nangyari. Hindi ka naman pumasok sa stock market para i-gamble lang ang pera mo di ba? Ang gusto naman natin ay mapalago ang ating investment kaya isa sa mga kailangan at importante kapag nagiinvest ka sa stock market ay ang risks management o yung pagkontrol ng mga risks.

     Risk per Share

Halimbawa may plano kang bumili ng shares of stocks ng isang company na nagkakahalaga ng 30 pesos per share at sa tingin mo ay tataas ito kaya nag-set ka ng Target price na 35 pesos at dahil maingat ka ay naglagay ka ng Stoploss sa 28 pesos base sa iyong pagaaral at pagaanalisa.

Risk per Share = Entry Price – Stoploss Price

                          = 30 – 28

                          = 2 pesos/share

Ibig sabihin nagri-risk ka ng 2 pesos per share sa trade na ito at yun ang tinatawag na “Risk per Share”.

     Capital at Risk

Kung ang capital mo naman halimbawa ay 20,000 pesos at ayon sa 2 percent rule ay dapat hindi ka mag-risk ng 2% ng iyong capital;

Capital at Risk = Capital x 2% (as per 2% rule)

                          = 20,000 pesos x 2%

                          = 400 pesos

Ibig sabihin ang maximum allowed na dapat mo lang i-risk o ipatalo in any trade ay 4,000 pesos lang base sa 2% rule at ito ang tinatawag na “Capital at Risk”.

     Maximum No. of Shares

Sa pamamagitan nito malalaman mo kung ilan ang maximum no. of shares na pwede mong bilhin para maprotektahan ka sa mga risks ayon sa 2% rule.

Maximum No. of Shares = Capital at Risk / Risk per Share

                                            = 400 / 2

                                            = 200 shares

Ibig sabihin ang maximum share na dapat mong bilhin base sa 2% rule ay 200 shares. Pwede kang bumili ng mas mababa pa sa bilang na ito pero hindi ka na dapat pang bumili ng shares ng mas marami pa dito ayon sa 2% percent rule. Ito ay para maprotektahan ka sa mga risks na pwede mong kaharapin kung sakali man na hindi pumabor sa iyo ang market.

The Iron Triangle of Risk Control

Itong tatlo ngayon (A: Maximum Risk for Account, B: Risk per Share at C: Maximum No.  of Shares) ang bumubuo sa tinatawag na “Iron Triangle of Risk Control”.

The Iron Triangle of Risk Control:

“A” – maximum risk for account (2% of its current value)

“B” – risk per share (distance from your entry to your stop)

“C” – A divided by B

     Maximum Permissible Risk

Dito sa “Maximum Permissible Risk” ay kino-consider naman ang brokerage fee pati na ang tinatawag na provision for slippage. Nilalagay ang provision for slippage dahil kung minsan ay hindi naman nangyayari o sumasakto ang mga naka-set na actual limit kapag na-execute na. Sa maximum permissible risk binabawas lang natin sa capital at risk ang brokerage cost sa bawat buy at sell para makuha ang totoong value nito.

Kung gagamitin natin ang halimbawa sa itaas na ang capital mo ay 20,000 pesos at ipagpalagay natin na ang brokerage fee ay 50 pesos sa bawat buy at sell, ganito ang mga magiging formula natin sa pag-compute ng mga risk under sa 2% Rule:

Capital at Risk = 20,000 x 2% = 400 pesos per trade

Maximum Permissible Risk = 400 – (2 * 20) = 360 pesos per trade

     Buy at 30, Stoploss at 28 then add provision for slippage let say 1 pesos

Risk per Share = 30 – 28 +1 = 3 pesos per share

Maximum No. of Shares = 360 / 3 = 120 shares

6 Percent Rule

Ang “6 Percent Rule” naman ay nagsasabi na dapat huminto ka muna sa trading sa mga susunod na araw o linggo sa loob ng isang buwan kapag ang losses mo ay umabot na sa 6% ng iyong capital o account equity sa paguumpisa pa lang ng buwan. Kapag ang mga losses mo ay sunud-sunod at patuloy sa pagdami o pagtaas, dapat mong ikonsidera na ang method o sistemang ginagamit mo ay hindi umuubra sa current market condition. Kailangan mo munang huminto sa pagti-trade pansamantala.

Katulad ng ginagawa natin sa stoploss trade, indikasyon ang 6% rule para maging stop loss mo rin para sa iyong account equity o capital para limitahan ang maximum damages na maaari mo pang sapitin sa mga series of losing trades na nangyayari sa account mo. Nakakatulong ang 6% rule para maputol ang ating losing streaks at magbigay ng oras para pagisipan, pagaralan at muling rebisahin ang ating method, sistema o strategy sa ating ginagawang trading o pagiinvest sa stock market.

Marami kasi sa mga traders ang napapahinto o napapatay ng isda, maaaring shark bite (isang malaking pagkalugi) o kaya naman ay ng piranha bites (sunud-sunod na losses) na hindi man ganung kalaki pero kapag marami naman at sunud-sunod ay para ding inuubos ang capital mo. Ang 2% Rule ang poprotekta sa ‘yo laban sa mga sharks at ang 6% Rule naman ang sasagip sa ‘yo laban sa mga piranhas.

Sa ngayon nga ay itinataas ng iba from 2% to 5% at from 6% to 10% ang mga rules na ito dahil sa epekto ng mga broker’s fee. Pero kahit ano pa mang percent rule ang gamitin mo ay mas mahalaga na dapat laging kang merong risk management sa iyong pagiinvest sa stock market. Malaki ang maitutulong nito para alam natin kung paano poprotektahan ang ating mga kapital dahil nga mga pera natin ang nakataya dito.

Sanay nakatulong sa inyo ang munting paliwanag kong ito patungkol sa 2% at 6% Rule. Lagi n’yong tandaan na importante na lagi tayong may safety net sa ating mga trading transaction na ginagawa dahil napaka-volatile ng market na ito at kayang ubusin ang perang pinagpaguran mo sa isang iglap lang. Gamitin n’yo lang itong guide para sa mga susunod ninyong trading transactions o sa pagiinvest ninyo sa stock market.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.