Stock Market – Part 20: Support and Resistance

Ano ba itong support at resistance na tinatawag? Bakit ito mahalaga na malaman natin at matutunan kung paano ginagamit habang nagiinvest tayo sa stock market? Ano ba ang maitutulong nito para sa ating pagiinvest sa market na ito?

Dalawa sa pinaka-importanteng parameters o yung ginagamit para sa technical analysis ay ang support at resistance. Kumakatawan ito sa mga pangunahin o importanteng level o antas kung saan nakikita ang galaw ng isang stock sa stock market base sa kanilang supply at demand.

Sa stock market kasi o saan mang financial markets, ang mga presyo kasi ng anumang stocks ay pinatatakbo rin ng labis na supply (pagbaba) at demand (pagtaas) sa merkado. Kapag kasi tumataas ang demand at bumababa ang supply ay tumataas ang presyo at kapag tumataas naman ang supply at bumababa ang demand ay bumababa naman ang presyo na katulad din sa mga bilihin maging sa palengke man o supermarket. Ito ang magandang example ng tinatawag na “Law of Supply and Demand“.

Law of Supply and Demand

Bago nating puntahan ang support at resistance ay kailangan nating alamin ang pinakamahalagang parte ng support at resistance, ito ay ang pivot point. Ito kasi ang gagamitin natin para makuha ang support at resistance ng isang stock sa mga susunod na paliwanag sa ibaba. Pero ano nga ba itong pivot point? 

Pivot Point

Ang Pivot Point ay isang uri ng technical analysis indicator na tumutukoy sa pangkalahatang takbo o ang landas na tatahakin ng presyo ng isang stock sa stock market sa iba’t ibang timeframe. Dito kadalasan nakabase ang mga support at resistance levels ng isang stock kung saan direksyon papunta ang tatahakin n’yang landas.

Tinatawag din ito kung minsan na turning point dahil kadalasan sa puntong ito nagiiba ng direksyong tinatahak ng isang stock sa merkado. Ginagamit din ito para makuha ang iba pa o karagdagang levels na kayang abutin ng isang stock bilang kanyang susunod na support o resistance sa stock market.

Ipinapalagay na kapag ang presyo ng isang stock sa merkado ay gumagalaw sa ibabaw ng pivot point nangangahulugan ito ng isang bullish sentiment samantalang kung ang presyo naman ng isang stock sa merkado ay gumagalaw sa ilalim ng pivot point nangangahulugan ito ng kanyang bearish sentiment.

Narito ang formula o kung paano nakukuha ang pivot point na ito para maging guide ninyo o magkaroon din kayo ng idea kung paano ba ito nako-compute.

Pivot Point (PP)

               Pivot Point (PP) = (High + Low + Close) / 3

              where:

               High = highest price of the previous trading day

               Low = lowest price of the previous trading day

               Close = closing price of the previous trading day

Support

Ang tinatawag na support ay isang price level kung saan ang demand ay lumalakas daan upang pigilan nito ang patuloy na pagbaba ng presyo ng isang stock. Ipinalalagay na habang pababa at papunta ang presyo ng isang sa stock sa kanyang support level, ang mga nagiinvest o mga investors ay patuloy na bumibili at walang gaanong gustong magbenta.

Kapag dumating na sa oras na makarating na ang presyo sa kanyang support level, pinaniniwalaan na mas nagtagumpay ang demand kaysa sa supply para pigilan ang presyo nito na patuloy pang bumaba ng mas mababa pa sa kanyang support level.

Kung minsan ang support ay hindi nagagawang panghawakan ang kanyang pwesto at mabasag ang kanyang level o sa madaling salita na mas bumaba pa ang presyo ng isang stock sa kanyang support level. Nangangahulugan ito na mas nanaig ang bearish signal laban sa kanyang bullish counterpart.

Ang pagbasak ng presyo ng isang stock ng mas mababa pa sa kanyang support level ay nagpapakita ng willingness o kagustuhan ng mga investors na magbenta o kaya naman ay ang kakulangan ng mga gustong bumili. Sa ganitong paraan kapag nabasag ang unang support level, nagkakaroon ng ikalawang support level dahil nga mas bumababa ang expections at willingness o sa kagustuhan ng ibenta ang kanilang stocks kahit sa mas mababang presyo mula sa kanyang unang support level.

Dito pumapasok yung mga investors na nagka-cut ng kanilang mga losses dahil para sa kanila o dahil sa kanilang pag-aaral ay alam nilang mas bababa pa ang presyo ng isang stock. Kapag kasi nabasag na ang unang support level ay panibagong support level ang mabubuo ng mas mababa sa kanyang previous low.

Narito ang formula o kung paano nakukuha ang mga support levels na ito para maging guide ninyo o magkaroon din kayo ng idea kung paano ba ito nako-compute.

Support (S)

               First Level Support (S1) = (2 x PP) – High

               Second Level Support (S2) = PP – (High – Low)

               Third Level Support (S3) = Low – 2(High – PP)

               where:

               High = highest price of the previous trading day

               Low = lowest price of the previous trading day

               Close = closing price of the previous trading day

                PP = Pivot Point

Resistance

Ang resistance naman ay kabaligtaran lamang ng support at ito ay isang price level kung saan mas lumalakas ang pagbebenta ng mga stocks sa merkado daan upang pigilan nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng isang stock. Ipinalalagay na habang tumataas at papunta ang presyo ng isang sa stock sa kanyang resistance level, ang mga nagiinvest o mga investors ay patuloy na nagbebenta at walang gaanong gustong bumili.

Kapag dumating na sa oras na makarating na ang presyo sa kanyang resistance level, pinaniniwalaan na mas nagtagumpay ang supply kaysa sa demand para pigilan ang presyo nito na patuloy pang tumaas ng mas mataas pa sa kanyang resistance level.

Kung minsan ang resistance ay hindi nagagawang panghawakan ang kanyang pwesto at mabasag ang kanyang level o sa madaling salita na mas tumaas pa ang presyo ng isang stock sa kanyang resistance level. Nangangahulugan ito na mas nanaig ang bullish signal laban sa kanyang bearish counterpart.

Ang pagakyat ng presyo ng isang stock ng mas mataas pa sa kanyang resistance level ay nagpapakita ng willingness o kagustuhan ng mga investors na bumili o kaya naman ay ang kakulangan ng mga gustong magbenta. Sa ganitong paraan kapag nabasag ang unang resistance level, nagkakaroon ng ikalawang resistance level dahil nga mas tumaas ang expections at willingness o sa kagustuhan ng karamihan na bumili ng stocks kahit sa mas mataas na presyo mula sa kanyang unang resistance level.

Dito pumapasok yung mga investors na gustong kumita dahil para sa kanila o dahil sa kanilang pag-aaral ay alam nilang mas tataas pa ang presyo ng isang stock. Kapag kasi nabasag na ang unang resistance level ay panibagong resistance level ang mabubuo ng mas mataas sa kanyang previous high.

Narito ang formula o kung paano nakukuha ang mga resistance levels na ito para maging guide ninyo o magkaroon din kayo ng idea kung paano ba ito nako-compute.

Resistance (R)

               First Level Resistance (R1) = (2 x PP) – Low

               Second Level Resistance (R2) = PP + (High – Low)

               Third Level Resistance (R3) = High + 2(PP – Low)

               where:

               High = highest price of the previous trading day

               Low = lowest price of the previous trading day

               Close = closing price of the previous trading day

                 PP = Pivot Point

Ngayon tingnan natin kung saan kadalasan makikita ang mga support at resistance kapag tiningnan natin sa isang candlestick chart sa sample na ito sa ibaba. Ganito rin ang magiging sitwasyon sa karamihan ng stock sa stock market base sa paggalaw ng kanyang mga presyo.

Malinaw na makikita  sa sample chart na ang resistance levels ay pwede nating maging sell option kung saan pwede kang magbenta ng mga stocks na hawak mo dahil kadalasan ito ang sitwasyon kung saan kumita ka na. Samantalang ang support levels naman ay pwede natin maging buy option kung saan pwede kang bumili ng stocks.

Kung mapapansin mo sa simpleng support at resistance levels pa lang ay pwede ka ng kumita gamit lang ang dalawang parameters o indicators na ito para makatulong sa ‘yo habang nagiinvest ka sa stock market. Ito ang kahalagahan kung bakit kailangan nating malaman o aralin ang tungkol sa support at resistance. Marami pang variations ang pwedeng magawa sa pamamagitan ng support at resistance na ginagawa sa higher level ng technical analysis sa pagiinvest sa stock market.

Nawa’y may napulot kayong idea na pwede ninyong magamit sa inyong pagiinvest sa stock market na makakatulong sa inyo para lalo n’yo pang mapalago ang inyong mga investments sa market na ito. Ang mga paliwanag kong ito ay makikita n’yo din sa internet, mapapanood sa youtube at mababasa sa maraming libro. Ginagawa ko lang ito para sa mga taong napapadaan sa aking blog site na hindi pa alam ang tungkol sa mga ito.

Isa rin ito sa paraan ko para makatulong sa aking munting paraan para sa mga nagnanais na pasukin ang mundo ng stock market na gustong magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagiinvest sa stock market. Pinapaliwanag ko din sa ating sariling wika para mas malinaw at madaling maintindihan kahit ng simpleng tao na gustong pagsukin ang pagiinvest sa stock market. Gawin n’yo lang itong guide kasabay ng iba pang mga indicators at parameters para sa inyong pagiinvest sa market na ito. Muli maraming salamat sa pagdaan ninyo dito sa aking blog site.

Photos: CTTO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.