Hunter X Hunter – Episode 9: Mag-ingat sa Bilanggo

Overview

Sa pagpapatuloy ng Hunter exam sa Trick Tower, dito sa Episode 9 naman ng Hunter X Hunter na may pinamagatang Mag-ingat sa Bilanggo, susunod na maglalaban ay si Gon at Sedokan. Ngayon nga na meron na silang isang talo dahil sa pagsuko ni Tomba, magpapamalas si Gon ng angking talino at pagiging wais sa kabila ng pandarayang ginawa ni Sedokan.

Dito rin lalabas at makikita sa unang pagkakataon ang mga pulang mata ni Kurapika na marka ng isang taong galing sa tribu ng mga Kurta. Nangyari ito dahil nakita ni Kurapika ang pekeng tattoo sa likod ni Magitani na tatak ng pagiging miyembro ng isang Spider o Phantom Gang.

Video: CTTO

Episode 9 Quote

“Nautakan ka ng isang bata. Yan ang napala mo sa kakaasa mo sa panloloko.” – Majitani

Lessons Learned

May mga tao talaga na umaasa na lang sa panloloko sa kapwa para makapanlamang o makapandaya. Kung minsan yung iba naman ginagamit ang kahinaan ng iba para lang makapanlinlang at makuha ang anumang gustuhin nila o ang kanilang masamang hangarin.

May mga iilan sa mga ngayon nabubuhay ng hingi parehas at walang iniintindi kundi kung paano makapanloko ng kapwa. Sa maraming balita sa telebisyon ay mapapanood na ang iba talaga ay ito na rin kung minsan ang ikinabubuhay. Pero sigurado naman na hindi magiging maganda ang resulta ng ganitong ugali dahil darating at darating ang karma sa kanila sa tamang panahon.

Kaya ‘wag na sanang pamarisan o gayahin pa ng iba ang mga gumagawa ng mga ganitong bagay para lang mabuhay sa mundong ito. Siguradong may kapalit itong hindi maganda paglipas ng panahon hindi man sa iyo na gumawa ng kalokohan maaaring sa isa sa mga mahal mo sa buhay. Sabi nga ng iba makakahanap at makakahanap ka din ng sarili mong karma o katapat kapag puro na lang panloloko sa kapwa ang ginagawa mo sa buhay mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.