OFW sa Kuwait na Nakakuha ng Ayuda mula sa DOLE-AKAP Program

Guys panoorin n’yo itong video ng isang OFW na nakatanggap na ng ayuda mula sa DOLE-AKAP Financial Assistance Program. Makikita dito ang kumpletong proseso na kanyang pinagdaanan.

OFW sa Kuwait na Nakakuha ng Ayuda mula sa DOLE-AKAP Program

Please like, share, comment and subscribe to my Youtube channel for more videos to come.

To know more about me, please follow my other blogsite:

https://lifeisbeautifulbysimpleman.blogspot.com

Total Deployment Ban of OFWs Going to Kuwait

Inaprubahan ng POEA Governing Board ang isang resolution na nagpapataw ng total ban sa pagproseso at pagpapadala ng domestic o household service workers, semi-skilled workers, skilled workers, at mga propesyunal kasama na ang mga Filipino seafarers na dadaan saan mang daungan ng Kuwait.

Narito ang sample copy ng POEA Governing Board Resolution No. 04 Series of 2020 para sa inyong kaliwanagan patungkol sa umiiral na total deployment ban patungong Kuwait.

Photo: Credit to POEA

Para ito sa mga kababayan kong nagtatrabaho ngayon sa Kuwait, yung mga papunta pa lang ng Kuwait, mga balikbayan o balik-manggagawa at mga katulad kong OFW na lalong maintindihan at magkaroon ng masusing impormasyon sa mga kaganapan patungkol sa total deployment ban patungong Kuwait.

Why Do We Need To Learn How To Invest?

Bakit nga ba natin kailangan mag-invest o matutong maginvest? Maganda ba ito at makakatulong ba ito para sa atin? Ano ba ang mga maidudulot nito para sa atin at para sa ating future? Kaya ko bang gawin ito kahit simpleng tao lang ako na may maliit lang na sweldo o kinikita sa araw-araw?

Ang pag-iinvest ang isa sa mga kailangan natin matutunan habang maaga pa at bata pa tayo. Alam naman natin na ang mundo natin sa ngayon ay pinapaikot ng pera. Bawat galaw mo ay may kaakibat na halaga. Sa karamihan sa atin kadalasan ay hindi sapat ang kinikita natin sa ating pagtatrabaho o kaya naman ay kahit gaano ka na katagal nagtatrabaho ay wala ka pa din naiipon hanggang ngayon.

Kaya kailangan talaga natin ang katuwang upang sa gayon pagdating ng panahon ay hindi na natin kailangan gamitin ang sarili nating lakas para kumita ng pera at hayaan ang pera ang s’yang magtrabaho para sa atin.

Isa ang pag-iinvest sa napakahalagang paraan para makatulong sa atin lalo sa hinaharap. Kadalasan kasi hindi ito tinuturo sa eskwelahan lalo na ang tungkol sa financial literacy kaya iilan lamang ang nakakaalam ng kahalagahan nito. Kung minsan kahit nga hanggang makatapos ka na sa iyong pagaaral ay hindi mo pa rin ito nagagawang matutunan.

Sa aking sariling experience ganun din ang nangyari. Hindi kasi ito tinuro nung nagaaral pa ako kaya late ko na nalaman ang kahalagahan nito. Kaya naman simula ng dumating sa buhay ko ang pagiinvest ay agad ko itong pinagaralan para matutunan.

Kaya naman gusto kong sa pamamagitan nito ay makatulong ako sa iba sa aking munting kaparaanan para mabuksan ang isipan ng iba na wala pang alam tungkol sa financial literacy. Mas maganda kasi kung bata ka pa ay malaman mo na ito para pagdating ng panahon na matanda ka na ay hindi ka na masyadong mahirapan sa buhay at maabot mo ang mga pangarap mo sa mas madaling panahon.

Maraming paraan kung paano ka pwedeng mag-invest. Narito ang ilan sa mga pwede mong maging investments para makatulong sa ‘yo patungkol sa inyong financial goals at para na rin magkaroon ka ng idea habang maaga pa kung saan at paano nga ba matutong maginvest.

Stocks

Isa sa pwede mong maging investment ay ang pagiinvest sa stock market. Dito ay para ka na rin nagiging part owner ng mga kilalang kumpanya sa Pinas tulad ng Jollibee, SM, PAL, Cebu Pacific, BDO, BPI, Puregold at marami pang iba. Isa itong investment vehicle para mapalago ang iyong financial status tulad ng mga kilalang mga taong nagtagumpay sa mundo ng investing tulad nila Warren Buffet, Benjamin Graham,Peter Lynch, William Gross at marami pang iba.

Narito ang link na may 20 parts na sa ngayon, ang “Stock Market – Part 1: What is the Stock Market?” kung paano kayo makakapag-umpisa sa pagiinvest sa stock market at kung ano ang mga dapat ninyong malaman tungkol sa pagiinvest sa market na ito.

Mas maganda aralin muna ang lahat bago pumasok dahil ang pagiinvest dito ay may mga kaakibat na mga risks. Dapat kasi alam mo yung ginagawa mo at alam mo kung ano ang pinapasok mo para hindi ka maging ignorante at maayos mong mapalago ang iyong investment kung sakaling ito man ang piliin mong gawin.

Mutual Funds

Ang mutual fund naman ay isa ring investment vehicle tulad ng pagiinvest sa stocks. Dito naman ay pinagsasama-sama o kinokoleta ang mga pera ng mga investors para ilagak o i-invest sa mga securities tulad ng stocks, bonds, money market instruments, at iba pang mga assets. Katulad din ito ng mga ginagawa ng mga bangko kung saan ang mga perang dinideposit natin ay kanila ring iniinvest sa ibang instrumento ng pagpapalago ng pera.

Di tulad sa stocks na ikaw ang may buong kontrol sa iyong investment, dito sa mutual fund ay mayroong kang katuwang na fund manager na bihasa sa ganitong mga investments para palaguin ang mga pera ninyo o ng mga investors.

Real Estate

Sa real estate naman ay pwede ka rin mag-invest tulad ng ginagawa ko. Sa post kong ito na pinamagatang, “A Good Investment Vehicle and Passive Income Generator” ay inilahad ko ang patungkol sa aking investment sa real estate. Simple lang ang investment na ito pero sigurado namang makakatulong sa ‘yo ng malaki kung paano nga ba pwedeng maginvest sa real estate.

Ang maganda kasi sa pagiinvest sa real estate ay talagang lalago ang investment mo pagdating ng panahon dahil taun-taon ay tumataas ang presyo nito na parang isang ginto. Pero dapat nating tandaan na ang bahay o anumang real estate ay nagiging investment lang kung ito ay nagpapasok ng pera para sa atin o sa madaling salita ay kumikita tayo sa pamamagitan nito.

Business / Franchise

Ang isa pa na pwede mo rin maging investment ay ang business o franchising. Marami na ngayon ang nagpa- franchise ng kanilang negosyo na nasimulan at umunlad. Tulad na lang ng Mang Inasal, 7 Eleven o kaya naman ay mga food cart franchising business. Sa internet nagkalat na ang ganitong mga negosyo na makakatulong sa ‘yo upang magkaroon ka ng sarili mong negosyo.

Yung iba naman ay nago-online selling o business dahil ito ang patok ngayon at hindi nangangailangan ng masyadong malaking halaga. Makikita mo sa facebook na napakaraming gumagawa nito at marami din ang kumikita sa ganitong business.

Ang maganda kasi dito ay pwede mong gamitin ang social media ng libre para i-promote ang business mo at makita ng maraming tao na mayroong facebook account para mas marami kang customer na makuha.

Pwede din naman na kung ikaw ay nasa bahay at magtinda ng mga pagkain sa harap ng iyong bahay o kaya naman ay magkaroon ng mga mobile loading station, remittance center o kaya naman ay sari-sari store.

Hindi ka mauubusan ng anumang negosyo na pwede mong pasukin lalo pa’t tayo ngayon ay nasa millenial stage na kung saan ang lahat ng impormasyon ay madali mo na lang makikita sa internet o mapapanood sa youtube.

Self Investment

Ang huli ngunit ang pinaka-importante sa lahat ay ang pag-iinvest sa sarili natin, maging ito ay kaalaman, karunungan, kalakasan o kasanayan. Kahit ano pa man yan mas mahalaga na maginvest ka sa sarili mo dahil ito ang magbibigay sa ‘yo ng tunay na investment na kailanman hindi pwedeng malugi, manakaw ng iba o mawala sa ‘yo.

Maging ito man ay pamumuhunan sa pag-aaral ng isang bagong kasanayan, paghasa sa iyong sarili o propesyon, pagpapaunlad ng iyong sariling hilig o kakayahan na kung saan pwede kang sumali o dumalo sa ilang training sessions, seminars o kaya naman ay mag-hire ng mga magtuturo sa ‘yo.

Kailangan unahin mo munang tulungan ang sarili mo bago ka tumulong sa iba. Kasama na rito ang pagkakaroon mo ng iyong sariling insurance maging ito man ay health insurance o life insurance. Sa ganitong paraan kasi ay mas makakatulong ka ng maayos dahil may sapat ka ng kakayahan at resources at naisaayos mo na ang sarili mo kasama ng iyong pamilya.

Maganda rin ang pagbabasa ng mga libro at isa na dito ang libro ni Robert Kiyosaki na pinamagatang “Rich Dad Poor Dad, kung saan ako namulat sa mundo ng financial literacy at investment.

Marami pang libro ang pwedeng makatulong sa ‘yo para matutunan mo ang iba’t ibang mga kaparaanan kung paano nga ba mag-invest at paano mo ito matututunan. Pwede mo rin gamitin ang internet, facebook o maging ang youtube para makakuha ng mga impormasyon na kailangan mo patungkol sa pagiinvest.

Sa ngayon kasi lahat halos ng kailangan mong impormasyon ay mababasa o mapapanood mo na sa internet dahil karamihan ay ito rin ang ginagamit na medium para ituro sa iba ang kanila ring natutunan.

Mahalaga na malaman natin kung paano maginvest lalo na habang maaga pa o habang bata pa dahil malaki ang maitutulong nito sa ating future. Hindi naman habang buhay tayong malakas at makakapagtrabaho ng katulad sa ginagawa natin sa ngayon.

Darating at darating ang araw na magkakasakit tayo, hihina tayo at tatanda tayo at kapag dumating ang mga araw na iyon ay siguradong hindi na natin kaya pang magtrabaho.

Kaya maganda na magkaroon tayo kahit na maliit na investment man lang para makatulong sa atin sa hinaharap o sa panahon ng taghirap. Darating ang araw mare-realized mo na tama pala at buti na lang ay nagawa ko na ito habang ako ay malakas at bata pa.

Sana ay mabasa ito ng mga kabataan ngayon pati na ng mga kapwa ko OFW para hindi dumating ang panahon na sa tagal natin sa pagaabroad ay wala man lang tayong naipon, naipundar o negosyo man lang na naitayo o kaya naman ay sa mga taong hirap na sa buhay dahil parang buong buhay na lang nila hanggang sa pagtanda nila ay nagpapakapagod pa rin sa pagtatrabaho.

Sa kabataan, maganda ito na maaga kayong mamulat pagdating sa financial literacy dahil hindi ito kadalasang tinuturo sa eskwelahan. Malalaman mo na lang ang kahalagahan nito kapag lumipas na ang panahon at kakaunting panahon na lang ang natitira.

Muli maraming salamat sa pagdaan dito sa aking blog site at nawa’y may napulot kayong aral o idea kahit papaano sa aking munting pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan kung bakit kailangan natin matutunan kung paano maginvest.

Photo: CTTO

Christmas and Birth Day of an OFW in Kuwait

Ngayon ay araw ng Pasko at the same time ay birthday ko rin. Ipinanganak ako noong December 25, ang araw ng kapanganakan din ng ating Poong Maykapal na si Jesus. Kaya ang pangalan ko ay kinuha sa bible na si Saint Ezekiel. Medyo iniba lang ng konti at medyo ginawang modern kaya ang pinangalan sa akin ay Exequiel.

Ngayon nga ay nandito ako at nagtatrabaho sa bansang Kuwait. Walang pasko dito dahil nga ito ay isang Muslim country at wala ding off para sa birthday mo maliban na lang kung mag-file ka ng leave. Malungkot ang pasko dito ng mga OFW dahil nga malayo sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Kaya ang pasko dito o birthday ay parang karaniwang araw lang.

Ito ang sakripisyo naming mga OFW para mabigyan ng magandang future ang mga mahal namin sa buhay. Kaya nga ngayong pasko ay nandito pa rin ako sa work at tuloy lang ang trabaho na parang isang ordinaryong araw lang. Malungkot pero masaya na kaming makita na ang aming mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay masaya sa pagsalubong at pagse-celebrate ng Pasko.

Kaya mapapansin mo na yung ibang OFW ay gustong-gusto na umuuwi ng pasko at bagong taon sa atin sa Pinas dahil alam nila kung gaano kasaya ang pasko sa sarili mong bansa na kasama ang mga mahal mo sa buhay. Yung iba naman na hindi makakauwi ay magtitiis na lamang sa araw ng pasko malayo sa nakasanayang okasyon.

Sa atin kasi sa Pinas ay talaga namang Ber month pa lang ay akala mo malapit na ang pasko dahil na rin sa simoy ng hangin at mga naggagandahang palamuti lalo na ang mga christmas lights. Isama mo pa dyan ang mga puto bumbong, bibingka at ibang pang masasarap na kakanin pati na ang mainit na chaa kapag simbang gabi.

Puto Bumbong at Bibingka

Photo: CTTO

Sobrang napakasaya ng pasko sa atin sa Pinas kaya naman halos karamihan ng mga Filipino sa ibang bansa ay gustong-gustong mag-pasko sa atin. Kahit pa sila ay galing sa napaka-lalayong bansa tulad na lang dito sa Kuwait o saan mang dako ng mundo.

Dito naman sa Kuwait dahil nga regular na araw lang ito para sa lahat ng mga OFW dito ay patuloy pa din ang trabaho at walang off o pahinga. Ito ang aking almusal ngayong araw ng aking kaarawan at pagsalubong sa araw ng kapaskukhan kasama ng mga papers works sa trabaho.

Masaya na kung mabigyan ka ng half-day pero kadalasan ay hindi ito nangyayari. Pero ok lang dahil alam namin na ang bawat paghihirap namin dito sa abroad ay para sa future ng mga mahal namin sa buhay. Ito na lang ang magandang pakunswelo sa amin, ang malaman naming marami kaming natutulungan sa kabila ng aming mga pagtitiis, pagpapakahirap at pagpapakasakit.

Ito naman ang christmas at birthday treat ko sa sarili ko for a job well done ngayong taong 2019 at pasasalamat na din sa dami ng blessings na aking natanggap ngayon taon. Ganito lang ang pasko at birthday ko dito sa bansang Kuwait. Simpleng buhay na kahit medyo malungkot dahil malayo sa mga mahal sa buhay sa araw ng pasko ay handang magtiis para sa future ng aking pamilya o mga mahal sa buhay.

Jollibee Chickenjoy Meal

Muli mabuhay ang lahat ng mga bayaning OFW sa buong mundo na nagpapakahirap at nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat at Happy Birthday sa akin ngayong araw na ito December 25, 2019.