SMDC “Smile Residences” – Bacolod City

Presenting the latest and newest addition to SMDC condominiums and premier property family. We are offering you the new SMDC’s “Smile Residences” located in Bacolod City just beside SM City Bacolod.

Property Overview

Vicinity Plan

Location Plan

Site Development Plan

Mall Master Plan

Near Prime Locations

Sample Computations

Smile Residences – Bacolod

Studio w/ Balcony

24.81 sqm

Total Price: 4,483,477.00

Reservation: 15,000.00

15% in 51 months: 12,892.58 / mo.

85% Balance: 3,810,955.45

Flexi Unit

28.52 sqm

Total Price: 5,153,921.00

Reservation: 15,000.00

15% in 51 months: 14,864.47 / mo

85% Balance: 4,380,832.85

Selling points:

-prime location

-like MOA during development stage

-open lots around the vicinity to develop CBD

-near seaport

-near airport

-near hotels and convention centres

-beside SM Mall

-gateway to the Visayas

For your enquiries kindly leave a comment below or use the Enquiry Form on the side bar.

Why Do We Need To Learn How To Invest?

Bakit nga ba natin kailangan mag-invest o matutong maginvest? Maganda ba ito at makakatulong ba ito para sa atin? Ano ba ang mga maidudulot nito para sa atin at para sa ating future? Kaya ko bang gawin ito kahit simpleng tao lang ako na may maliit lang na sweldo o kinikita sa araw-araw?

Ang pag-iinvest ang isa sa mga kailangan natin matutunan habang maaga pa at bata pa tayo. Alam naman natin na ang mundo natin sa ngayon ay pinapaikot ng pera. Bawat galaw mo ay may kaakibat na halaga. Sa karamihan sa atin kadalasan ay hindi sapat ang kinikita natin sa ating pagtatrabaho o kaya naman ay kahit gaano ka na katagal nagtatrabaho ay wala ka pa din naiipon hanggang ngayon.

Kaya kailangan talaga natin ang katuwang upang sa gayon pagdating ng panahon ay hindi na natin kailangan gamitin ang sarili nating lakas para kumita ng pera at hayaan ang pera ang s’yang magtrabaho para sa atin.

Isa ang pag-iinvest sa napakahalagang paraan para makatulong sa atin lalo sa hinaharap. Kadalasan kasi hindi ito tinuturo sa eskwelahan lalo na ang tungkol sa financial literacy kaya iilan lamang ang nakakaalam ng kahalagahan nito. Kung minsan kahit nga hanggang makatapos ka na sa iyong pagaaral ay hindi mo pa rin ito nagagawang matutunan.

Sa aking sariling experience ganun din ang nangyari. Hindi kasi ito tinuro nung nagaaral pa ako kaya late ko na nalaman ang kahalagahan nito. Kaya naman simula ng dumating sa buhay ko ang pagiinvest ay agad ko itong pinagaralan para matutunan.

Kaya naman gusto kong sa pamamagitan nito ay makatulong ako sa iba sa aking munting kaparaanan para mabuksan ang isipan ng iba na wala pang alam tungkol sa financial literacy. Mas maganda kasi kung bata ka pa ay malaman mo na ito para pagdating ng panahon na matanda ka na ay hindi ka na masyadong mahirapan sa buhay at maabot mo ang mga pangarap mo sa mas madaling panahon.

Maraming paraan kung paano ka pwedeng mag-invest. Narito ang ilan sa mga pwede mong maging investments para makatulong sa ‘yo patungkol sa inyong financial goals at para na rin magkaroon ka ng idea habang maaga pa kung saan at paano nga ba matutong maginvest.

Stocks

Isa sa pwede mong maging investment ay ang pagiinvest sa stock market. Dito ay para ka na rin nagiging part owner ng mga kilalang kumpanya sa Pinas tulad ng Jollibee, SM, PAL, Cebu Pacific, BDO, BPI, Puregold at marami pang iba. Isa itong investment vehicle para mapalago ang iyong financial status tulad ng mga kilalang mga taong nagtagumpay sa mundo ng investing tulad nila Warren Buffet, Benjamin Graham,Peter Lynch, William Gross at marami pang iba.

Narito ang link na may 20 parts na sa ngayon, ang “Stock Market – Part 1: What is the Stock Market?” kung paano kayo makakapag-umpisa sa pagiinvest sa stock market at kung ano ang mga dapat ninyong malaman tungkol sa pagiinvest sa market na ito.

Mas maganda aralin muna ang lahat bago pumasok dahil ang pagiinvest dito ay may mga kaakibat na mga risks. Dapat kasi alam mo yung ginagawa mo at alam mo kung ano ang pinapasok mo para hindi ka maging ignorante at maayos mong mapalago ang iyong investment kung sakaling ito man ang piliin mong gawin.

Mutual Funds

Ang mutual fund naman ay isa ring investment vehicle tulad ng pagiinvest sa stocks. Dito naman ay pinagsasama-sama o kinokoleta ang mga pera ng mga investors para ilagak o i-invest sa mga securities tulad ng stocks, bonds, money market instruments, at iba pang mga assets. Katulad din ito ng mga ginagawa ng mga bangko kung saan ang mga perang dinideposit natin ay kanila ring iniinvest sa ibang instrumento ng pagpapalago ng pera.

Di tulad sa stocks na ikaw ang may buong kontrol sa iyong investment, dito sa mutual fund ay mayroong kang katuwang na fund manager na bihasa sa ganitong mga investments para palaguin ang mga pera ninyo o ng mga investors.

Real Estate

Sa real estate naman ay pwede ka rin mag-invest tulad ng ginagawa ko. Sa post kong ito na pinamagatang, “A Good Investment Vehicle and Passive Income Generator” ay inilahad ko ang patungkol sa aking investment sa real estate. Simple lang ang investment na ito pero sigurado namang makakatulong sa ‘yo ng malaki kung paano nga ba pwedeng maginvest sa real estate.

Ang maganda kasi sa pagiinvest sa real estate ay talagang lalago ang investment mo pagdating ng panahon dahil taun-taon ay tumataas ang presyo nito na parang isang ginto. Pero dapat nating tandaan na ang bahay o anumang real estate ay nagiging investment lang kung ito ay nagpapasok ng pera para sa atin o sa madaling salita ay kumikita tayo sa pamamagitan nito.

Business / Franchise

Ang isa pa na pwede mo rin maging investment ay ang business o franchising. Marami na ngayon ang nagpa- franchise ng kanilang negosyo na nasimulan at umunlad. Tulad na lang ng Mang Inasal, 7 Eleven o kaya naman ay mga food cart franchising business. Sa internet nagkalat na ang ganitong mga negosyo na makakatulong sa ‘yo upang magkaroon ka ng sarili mong negosyo.

Yung iba naman ay nago-online selling o business dahil ito ang patok ngayon at hindi nangangailangan ng masyadong malaking halaga. Makikita mo sa facebook na napakaraming gumagawa nito at marami din ang kumikita sa ganitong business.

Ang maganda kasi dito ay pwede mong gamitin ang social media ng libre para i-promote ang business mo at makita ng maraming tao na mayroong facebook account para mas marami kang customer na makuha.

Pwede din naman na kung ikaw ay nasa bahay at magtinda ng mga pagkain sa harap ng iyong bahay o kaya naman ay magkaroon ng mga mobile loading station, remittance center o kaya naman ay sari-sari store.

Hindi ka mauubusan ng anumang negosyo na pwede mong pasukin lalo pa’t tayo ngayon ay nasa millenial stage na kung saan ang lahat ng impormasyon ay madali mo na lang makikita sa internet o mapapanood sa youtube.

Self Investment

Ang huli ngunit ang pinaka-importante sa lahat ay ang pag-iinvest sa sarili natin, maging ito ay kaalaman, karunungan, kalakasan o kasanayan. Kahit ano pa man yan mas mahalaga na maginvest ka sa sarili mo dahil ito ang magbibigay sa ‘yo ng tunay na investment na kailanman hindi pwedeng malugi, manakaw ng iba o mawala sa ‘yo.

Maging ito man ay pamumuhunan sa pag-aaral ng isang bagong kasanayan, paghasa sa iyong sarili o propesyon, pagpapaunlad ng iyong sariling hilig o kakayahan na kung saan pwede kang sumali o dumalo sa ilang training sessions, seminars o kaya naman ay mag-hire ng mga magtuturo sa ‘yo.

Kailangan unahin mo munang tulungan ang sarili mo bago ka tumulong sa iba. Kasama na rito ang pagkakaroon mo ng iyong sariling insurance maging ito man ay health insurance o life insurance. Sa ganitong paraan kasi ay mas makakatulong ka ng maayos dahil may sapat ka ng kakayahan at resources at naisaayos mo na ang sarili mo kasama ng iyong pamilya.

Maganda rin ang pagbabasa ng mga libro at isa na dito ang libro ni Robert Kiyosaki na pinamagatang “Rich Dad Poor Dad, kung saan ako namulat sa mundo ng financial literacy at investment.

Marami pang libro ang pwedeng makatulong sa ‘yo para matutunan mo ang iba’t ibang mga kaparaanan kung paano nga ba mag-invest at paano mo ito matututunan. Pwede mo rin gamitin ang internet, facebook o maging ang youtube para makakuha ng mga impormasyon na kailangan mo patungkol sa pagiinvest.

Sa ngayon kasi lahat halos ng kailangan mong impormasyon ay mababasa o mapapanood mo na sa internet dahil karamihan ay ito rin ang ginagamit na medium para ituro sa iba ang kanila ring natutunan.

Mahalaga na malaman natin kung paano maginvest lalo na habang maaga pa o habang bata pa dahil malaki ang maitutulong nito sa ating future. Hindi naman habang buhay tayong malakas at makakapagtrabaho ng katulad sa ginagawa natin sa ngayon.

Darating at darating ang araw na magkakasakit tayo, hihina tayo at tatanda tayo at kapag dumating ang mga araw na iyon ay siguradong hindi na natin kaya pang magtrabaho.

Kaya maganda na magkaroon tayo kahit na maliit na investment man lang para makatulong sa atin sa hinaharap o sa panahon ng taghirap. Darating ang araw mare-realized mo na tama pala at buti na lang ay nagawa ko na ito habang ako ay malakas at bata pa.

Sana ay mabasa ito ng mga kabataan ngayon pati na ng mga kapwa ko OFW para hindi dumating ang panahon na sa tagal natin sa pagaabroad ay wala man lang tayong naipon, naipundar o negosyo man lang na naitayo o kaya naman ay sa mga taong hirap na sa buhay dahil parang buong buhay na lang nila hanggang sa pagtanda nila ay nagpapakapagod pa rin sa pagtatrabaho.

Sa kabataan, maganda ito na maaga kayong mamulat pagdating sa financial literacy dahil hindi ito kadalasang tinuturo sa eskwelahan. Malalaman mo na lang ang kahalagahan nito kapag lumipas na ang panahon at kakaunting panahon na lang ang natitira.

Muli maraming salamat sa pagdaan dito sa aking blog site at nawa’y may napulot kayong aral o idea kahit papaano sa aking munting pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan kung bakit kailangan natin matutunan kung paano maginvest.

Photo: CTTO

A Good Investment Vehicle and Passive Income Generator

Isa pa sa mga investments ko bukod sa stock market ay ang real estate property. Isa ako sa mapalad na nagmamay-ari ngayon ng isang real estate property o condominium unit sa isang SMDC condominium building sa SM Mall of Asia Complex, ang Shell Residences. Nakuha ko ito noong pang taong 2016. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko noon para lang magkaroon ng ganitong investment. Pero alam n’yo ba na isa ito sa magandang investment vehicles na magbibigay ng passive income sa ngayon dahil sa pagiging in demand n’ya. Naalala ko tuloy ang ilan sa mga mahahalagang quotes ni Warren Buffet tulad ng mga ito lalo na yung “On Investment: Do not put all eggs in one basket”.

Photo: CTTO

Nabili ko s’ya noong mga panahong iyon sa halagang 4M pesos at ngayon nga ay nagkakahalaga na ang kanyang market value ng 7.6M pesos. So, in the span of 3 years more than 3M na ang kinita ng investment kong condo unit kung ibebenta ko s’ya sa panahon ngayon. Narito ang itsura ng condo unit ko noong araw na na-turn-over s’ya sa amin.

Ang maganda kasi sa mga ganitong investment ay sa pagtagal ng panahon ay mas tumataas ang market value n’ya. Lalo pa itong tumataas kapag ang lugar kung saan nakatayo ang condominium building ay magiging progresibo. Tulad na lang ng mga condominium buildings sa paligid ng SM Mall of Asia.

Pagdating ng panahon siguradong hindi na lang 7.6M pesos ang itataas ng investment kong ito. Sa ngayon nga ang mga bagong unit sa bagong tayong condominium buildings ay nagkakahalaga na ng 10M and above. Ito na ngayon ang itsura ng unit ko bago ko s’ya pinarentahan. Medyo sinimplehan ko lang ang ayos at hindi ko na pina-full interior dahil hindi naman kailangan.

Nalaman ko kasi noon na ang lugar na ito ang isa sa mga magiging progresibong lugar sa kamaynilaan sa hinaharap. Ito rin kasi ang pangarap ko dati na magkaroon ng isang bahay na malapit lang sa airport at mga malls. Siguradong tataas pa ang market value ng investment kong ito dahil in the near future ay itatayo na malapit dito ang kauna-unahang IKEA sa Pinas.

Photo: CTTO

Bukod pa d’yan ang mga project na katatapos lang sa palibot nito tulad na lang ng Okada pati na ang mga future reclamation projects tulad ng paparating na Manila Bay City of Pearl project kung matuloy.

Photo: CTTO

Pero alam n’yo ba ang ginawa ko? Gaya ng iba, nakita ko ang malaking opportunity para gawin s’yang mas maganda at mas kumikitang investment vehicle. Pina-rentahan ko s’ya at ngayon nga ay may umuupa na sa halagang 55k per month. Gumamit ako ng agent dahil alam kong sila ang mas nakakaalam kung paano at saan kukuha ng mga foreign clients o yung mga gustong mag-rent sa mga condo units. Alam kong mas mababa pa ito kesa sa mga umuupa sa iba pero ok lang dahil para sa akin ay malaking bagay na ito. Ginawa ko lang ito para magkaroon ng steady income o yung tinatawag na passive income kahit na wala ako sa Pinas.

Pero alam n’yo rin ba kung ano pa ang maganda dito, bukod sa monthly rental ay ang mga tenant din ang magbabayad ng Water, Internet at Electric Bills every month. So yung rental fee na 55k ay kita mo na yun sa isang buwan at i-less mo na lang yung binabayaran mong Condo Dues pero syempre pati na yung agent’s commission which is equivalent sa 1 month rent. Ganun kasi ang kalakaran sa pagpaparent kapag kumuha ka ng agent kaya mas magiging ok kung ikaw na mismo ang hahanap ng client para wala ka ng babayarang agent’s commission.

Bukod pa d’yan, nagbabayad ang tenant ng 1 year advance for the rental fee at 2 months deposit para naman sa mga masisirang gamit o mga dapat ayusin dahil sila ang may kasalanan. Kaya nga noon nakaraang November 2019 ay natanggap ko na naman ang advance payment para sa condo rental.

Karamihan sa mga umuupa sa ngayon ay yung mga foreign clients o mga staff na nagtatrabaho sa mga Casino o Gaming facilities. Kaya mapapansin mo na marami na ngayon ang nagaalok ng mga condo unit ng SMDC o Ayala Land pati na ako hehe..pinasok ko na rin kasi ang mundo ng real estate business..hehe.. Narito ang kabuuan ng mga condominium at premier properties ng SMDC at Ayala Land kasama na ang lugar kung saan sila nakatayo o itatayo pa lang para maging guide n’yo.

SMDC Condominiums and Premier Properties

Ayala Land Condominiums and Premier Properties

Ito yung sinasabi na kahit natutulog ka ay kumikita ka at ang tinatawag na “Passive Income” generator dahil nga pumapasok lang ang pera kahit wala ka ng ginagawa dahil sa investment na na-acquire mo noon pa. Isa pa sa maganda sa pagpapa-rent ng iyong condo unit ay sa ‘yo nakapangalan at sa ‘yo pa rin ang property in the end at kung sakali man na gusto mo na s’yang ibenta in the near future ay pwede rin kung sa tingin mo ay mas lumaki pa ang kanyang market value.

Hindi ba magandang investment vehicle ito? Kaya hinihikayat ko ang sino mang makakabasa nito o mapapadaan sa blog site ko na subukan ang pagkakaroon ng real estate property dahil isa itong good investment vehicle at passive income generator. Kahit sa librong mababasa mo sa ngayon ay sina-suggest na isa ang pagkakaroon ng real property para maging investment vehicle para sa iyong future maging lupa, townhouse, house and lot o condo unit man yan.

Gusto ko lang i-share ang aking naging experience hindi upang ipagyabang bagkus ay maging inspirasyon sa iba at maging guide na din kung anu-anong paraan ang pwedeng puntahan ng mga perang pinaghihirapan natin na kikita at lalago pagdating ng panahon. Sana’y maging inspirasyon ito na hindi hadlang ang kahirapan para abutin natin kahit ang ating mga simpleng pangarap sa buhay. Hindi mo naman kailangan maging mayaman upang maging masaya at makamit ang iyong mga pangarap. Simpleng buhay lang ay ayos na, walang masyadong problema at may maayos na kalusugan. Kaya kung mangangarap ka ay lakihan mo na kasi yun na lang ang tanging libre sa mga panahon ngayon.

Maganda ito lalo na sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) na katulad ko dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay malakas tayo at kikita ng mga kinikita natin sa ngayon. Darating ang araw mawawalan tayo ng trabaho o tatanda tayo at maaring wala ng pagkakitaan kaya maganda na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na natin ang mga ganitong sitwasyon.

Sa mga kabataan naman ngayon, sana’y mabasa ninyo ito at may matutunan kayong aral sa post kong ito na magagamit ninyong guide para habang bata pa kayo ay maumpisahan n’yo na ang pagkakaroon ng mga ganitong investment vehicle na magbibigay sa inyo ng passive income. Mas maganda kasi na habang bata pa kayo ay natututunan n’yo na ang mga ganitong paraan o yung tinatawag na financial literacy dahil kadalasan ay hindi ito tinuturo sa eskwelahan.

Sana’y may napulot kayong idea na magbibigay inspirasyon sa inyo sa mga nabasa ninyo patungkol sa aking experience at mga hakbang na ginawa ko at para makatulong sa inyo kung paano ninyo mapapalago ang mga perang pinaghihirapan ninyo ng matagal na panahon.

Sabi ko nga sa quote na ito,

“Do your best in everything you do because whatever you plant today, surely you will harvest it later.”

SMDC Condominiums and Premiere Properties

Would you like to own a condominium unit in the Philippines or make it an investment with unlimited income? We got you covered and which ever place you choose there will be an SMDC property near you.

Just leave a comment below for inquiries and I will let an agent speak to you.