Hunter X Hunter – Episode 8: Pasya ng Nakararami

Overview

Dito sa Episode 8 na pinamagatang Pasya ng Nakararami ay maguumpisa ang  ikatlong phase ng exam para sa mga naghahangad ng maging hunter. Sa tinatawag nilang trick tower magaganap ang pagbubok at kailangan nilang makababa sa pinakababang bahagi ng tower ng buhay sa loob ng 72 oras.

Sa pagsusubok na ito, kailangang sundin ang pasya ng nakararami para makarating sa pinakababang parte ng tore sa loob ng 72 oras at makapasa sa nasabing pagsubok. Magiging magkasama ang apat na sina Gon, Killua, Kurapika at Leorio at ang makakasama nila bilang panglima sa grupo ay si Tomba.

Sa loob ng tore ay si Ipo, ang Warden ng kulungang tore ang s’yang magsisilbing Examiner ngayon sa ikatlong pagsubok ng kanilang hunter exam. Dito rin magkakaroon ng laban sa pagitan nilang lima laban sa limang bilanggo ng toreng kulungan para makatawid at makalampas sa isang parte o palapag ng tore at magpatuloy na makaabot sa pinakababa.

Video: CTTO

Episode 8 Quote

“Isa kang walang kwentang nilalang na mas masahol pa sa basura. Wala kang ibang alam gawin kundi ang manira.” – Leorio

Lessons Learned

May kilala ba kayong taong ganito? Yung isang taong walang ibang alam gawin kundi ang manira. Ang pagkakahalintulad ni Leorio sa ganitong klaseng tao na sinabi n’yang mas masahol pa sa basura ay maaaring masasabi nating may kabuluhan.

May mga tao talaga sa ngayon ang walang ibang alam gawin kundi ang manira ng kanilang kapwa. Imbes na tulungang tumaas o bigyan ng suporta para mas lalong umangat, ang ginagawa ay sinisiraan para lang mapabagsak at hilahin pababa.

Ano kaya ang napapala nila sa paninira nilang ito at hindi man lang nila naisip kung ano ang magiging epekto nito sa taong kanilang sinisiraan. Napakasakit isipin na may mga taong ganito sa panahon ngayon. Kaya masasabi natin na ang sinabi ni Leorio kay Tomba at nagbibigay katotohanan sa mga nangyayari sa ating paligid sa ngayon.

Hunter X Hunter – Episode 6: Nakakagulat na Pagsubok

Overview

Sa episode 6 ng Hunter X Hunter na pinamagatang “Nakakagulat na Pagsubok” magtatapos ang phase 1 ng hunter exam at ihahatid ni ginoong Satotz ang natirang 50 aplikante sa phase 2 ng exam. Dito na magsisimula ang phase 2 ng exam at sina Menchie at Buhara ang magsisilbing mga examiner sa phase na ito na gaganapin sa Biska Forest Park.

Dito susubukin ang kaalaman nila sa pagluluto gamit ang baboy bilang pangunahing sangkap na kanila pang huhulihin sa kagubatan. Dito na rin unang lalabas ang katauhan ni Chairman Netero, ang chairman ng selection committee para sa hunter exam. Napilitang magpakita si Netero dahil binagsak ni Mechie ang lahat ng mga aplikante dahilan upang ulitin sa ibang paraan ang exam.

Ang paglaga ng itlog ng spider eagles na makikita lamang sa split mountain ang naisip ni Menchie na magiging kapalit na pagsubok para sa mga aplikante. Sa pagkakataong ito ay kasama na si Mechie sa mga susubok sa exam na ito para maging patas ang lahat. Nang makita at malaman ni Gon kung paano nakuha ni Menchi ang itlog ay pinangunahan n’ya ang karamihan ng mga kandidato para sa matagumpay na pagpasa sa exam na ito.

Video: CTTO

Episode 6 Quote:

“Kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo.” – Chairman Netero

Lessons Learned

Sa episode 6 na ito nasabi ni Chairman Netero ang katagang, “kung minsan kailangan mo rin tanggapin ang pagkatalo”. Maaari tayong makakuha ng aral sa mga sinabi n’yang ito. Kung minsan talaga hindi naman lagi tayong nananalo lalo na sa mga labanan, pa-contest, o maging sa hamon ng buhay.

Minsan nakakatanggap din tayo ng pagkatalo. Kaya’t masasabi natin na tama si Chairman Netero na kung minsan talaga ay kailangan nating tanggapin ang ating pagkatalo. Pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan na nating sumuko. Ibig sabihin lang nito na mayroon pang ibang pagkakataon.

Ang pagtanggap kasi ng pagkatalo ay hindi nangangahulugan na dapat na tayong sumuko. Dapat nga ay gawin natin itong inspirasyon para lalo pa nating paghusayan sa susunod at magsanay o mag-aral. Dahil kapag handa na tayo ay darating at darating ang panahon na ang pagtanggap natin sa ating pagkatalo sa ngayon ay masusukliin ng tagumpay sa darating na panahon.

Hunter X Hunter – Episode 5: Hisoka – Ang Tuso

Overview

Sa Episode 5 namang ito ng Hunter X Hunter na may pinamagatang Hisoka – Ang Tuso, ipagpapatuloy ang Phase 1 ng Hunter exam. Pagtapos nila sa mahaba at makitid na yungib ay 368 na lang ang natira mula sa 405 na aplikante.

Dito sa Numere Wetlands o kilala sa pangalang Swindlers’ Swamp naman ang susunod na lugar sa pagpapatuloy ng phase 1 hunter exam kung saan ang lugar na puno ng mga kakaibang nilikha at mababangis na hayop.

Dito rin ipapakita ang katauhan ni Hisoka lalo na ang kakayahan n’ya sa pakikipaglaban. Magsasagupa din sa unang pagkakataon sina Gon at Hisoka kasama sina Leorio at Kurapika. Ipapamalas ni Gon kung gaano n’ya pinapahalagahan ang kanyang mga matatalik na kaibigan sa pagsagip n’ya kay Leorio laban sa tusong si Hisoka.

Video: CTTO

Episode 5 Quote:

“Ang saya talaga kapag may mga kaibigan ka.” – Hisoka

Lessons Learned

Ano nga ba ang pwede nating matutunan sa sinabi ni Hisoka at ang mga pangyayari kung bakit n’ya nasabi ang mga katagang iyon. Kung napanood mo ang kabuuan ng episode na ito ay masasabi mo kung gaano kahalaga kay Gon ang isang kaibigan ng sagipin n’ya si Leorio mula sa kamay ni Hisoka.

Binalikan n’ya ang kanyang mga kaibigan dahil alam n’ya na kailangan s’ya ng mga ito. Dito ay may mapupulot tayong aral kung paano natin dapat pahalagahan ang ating mga kaibigan pati ang pagkakaibigan. Kaya naman nakuha n’ya ang paghanga ni Hisoka at nasabi nitong pasado silang dalawa para maging Hunter para sa kanya.

Totoong napakasarap magkaroon ng mga kaibigan lalo na’t may mga kulitan at saya na dulot ng inyong pagkakaibigan. Kadalasan sa mga kaibigan tayo humuhugot ng lakas dahil kadalasan sila ang madalas nating kasama sa araw-araw. Sila rin ang nagpapasaya sa atin kaya naman sila rin ang pinagkakatiwalaan natin.

Hunter X Hunter – Episode 4: Pag-asa at Ambisyon

Overview

Sa Episode 4 naman na ito ng Hunter X Hunter na pinamagatang Pag-asa at Ambisyon, maguumpisa na ang Phase 1 ng hunter exam at dito susubukin ang resistensya at determinasyon ng bawat kandidato na kalahok sa exam na ito.

Dito na rin makikilala ni Gon si Kilua, ang kanyang bestfriend. Magkasing-edad lang ang dalawang bata at sa episode na ito maguumpisa ang pagiging malapit nila sa isa’t isa at ang kanilang pagkakaibigan.

Sa episode ding ito ilalahad na ni Kurapika ang kwento tungkol sa kanyang angkan, ang angkan ng mga Kuruta at kung bakit gusto n’yang maging isang hunter. Pati si Leorio ay maglalabas na rin ng kanyang emosyon sa mga nangyari sa kanyang buhay dahilan upang

gustuhin n’yang maging isang hunter at abutin ang kanyang ambisyon sa buhay na maging isang doctor.

Video: CTTO

Episode 4 Quote:

“Sa tamang halaga kahit ano mabibili mo, maging pangarap pa yan, puso ng tao at pati na rin buhay nila. Ang mundo natin ay pinapaikot ng pera, kaya gusto ko ng madaming-madaming pera.” – Leorio

Lessons Learned

Kung titingnan mo ang sinabi dito ni Leorio ay masasabi mong tama s’ya. Sa panahon kasi natin ngayon halos lahat ay meron ng katumbas na pera. Bawat galaw mo ay kailangan ng pera. Magpagamot ka, kailangan ng pera. Bumili ka, kailangan ng pera. Pupunta ka sa isang lugar o kakain ka sa isang kainan, kailangan ng pera.

Totoong pera ang nagpapaikot ngayon sa mundo natin. Pati nga hangin ngayon, kailangan na ng pera. Tulad ng mga oxygen sa ospital. Kaya naman hinangad n’ya ang magkaroon ng maraming pera dahil na rin sa mga nangyari sa kanyang nakaraan.

Hunter X Hunter – Episode 3: Rivals for Survival

Overview

Dito naman sa Episode 3 na may pinamagatang “Rivals for Survival” ay makakarating na sina Gon, Kurapika at Leorio sa Zaban City, ang lugar ng Hunter Exam sa tulong na rin ng kanilang navigator.

Sa unang pagsalta nila sa lugar kung saan gaganapin ang unang bahagi ng hunter exam ay makakasalamuha nila si Tomba, ang taong 35 beses ng sumubok sa hunter exam at ang tagatumba ng mga baguhan.

Dito rin sa episode na ito ipapakita na ang ilan pa sa mga main characters ng Hunter X Hunter tulad ni Hisoka, ang madyikerong payaso at si Killua Zoldyck, ang batang assassin na magiging bestfriend ni Gon. Nandito rin ang kapatid ni Killua na si Illumi pero hindi mo malalaman na s’ya pala si Illumi kung hindi mo pa natatapos mapanood ang kabuaan ng anime na ito.

Video: CTTO

Episode 3 Quote:

“Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo, yun ang gawain ng mga tunay na Hunter.” – Kurapika

Lessons Learned

Dito naman sa sinabi ni Kurapika, maaari nating ihalintulad ang ating sarili bilang isang Hunter. Ang pagpapanatili ng kalikasan at kapayapaan sa mundo ang isa sa mga kaakibat ng pagiging tao. Kung gusto natin ng mapayapang mundo ay kailangan nating ipairal ang kaayusan gayundin ang pagkakaisa at pagkakaunawaan.

Sa kalikasan naman ay dapat nating panatilihing malinis at kung maari ay walang polusyon sa ating kapaligiran. Tayo ang namumuhay sa mundong ito kaya sa atin din nakaatang ang responsibilidad upang mapanatili natin ang ating malinis ang ating kalikasan at ang kapayapaan sa mundo.

Hunter X Hunter – Episode 2: Pagsubok ng mga Pagsubok

Overview

Dito sa Episode 2 na may pamagat na Pagsubok ng mga Pagsubok ay susubukin sina Gon, Kurapika at Leorio ng isang matandang Examiner para makatuloy sa daan patungo sa puno sa taas ng bundok na sinabi ng Kapitan na dun sila dapat magtungo. 

Si Matthew na isa ring examinee na kanina pa bumubuntot sa kanilang tatlo ang nagpaunang sumagot sa tanong at nasagot naman n’ya ang tanong kaya s’ya ay nakadaan. Pero lingid sa kaalaman ni Matthew ang daan pala na pinuntahan n’ya ay hindi ang tamang daan patungo sa lugar na dapat puntahan ng mga Hunter Examinee. Dito nasubok ang kakayahan nilang tatlo sa pagdedesisyon sa mga sitwasyon na pwede nilang kaharapin sa hinaharap.

Video: CTTO

Episode 2 Quote:

“Yun mismo ang tunay na saysay ng pagsubok na ito. Ang ihanda kayo sa mga alanganing sitwasyon na maaari n’yong harapin sa mga panahon na nakasalalay ang lahat sa magiging pasya ninyo, tama man o mali at iba-iba man ang daan na piliin n’yong tahakin.” – Matandang Examiner

Lessons Learned

Sa sinabi namang ito ng matandang examiner nung mga oras na kailangan magdesisyon nina Gon, Lerio at Kurapika upang masagot ang isang tanong ay talaga namang mapapaisip ka. Totoong ang mga pagsubok ay dumarating sa buhay natin upang ihanda tayo sa mga sitwasyon na kailangan nating magdesisyon at ihanda tayo sa hinaharap saan mang daan ang piliin nating tumungo.

Pero kung natapos mong panoorin ang episode na ito ay magtatanong ka din kung sino nga ba talaga ang dapat mong piliin o sagipin sa dalawa?

Hunter X Hunter – Episode 1: Ang Paglisan at Pagkakaibigan

Overview

Ito ang anime na Hunter X Hunter. Ito ang isa sa mga paborito kong animation tv series sa lahat. Ito ay isang Japanese Manga series na sinulat at gawa ni Yoshihiro Tagashi noong taong 1998.

Una itong pinalabas sa TV noong 1999 na may 62 episodes at sa kabuuan nga ay meron na itong 148 episodes in total na pinroduce ng Nippon Animation sa direksyon ni Kazuhiro Furuhashi.

Video: CTTO

Kwento ito ng isang batang si Gon Freecs na naghahanap sa kanyang amang si Ging Freecs na isang kilalang Hunter. Ang mga Hunter ay yung tinatawag na mga lisensyadong propesyunal na nagi-specialized sa maraming bagay gaya ng fantastic pursuits tulad ng pag-locate sa mga rare or unidentified animal species, treasure hunting, surveying unexplored enclaves, o kaya naman ay pag-hunt sa mga lawless individuals.

Iniwan s’ya ng kanyang ama noong bata pa lamang s’ya kaya sa episode 1 na ito na pinamagatang “Paglisan at Pagkakaibigan” ay sinundan n’ya ang mga yapak ng kanyang ama para malaman ang dahilan kung bakit mas pinili n’yang maging Hunter kesa ang makasama sila. Dito rin sa episode na ito makikilala ni Gon ang mga magiging tunay n’yang mga kaibigan at kabarkada na sina Leorio at Kurapika.

Maganda ang kabuuan ng anime series na Hunter X Hunter dahil marami kang matututunang aral tungkol sa buhay, pamilya, pagkakaibigan at pagharap sa mga hamon sa buhay kasama na ang mga emosyon, kontrol sa damdamin at pagiisip. Kaya sana ay mapanood ninyo ito ng buo gaya ko na halos ilang beses ng pinaulit-ulit na panoorin ito.

Episode 1 Quote:

“Kung gusto mo talagang makilala ang isang tao, dapat mo munang unawain kung anu-anong dahilan ng mga ikinagagalit nila.” – Mito Freecss

Lessons Learned

Ano nga ba ang pwede nating mapulot na aral sa episode na ito at sa sinabi ni Mito Freecss? Kung titingnan mo yung sinabi n’ya ay totoo naman talaga na dapat muna nating malaman kung anu-ano ang mga ikinagagalit ng gusto nating makilala para lubos nating maunawaan ang ugali nila.

Pansinin mo yung mga kaibigan natin, di ba parang mas nakikilala natin sila at nagiging matalik nating silang kaibigan dahil alam natin ang buong pagkatao nila at kung anong klaseng ugali meron sila. Kaya kapag naunawaan na natin ang mga dahilan ng mga ikinagagalit nila ay madalas hindi na natin ito ginagawa o pinapakita kaya naman mas lalong nagiging matibay ang pagsasamahan at pagkakaibigan.