Doppelgänger

By Djoanne Nicole Tenorio

Hindi ko alam kung minsan nagkakamali lang tayo sa pandinig pero pa’no kaya kung tumutugma ito sa pangyayari?  Nakakagulat, nakakapangilabot at nakakapanindig ng balahibo 👁️😱😂

Hayaan n’yong umpisan ko ang kaganapan kani-kanina lang, oo kanina lang. Kinausap ako ng Auntie kong maganda, itago na lang natin sa pangalang Claire 😂. “Alam mo pumunta ako sa kabilang bahay. Parang walang tao pero may sumagot. May aswang yata doon. Haha..” Biro ng tita ko at tumawa pa. Ganito kasi ‘yan, ang bahay na pinuntahan n’ya ay family din namin bale ate n’ya so tita ko rin yun.  Hinanap n’ya ang anak nito, itago na lang natin sa pangalang Joyjoy😂 . Kasi nga balak nyang kausapin.

Mabalik tayo, ako naman nagmalamatapang sabi ko puntahan natin at tingnan kung may tao nga doon. Kita naman kasi dito sa’min na may ilaw don sa bahay nila. Sabi ng tita Claire ko, “Ayoko. Natatakot na ko. Haha..” Pero pinilit ko s’yang samahan ako kahit sa labas lang s’ya kasi gusto ko ngang malaman kung may tao malay natin may aswang nga talaga Hahahaha..😂.” Pinuntahan namin, si tita nandon lang nakatayo ako naman itong  tawag ng tawag. “Joy! Joy! Joy!” Wala talagang sumasagot. Tapos tinulak ko ang pinto. 

Hala! wala ngang tao. Wala si Joyjoy.😱

So heto na naman ako napatalak, “Ikaw na aswang pumapasok ka sa bahay nang di mo bahay!” (Kaya nga aswang eh. Hahahaha..🤣🤣) Tapos biglang dumating yung isa kong tita galing yata s’ya sa tindahan, tinanong s’ya ni tita Claire. “Ne, wala ba dito si Joyjoy?” 

Ang sagot niya, “Kanina pa nakaalis si Joyjoy.”

“Ibig sabihin wala palang tao sa bahay nyo te?” tanong ko.

Si Tita Claire kaagad tumakbo sa likod ni tita, mangiyak-ngiyak siya. Kaya itong tita Claire ko tumakbong umuwi sa bahay at doon humagulgol, natakot daw sya😂😂 Ako naman maintriga ano ba sinagot sa ‘yo ni Joyjoy, tita Claire? “Teka lang, iinom lang ako ng tubig.” habang mangiyak-ngiyak n’yang kinukuwento sa’min. Ako naman naka-ready as usual ang camera ko para kuhanan siya ng video 😂 (naka-livescreen pa kamo. Hahaha).

“Buti di ka pumasok sa pinto, pa’no kung aswang nga ‘yon tita Claire?” tanong ko rito.  “At ano naman ang gagawin niya sa’kin?”

“Malay ko ba😱😂” At ayun nagsidatingan na sina papa at ang iba pa para umusisa.

At di lang pala si tita claire ang nakaranas ng ganun, naranasan din ito ng ibang nandito pero ibang tao naman ang ginayang boses. 

(Si Joyjoy ay buntis kung mali man ang nasa isip ay  . . . nag-aalala lang ako kasi minsan naikuwento n’ya saming natutulog na s’ya pero bigla-bigla nalang daw sumisikip ang paghinga niya kaya nagigising siya. Baka normal lang daw ‘yun kasi buntis siya.)

Nakakapanindig balahibo ba? Kung hindi, try mong pumunta sa ibang bahay at tawagin ang pangalan nila tapos kinausap ka. At kalauna’y malalaman mong di pala sila ang totoong kausap mo👁️😱

“Kung hindi ‘yun si Joyjoy, eh sino yun?!” ang tangi na lamang naibulalas ko.