Hunter X Hunter – Episode 1: Ang Paglisan at Pagkakaibigan

Overview

Ito ang anime na Hunter X Hunter. Ito ang isa sa mga paborito kong animation tv series sa lahat. Ito ay isang Japanese Manga series na sinulat at gawa ni Yoshihiro Tagashi noong taong 1998.

Una itong pinalabas sa TV noong 1999 na may 62 episodes at sa kabuuan nga ay meron na itong 148 episodes in total na pinroduce ng Nippon Animation sa direksyon ni Kazuhiro Furuhashi.

Video: CTTO

Kwento ito ng isang batang si Gon Freecs na naghahanap sa kanyang amang si Ging Freecs na isang kilalang Hunter. Ang mga Hunter ay yung tinatawag na mga lisensyadong propesyunal na nagi-specialized sa maraming bagay gaya ng fantastic pursuits tulad ng pag-locate sa mga rare or unidentified animal species, treasure hunting, surveying unexplored enclaves, o kaya naman ay pag-hunt sa mga lawless individuals.

Iniwan s’ya ng kanyang ama noong bata pa lamang s’ya kaya sa episode 1 na ito na pinamagatang “Paglisan at Pagkakaibigan” ay sinundan n’ya ang mga yapak ng kanyang ama para malaman ang dahilan kung bakit mas pinili n’yang maging Hunter kesa ang makasama sila. Dito rin sa episode na ito makikilala ni Gon ang mga magiging tunay n’yang mga kaibigan at kabarkada na sina Leorio at Kurapika.

Maganda ang kabuuan ng anime series na Hunter X Hunter dahil marami kang matututunang aral tungkol sa buhay, pamilya, pagkakaibigan at pagharap sa mga hamon sa buhay kasama na ang mga emosyon, kontrol sa damdamin at pagiisip. Kaya sana ay mapanood ninyo ito ng buo gaya ko na halos ilang beses ng pinaulit-ulit na panoorin ito.

Episode 1 Quote:

“Kung gusto mo talagang makilala ang isang tao, dapat mo munang unawain kung anu-anong dahilan ng mga ikinagagalit nila.” – Mito Freecss

Lessons Learned

Ano nga ba ang pwede nating mapulot na aral sa episode na ito at sa sinabi ni Mito Freecss? Kung titingnan mo yung sinabi n’ya ay totoo naman talaga na dapat muna nating malaman kung anu-ano ang mga ikinagagalit ng gusto nating makilala para lubos nating maunawaan ang ugali nila.

Pansinin mo yung mga kaibigan natin, di ba parang mas nakikilala natin sila at nagiging matalik nating silang kaibigan dahil alam natin ang buong pagkatao nila at kung anong klaseng ugali meron sila. Kaya kapag naunawaan na natin ang mga dahilan ng mga ikinagagalit nila ay madalas hindi na natin ito ginagawa o pinapakita kaya naman mas lalong nagiging matibay ang pagsasamahan at pagkakaibigan.